Manilyn Reynes recounts ordeal from recent pregnancy

Manilyn Reynes on what she endured during her recent pregnancy: "Nagka-placenta previa po ako. Two months akong bedridden. And then by the time na umokay na ko, napaaga ang labor ko. And then, nung nanganak na ko ituluy-ituloy ko na, nagka-dengue naman ako while at the hospital. Tapos, nagkaroon ng blood infection yung baby ko. Tapos, kailangan naming mag-stay sa hospital for 14 days."


Hindi na gaanong emotional si Manilyn Reynes no’ng pinag-usapan ang mga pinagdaanan niya sa kanyang huling pagbubuntis sa pangatlong baby boy nila ni Aljon Jimenez.

Matagal din bago nagsalita si Manilyn dahil sa hirap na pinagdaanan nito sa huli niyang pregnancy, hanggang sa makapanganak siya nung nakaraang buwan.

Kuwento ng aktres, "Nagka-placenta previa [nangyayari ito kapag masyadong malapit ang placenta sa uterus kaya kadalasan ay nauuwi ito sa pagbi-bleed] po ako. Two months akong bedridden.

"And then by the time na umokay na ko, napaaga ang labor ko.

"And then, nung nanganak na ko ituluy-ituloy ko na, nagka-dengue naman ako while at the hospital.

"Tapos nagkaroon ng blood infection yung baby ko.

"Tapos, kailangan namin mag-stay sa hospital for 14 days.

"Kasi po, ikukumpleto yung kanyang antibiotics na tine-take na ini-inject sa kanya. Yun ang hirap ng pinagdaanan ko."

Hindi na raw siya pinagtrabaho nung buntis siya dahil nga madalas ang pagbi-bleed niya, kaya madalas na bedridden siya hanggang sa nakapanganak na siya.

"Higa lang talaga, kasi nag-bleed ako, e.

"Nag-bleed ako, birthday ko. Kaya hindi ko talaga makakalimutan.

"Birthday ko po nun, nag-bleed ako. They took me to the hospital.

"Tapos, pagdating dun, kailangan kong mag-stay dun ng three days para lang ma-monitor din kung ano na yung nangyari.

"Pero, nung in-ultrasound ako, placenta previa talaga. So, mababa siya.

"Actually, kung pwede sabihin, malapit siya kasi sa pwerta kaya mas prone sa bleeding," patuloy na kuwento ni Manilyn sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

"Buti na lang ang asawa ko, e, napakatiyaga, napakasipag.

"Nandun po para alagaan ako lagi.

"Ang mga anak ko, very understanding. Two boys pa lang sila nun.

"Ito na nga yung pinanganak ko ngayon, lalake ulit, so three boys na," saad ng aktres.

ALMOST GAVE UP. Inamin din ni Manilyn na dumaan siya sa puntong gusto na raw niyang sumuko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Malaking tulong daw ang dasal at suporta ng pamilya kaya nalagpasan niya ang lahat na hirap na pinagdaanan niya hanggang sa gumaling siya pagkatapos niyang manganak.

"Mero’ng mga araw habang nasa ospital ako, may mga araw na napi-feel ko na parang magka-crash na ako.

"Yung parang konti na lang bibigay [na ako].

"Pero sabi ko, kung ipapakita ko yun at yun ang paiiralin ko, talagang babagsak [ako].

"Pero instead, ang ginawa ko na lang, binuo ko yung sarili ko, yung loob ko. Na kailangan, e. Kailangan, e.

"I guess, siyempre more than that, ang pinakamalaking tulong na nangyari at nagawa ay yung dasal. Sobrang kapit talaga ako.

"Everyday, every hour...kung pwede kong sabihin every hour, every minute, ginagawa ko magdasal.

"Wala kang ibang kakapitan, e.

"Happy ako na nalampasan namin, nalampasan ko.

"Of course, ang baby ko very healthy yan. At happy ang buong family namin.

"At nagpapasalamat ako siyempre sa lahat-lahat ng tumulong sa amin.

"Sa lahat ng friends, showbiz, non-showbiz maraming salamat.

"Sa family of course, and siyempre GMA[-7], sa mga doctors na tumulong sa amin, sa nurses lahat-lahat na staff," seryosong pahayag ng aktres.

BACK TO WORK. Ngayon ay okay na raw siya lalo na ang bunso nila ni Aljon na pinangalanan nilang si Kael Jakob.

Nagpahayag na rin si Manilyn na parang hindi na raw niya kakayaning magbuntis uli.

"Medyo tumatanda na rin tayo. Tama na yung tatlong boys. Okay na ako na ang reyna," natatawang pahayag nito.

Bumalik na sa trabaho si Manilyn pagkatapos niyang nabakasyon ng ilang buwan.

Nagsimula na siya sa bagong GMA-7 Telebabad na Daldalita at babalik na rin siya sa taping ng Pepito Manaloto.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN