Pops Fernandez prefers to have a new baby rather than a new husband

"I can get married anytime basta nandiyan na ang right man for me. But to have another child is matagal ko nang gustong mangyari. So, I would rather have a new baby muna than a new husband!" says Pops Fernandez when asked when is she doing her own wedding gown now that she’s into designing.


May ibang hilig nang gawin ang Concert Queen na si Pops Fernandez, at ito ay ang mag-design ng wedding gowns.

Ipinakita for the first time ni Pops ang kanyang first wedding gown collection para sa label niya na "Pops Fernandez" sa nakaraang 11th Franchise Excellence Awards sa SMX Convention Center last September 22.

Isa nga sa mga naging modelo ni Pops ay ang Kapuso actress na si Carla Abellana.

GOWNS FOR EVERY BRIDE. Sa buong collection ni Pops ay ipinakita niya ang iba’t ibang styles ng wedding gown depende sa taste ng magsusuot na bride.

Sinadya nga ni Pops na mag-design ng iba’t ibang hitsura ng gown para na rin sa nauusong iba’t ibang themes ng wedding.

"There are so many styles to choose from my wedding gown collection," pagmamalaki pa ni Pops.

"Merong pang-beach wedding. Merong pang-garden wedding.

"Nandiyan din ang traditional na para sa church weddings.

"I also have Chinese and Japanese designs for wedding gowns.

"So, there is one for every style and taste that a bride may want."

HOW IT STARTED. Matagal na nga raw gustong gawin ni Pops ang mag-design ng wedding gowns. Sobra raw siyang nagagandahan sa mga suot ng brides kapag uma-attend siya ng weddings.

Since parati naman daw may kinakasal, bakit hindi na niya simulan ang matagal na niyang gustong gawin.

"Everybody knows how much I love fashion. And for me, even a bride on her wedding could be fashionable.

"Uso naman ang mga concept weddings ngayon and it’s nice to see brides wearing something out of the traditional style.

"Nandoon pa rin ang tradition, pero may konting edge.

"Like what they say, something out of the box.

"So I was able to sit down and do some sketches.

"I also helped in choosing the fabrics for the gowns and some accessories to go with it.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ang hindi ko lang ginawa ay ang manahi at gumamit ng sewing machine.

"Hindi ako pang-Project Runway!" tawa niya.

"Before I knew it, I already finished a collection and [had it] ready to be seen by people who will help me market these wedding gowns."

WILL OPEN A BOUTIQUE. Marami na nga raw ang interesadong i-market ang wedding gowns ni Pops. Magbubukas nga raw siya ng boutique para makita on display ang kanyang mga creations.

"We’ve been getting inquiries from different stores. Gusto nga raw nilang i-put on display ang mga wedding gowns.

"It’s a good sign, ’di ba? It means that there is a market for these gowns.

"Hintayin na lang nila yung boutique na bubuksan namin para makita nila up-close ang mga wedding gowns.

"If things go well, hindi lang kami sa wedding gowns magko-concentrate.

"We will be also doing other things like cocktail gowns, evening wear, bags, shoes and accessories.

"It’s going to be a big collection for our brand," kuwento pa niya.

"Ikatutuwa nga raw ni Pops kapag marami ang magkagusto at magpagawa sa kanya ng wedding gowns. Lalo na kung celebrities pa ang mga ito.

"Kahit sino naman ay matutuwa kung tatangkilikin nila ang mga locally-made wedding gowns natin, ’di ba?

"Gawa ito ng Pinoy and we can be at par with wedding gowns made by big name designers like Vera Wang or Monique Lhuillier.

"Siyempre, yun ang vision namin for this project.

"With the help of many people who believe in what we can offer, we can achieve it eventually," diin niya.

HER OWN WEDDING GOWN? Tinanong nga namin si Pops kung kelan naman siya magsusuot ng sarili niyang specially-designed wedding gown?

"Parang mas gusto kong magkaroon muna ng anak kesa sa ikasal ulit!" tawa pa niya.

"I can get married anytime basta nandiyan na ang right man for me.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"But to have another child is matagal ko nang gustong mangyari.

"So I would rather have a new baby muna than a new husband!"

Nami-miss na nga raw ni Pops na may baby siyang inaalagaan. Malalaki na raw kasi ang mga anak niya at may kanya-kanya ng buhay.

"I miss my boys a lot. Robin is doing well with his career.

"He’s into hosting corporate events and he’s on different TV shows din performing.

"Si Ram naman is still in school. He’s very concentrated on his studies.

"Kaya nami-miss ko na may inaalagaan akong bata sa bahay.

"Kaya naiisip ko na sana magka-baby pa ako ulit. Hindi pa naman yata huli. Anything is possible now, ’di ba?" ngiti niya.

Sa ngayon ay loveless si Pops at mas nakatuon nga siya sa kanyang bagong passion ngayon which is designing at sa shows niya abroad.

"I am always in love!" tawa niya. "Sana may makadama ng love ko, ’di ba?

"Right now, my love is going into my work.

"I’ve finished my first collection for everyone to see and I’ll be leaving for a series of shows abroad.

"That’s why I’m in love now with what I’m doing.

"Sa personal, wala pa talaga. Let’s see what happens when I get back," pagtatapos pa ni Pops Fernandez.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN