Vice Ganda recounts sexy scenes with Derek Ramsay in his new movie

Vice Ganda on doing sexy scenes with Derek Ramsay: "Gusto ko siyang makasama kasi pinagpapantasyahan ko siya noon pa. Kaya lang, sa sobrang welcoming kasi ni Derek, ’tapos sobrang generous sa mga friendship, walang kaarte-arte. As in, wala siyang arte, at open siya sa lahat. So, ako ang nahihiya."



Lubos ang pasasalamat ng komedyanteng si Vice Ganda sa tuluy-tuloy na pagdating ng mga magagandang proyekto sa kanyang showbiz career.

Mula sa box-office hit na launching movie niyang Petrang Kabayo, inaasahan din ng marami na magiging patok ang ikalawang pelikulang kanyang pinagbibidahan, ang Praybeyt Benjamin.

"Masayang-masaya ho dahil ipinagkatiwala sa akin ng Viva at ng Star Cinema ang movie na ito.

"Sa pangalawang pagkakataon, magbibida ako ulit kaya sobrang pasasalamat ang mero’n sa puso ko, at sa Diyos para sa hindi natatapos na pagdating ng biyaya sa akin," pahayag ng TV host-actor sa press conference ng pelikula kaninang tanghali, Setyembre 28, sa Dolphy Theater, ABS-CBN compound, Quezon City.

Bagamat sa Petrang Kabayo unang napatunayan ni Vice ang kanyang husay sa pagpapatawa sa pelikula, itinuturing naman niyang mas madaling gawin ang kanyang ikalawang lead role bilang Praybeyt Benjamin.

"Mas kumportable na po ako dito [Praybeyt Benjamin], e," sabi ni Vice nang ikumpara ang kanyang karanasan sa dalawang pelikula."

Patuloy pa niya, "Sa mga kinikilos ko sa harap ng camera, mas relax na ngayon.

"Hindi katulad sa Petrang Kabayo, medyo stiff pa ang mga kilos, galaw, at ’yong acting ko.

"Ngayon, kahit papaano gamay ko na kung anuman ang tinatrabaho ko kaya mas magaan panoorin.

"At ngayon, mas malaya na akong nakakapagbigay ng suhestiyon kay Direk Wenn [Deramas], kung ano ang gusto kong sabihin, mga gusto kong linya, gusto kong eksena.

"Kaya mas maraming improvement dito sa pelikulang ito kaysa doon sa Petrang Kabayo. Kaya mas bongga po ito."

MORE PHYSICAL BUT LESS TIRING. Gaganap bilang isang sundalo si Vice sa malaking bahagi ng pelikula. Hindi ba siya nahirapan sa army training na kanilang ginawa?

"Physically, mahirap po siya," sagot niya. "Pero, ’yong kabuuan po kasi ng pelikula, honestly, sinasabi ko nga kay Direk, parang hindi ako nahirapan dito.

"Mas nahirapan ako sa Petrang Kabayo."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dagdag pa niya, "Parang okay ako dito, na ang gaan-gaan.

"Parang kahit umuulan na, nag-uubuhan kami, hindi namin masyadong napansin.

"Kasi, ang saya ng grupo namin. Para kaming magbabarkada, harutan lang po kami nang harutan.

"Yong pagod po, parang nararamdaman na lang namin pag-uwi.

"Parang ang hirap bumangon, ang bigat ng katawan.

"Pero, during the shooting, wala po talaga kaming masyadong nararamdaman."

WORKING WITH DEREK. Isa pa marahil sa ikinatuwa ni Vice sa paggawa ng pelikulang ito ay ang kanyang pagkakataong makatrabaho ang hunk actor na si Derek Ramsay.

Hindi naman ikinaila ng komedyante na matagal na niyang hinahangaan ang TV host-actor. Kaya naman medyo naiilang daw siya sa ilan nilang eksena.

"Nakaka-tense po," natatawang sinabi ni Vice.

"Gusto ko siyang makasama kasi pinagpapantasyahan ko siya noon pa.

"Kaya lang, sa sobrang welcoming kasi ni Derek, ’tapos sobrang generous sa mga friendship, walang kaarte-arte.

"As in, wala siyang arte, at open siya sa lahat. So, ako ang nahihiya."

Mas nahirapan pa raw si Vice nang gawin na nila ang ilang maselang eksena.

Muling tumawa si Vice nang ikuwento niya, "Like, doon sa mga eksena namin na ano, medyo maselan, bed scene at shower scene, ako ang nahihiya.

"Kasi, hindi nawala ang malisya sa akin. Sa kanya, walang malisya. E, sa akin mero’n talaga.

"Hirap na hirap akong umarte. Hindi ko maarte na wala na.

"Hanggang ngayon mero’n pa.

"Kahit ’yong huling shooting namin, ’yong shower scene, sinabi ko na, ’Pwede ba huwag na ’yong shower scene.’

"Nahihiya ako, tumatayo talaga ang nipples ko."

Gayunman, natutuwa pa rin si Vice dahil ang pagkakataong makatrabaho si Derek ay, "dream-come-true din sa akin."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN