Rico Blanco puts acting career on hold to focus on his music

Rico Blanco is one of the musicians who will perform during the Tanduay Rhum Rockfest Year 5 concert at the SM Mall of Asia grounds on October 14.


Isa si Rico Blanco sa mga musicians na dumalo sa press launch ng Tanduay Rhum Rockfest Year 5 kahapon, September 28, sa Century Park Hotel, Manila.

Si Rico ang nagsulat ng theme song ng naturang concert series, na magkakaroon ng malaking concert event sa SM Mall of Asia grounds sa October 14.

"Ngayon" ang title ng kanta na sinulat ni Rico. Ayon sa kanya, nais niyang sabihin sa kantang ito na maganda naman ang music industry sa ngayon, at mali ang nagsasabing mas maganda noon.

Kasama ang "Ngayon" sa limited edition CD na ire-release sa araw ng naturang concert, kung saan magpe-perform din si Rico. Featured sa concert ang First Five bands ng Tanduay: Chicosci, Sandwich, Kamikazee, Wolfgang, at Parokya ni Edgar.

Kuwento ni Rico, excited daw siya na makapag-perform sa October 14.

"I’m just happy na kahit papaano reunion dito sa Rhum rockfest, kahit isang gabi. Kasi mga classmates ko rin yung mga ’yan," saad ng dating vocalist ng Rivermaya.

Dagdag pa niya, wala naman daw namumuong rivalry sa loob ng grupo, kahit na mukhang nangunguna siya sa billing sa promotional materials ng concert.

"I guess kaya ’and Rico Blanco’ kasi first five sila, so parang sixth man ako. Pag may nagka-call trouble, ako ang pinapasok."

Hindi rin naman daw masasabing espesyal niyang sinulat ang "Ngayon" para sa Tanduay.

"Hindi. Well, may mga talks na mga themes in the past, pero ito, I came up with a single and nagustuhan nila yung single. So, I’m happy na nagustuhan nila yung single. Kasi magka-align naman yung message namin, so I think napakagandang tie-up.

"Yung ’Ngayon,’ yung single, was supposed to be part of my album. I’m currently working on a new album, pero mukhang hindi na makapaghihintay dahil maganda yung response sa ngayon, so meron nang limited edition CD na ilalabas, featuring that song and the songs of other bands," sabi ni Rico.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

NEW ALBUM. Bukod sa nalalapit na rockfest, wala munang ibang concert o gig na gagawin si Rico. Nais niya muna kasing i-reserve ang kanyang schedule para sa paggawa ng bagong album.

Ibig sabihin din nito ay titigil muna si Rico sa kanyang acting career sa telebisyon. Matatandaang kasali si Rico sa cast ng ABS-CBN primetime series na Imortal na nagsimula noong 2010.

"It took up a lot of my time in the past year so, para well-rounded naman ’to, music naman muna ulit," saad niya.

Sa ngayon daw ay pagsusulat muna ng kanta ang kanyang pinagkakaabalahan. Noong 2010 lang ni-release ang huling album na Rico na Your Universe, kaya naman halos wala pa siyang materyal na gagamitin sa bagong album.

Saad niya, "I’m trying to write songs. Kasi, di ba, I’ve been busy touring, and a little bit of acting, and all sorts of other things. It’s time I think na gumawa na ng bagong album. So, ’yan po yung pinagsisikapan ko.

"Sa ngayon, I kind of just started two weeks ago, o last week. May mga dalawa, tatlo, pero baka magbago pa isip, baka palitan.

"May naka-schedule po na recording a few months ago. E, wala pa po akong nasusulat. The minute po na matapos ko yung songs, I will go straight into the recordings. Hindi ko po patatagalin."

Kahit mukhang matatagalan pa bago ma-release ang bagong album ay may mensahe naman si Rico para sa mga fans na hindi na makapaghihintay na makita siya onstage.

"So far, wala pa akong schedule for any concert, apart from this Tanduay Rhum rockfest. So, to all my fans na nag-aabang ng concert, galing din akong bakasyon, matagal-tagal din akong walang concert, this is your chance to catch me play the new song Ngayon."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN