Camille Prats’s husband, Anthony Linsangan, finally laid to rest

"Kasi, I spend everyday with him, I wake up with him, [and] I sleep beside him. So, lahat ’yon alam ko na hindi ko na mararanasan ulit, at lahat ’yon siyempre mami-miss ko nang sobra. But, siguro ang pinaka-ano [consolation] ko lang dito, binigyan niya ako ng anak," Camille Prats said.


Nailibing na ang asawa ni Camlle Prats na si Anthony Linsangan kahapon, Setyembre 27, sa Dasmariñas Memorial Park sa Dasmariñas, Cavite, bandang alas-tres ng hapon.

Pumanaw ang asawa ni Camille sa edad na 31, dahil sa sakit na nasopharyngeal cancer, noong Setyembre 23 sa Makati Medical Center. (CLICK HERE for related article)

Ayon sa ulat ng entertainment reporter na si Lhar Santiago sa Chika Minute kagabi, Setyembre 27, muntik pa raw mabago ang araw ng libing ni Anthony.

Noong una kasi’y ala-una ng hapon ang schedule ng naturang libing. Pero, dahil sa masamang panahon ay naisip nilang ipagpaliban ito.

Pero, nang humina na ang ihip ng hangin ay nagdesisyon ang pamilya ni Anthony at Camille na ituloy na ang naturang libing.

"ALWAYS BE A LINSANGAN." Matapos ang libing, tutuloy muna raw si Camille at ang kanyang anak sa bahay ng pamilya Prats.

Hindi pa raw kasi handa si Camille na umuwi sa bahay nila ni Anthony.

Gayunman, sinuguro naman niyang malaking bahagi pa rin ng kaniyang buhay ang pamilya Linsangan.

"Hindi naman ako mawawala sa buhay nila," saad ni Camille.

"Lalong-lalo na may apo, dahil nandiyan si Nathan.

"And, we’ll always be a family kahit wala si Anthony.

"I’ll always be a Linsangan."

Aminado si Camille na mahihirapan siyang tanggapin ang reyalidad na wala na ang kanyang kabiyak.

Naluluhang sinabi ng aktres na, "Kasi, I spend everyday with him. I wake up with him, [and] I sleep beside him.

"So, lahat ’yon alam ko na hindi ko na mararanasan ulit.

"At lahat ’yon siyempre mami-miss ko nang sobra.

"But, siguro ang pinaka-ano [consolation] ko lang dito, binigyan niya ako ng anak."

A FEW DAYS OFF. Samantala, nagdesisyon naman si Camille na magpahinga muna ng ilang araw, matapos ang malungkot na pangyayari na ito sa kanyang buhay.

Kasalukuyan kasing mapapanood si Camille sa primetime show ng GMA-7 na Ang Munting Heredera.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Gayunman, sa darating na Biyernes ay pupunta muna siya sa kanilang taping bago siya magbakasyon.

Kailangan kasing isara ang ilang eksenang nabuksan kung saan importante ang kanyang character.

Aniya, "I’m committed to Munting Heredera, and I really love that show.

"I really love the people I work with. Ayaw ko naman silang iwan ng ganun lang, and they’re like a family to me, e.

"So, ’pag nakikita ko sila, it makes me feel better."

THANK YOU ALL! Pero, sa kabila ng mga pangyayari na ito’y nagpapasalamat si Camille sa lahat ng nakiramay at sumuporta sa kanya sa pagharap sa pangyayaring ito sa kanyang buhay.

"Sobra-sobra din po ’yong pagpapasalamat ko sa lahat ng pagmamahal na ipinakita ninyo sa asawa ko.

"I would like to thank my home network of course, first GMA[-7] for being supportive.

"And, of course to our family, friends and relatives, sa mga taga-village namin.

"Sa mga kabarkada niya from grade school to high school, to college hanggang ngayon."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN