Kean Cipriano branches out to acting but says he will never leave Callalily band

"Hindi ako magiging ganito kung wala ang banda ko. At hinding-hindi ko iiwanan ’yon," says Callalily frontman Kean Cipriano, who’s now more visible in movies and television shows.



Bagamat sunud-sunod ang pagdating ng acting projects para kay Kean Cipriano, siniguro naman niya na hinding-hindi niya iiwanan ang kanyang bandang Callalily.

"Siyempre, ’yong Callalily, it’s always going to be my surname.

"It’s always going to be me.

"It’s always going to be the air that I breathe.

"I will never ever trade Callalily for anything," sabi ni Kean nang makapanayam siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang media matapos ang press conference para sa pelikulang Praybeyt Benjamin. Naganap ito kahapon, Setyembre 28, sa Dolphy Theater, ABS-CBN compound, Quezon City.

Kasabay ng pagkilala sa kanya bilang isang aktor, nakakatulong din daw ito upang mas makilala pa ang kanilang banda.

"I’m happy na everything’s doing well sa acting at maraming ginagawang shows ngayon. May movie.

"Nakakatuwa naman dahil kasabay noon, ’yong banda ko, siyempre, mas nakikilala ako. Mas malawak ’yong naabot kong range ng tao."

Sa kabila ng paggiging abala niya ngayon sa pag-arte, hindi naman nakakalimutan ni Kean na magbigay ng panahon sa kanyang hilig sa musika.

Sa tuwing may bago siyang proyekto, ang sinasabi ni Kean ay, "Dapat ang Friday, Saturday, Sunday ko, gig days ko ’yon.

"Oras ko ’yon para sa banda ko, tour namin sa mga probinsya namin ’yon or sa ibang bansa.

"Hindi ako magiging ganito kung wala ang banda ko. At hinding-hindi ko iiwanan ’yon."

ENTERTAIN THE PUBLIC. Unang nakitang umarte si Kean sa youth-oriented show ng TV5 na BFGF. Mas lalo pa siyang nakilala nang mapasama siya sa pelikulang Ang Babae sa Septic Tank, na naging patok sa nakaraang Cinemalaya Independent Film Festival.

Sa natamong tagumpay ng nasabing indie film, umaasa rin ba si Kean na ganito rin ang makakamit ng Praybeyt Benjamin?

Sagot ni Kean, "Magkaiba naman kasi siya, e. Magkaiba siya ng klase.

"Ang Babae sa Septic Tank is a Cinemalaya film, itong Praybeyt Benjamin is a mainstream movie.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kung anuman ang marating ng Praybeyt Benjamin, e, magkaiba sila ng daan na ginawa.

"Nakakatuwa lang din kasi may napasaya kami sa Septic Tank.

"At ito [Paraybeyt Benjamin], mapapasaya na naman ang mga tao."

Para kay Kean, mas iniisip niya kung maaaliw ang mga manonood sa kanyang mga proyekto.

Sabi pa niya, "Ako, ’yon ang gusto kong ginagawa sa buhay. Kasi, kapag nakakapagpasaya ako ng tao, masaya na rin ako."

WORKING WITH VICE GANDA. Bukod sa pagkakaroon ng bagong pelikula, ikinatuwa rin ng band vocalist ang pagkakataong makatrabaho ang kaibigang si Vice Ganda, na bida sa Praybeyt Benjamin.

Kakaiba raw itong experience niya kay Vice Ganda.

"Masaya at bago siya [pag-arte]. Though we go out, we’re really good friends. Ito kasi, movie.

"Noong una parang, ’O, uma-acting ka rin, e.’

"Parang di kami sanay. Sanay kasi kami, tatambay lang kami, tatawa lang kami."

Patuloy pa ni Kian, "Sabi nga namin ni Vice, ’Ang galing, ’no?

"’Sa labas, magkasama tayo. Sa gimikan, magkasama tayo. Sa trabaho, magkasama tayo.’

"Kumbaga, ang saya at ang gaan na. Kasi, alam mo ’yon, masarap naman talaga makatrabaho ang kaibigan mo."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN