Angeline Quinto reacts to rumors saying Sarah Geronimo renewed her contract with ABS-CBN on the condition that the network gives her career priority over Angeline’s

Angeline Quinto on talks that Sarah Geronimo agreed to renew her contract with ABS-CBN provided the network prioritizes the Pop Princess over the Star Power champion: "Hindi naman ako naniniwala. Kasi ako, feeling ko, di yun magagawa ni Sarah. Kapag siya ang kausap ko, sobrang wala din akong masabi sa lahat ng advice na ’binibigay niya. Siya pa ang nagsasabi sa akin na talagang mararating ko ang lahat ng pangarap ko, kasi mabait daw akong tao."


Pumirma ng panibagong kontrata si Sarah Geronimo sa ABS-CBN.

Balitang isa raw sa kundisyong hiningi ni Boss Vic del Rosario sa Kapamilya network ay huwag masyadong itulak ang career ni Angeline Quinto.

Proteksiyon daw ito para hindi mapantayan ng Star Power champion ang kasikatan na tinatamasa ng Pop Princess.

Sa pagpasok sa showbiz ni Angeline ay naging paborito na silang ikumpara ni Sarah sa isa’t-isa.

Sa kanilang show na ASAP Rocks, laging tinututukan ang production numbers ng dalawa para makita kung sino ang mas umaangat sa kanila.

IN DEFENSE OF SARAH. Nang makapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Angeline, agad namang idinepensa ni Angeline si Sarah.

"Hindi naman ako naniniwala. Kasi ako, feeling ko, di yun magagawa ni Sarah.

"Kapag siya ang kausap ko, sobrang wala din akong masabi sa lahat ng advice na binibigay niya.

"Siya pa ang nagsasabi sa akin na talagang mararating ko ang lahat ng pangarap ko kasi mabait daw akong tao.

"Minsan kasi, sa kanya rin ako humihingi ng advice, kasi alam kong napagdaanan niya lahat ng mga napagdadaanan ko ngayon."

COCO’S LEADING LADY. Nagpapasalamat daw si Angeline sa tiwala at magagandang breaks na binibigay sa kanya ng ABS-CBN.

"Siyempre, sobra akong honored. Wala pa akong isang taon na nananalo sa Star Power, pero binigyan agad ako ng movie.

"Kaya sobra akong nagpapasalamat sa tiwala na ibinibigay nila sa akin.

"Excited ako nang malaman ko na gagawa ako ng pelikula."

Sa ngayon ay abala si Angeline sa shooting ng pelikulang You Light Up My Life, under Star Cinema, kung saan kapareha niya ang magaling, bata, at guwapong aktor na si Coco Martin.

MORE INTRIGUES TO COME. Ngayong pinasok na rin niya ang pelikula, tiyak na mas higit daw silang pagkukumparahin ni Sarah.

Medyo pareho raw kasi ang tema ng mga pelikulang ginagawa nila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Basta ako, hindi naman lahat ng tao ay nabibigyan ng ganitong pagkakataon kaya talagang ginagawa ko ang lahat para sa trabaho ko," sabi ni Angeline.

"Pinangarap ko ito, at masaya ako na unti-unti nang nagkakaroon ng katuparan.

"Kami... nag-usap kami ni Sarah mga two months ago pa.

"’Di ko pa alam nu’n ang tungkol sa pelikulang ito kaya ’di ko na-open sa kanya."

Just like Sarah, nasanay na rin si Angeline na lagi silang nakukumpara ng Pop Princess.

"[Sa] Star Power [competition] pa lang, ang dami ko nang naririnig na ganyan. Kumbaga, sanay na rin ako. Sa akin, normal lang yun sa buhay showbiz."

ANOTHER DREAM COME TRUE. Tungkol saan ba ang pelikulang You Light Up My Life?

"Itong pelikulang ito, ’di naman siya pure drama. May halo siyang comedy.

"Isa akong ordinaryong tao na tourist guide. Koreano yung tatay ko kaya mahilig ako sa Koreanovela. Gusto kong makita ang tatay ko na Koreano," ang kwento ni Angeline.

"Si Coco, isa siyang photographer. Madalas kaming magkasama sa trabaho. Medyo ’di kami okay. Siguro mainitin ang ulo niya. Ako, makulit ako dito, tapos lagi siyang naiinis sa akin."

Ang paggawa ng pelikula kasama si Coco Martin ay isa sa mga pangarap ni Angeline.

"Dati in-interview ako kung sino ang gusto kong makasama sa pelikula. Ayun, nagkatotoo naman na ang unang movie ko, si Coco Martin agad ang kapareha ko.

"Masayang-masaya ako, kasi di naman ako pinabayaan ni Coco [sa mga eksena]. Tinutulungan niya ako.

"Nung una, siyempre kinakabahan ako, tapos naiilang ako. Alam naman niya yun [na crush ko siya]. Pero, siyempre, kailangan sa trabaho."

Ayon kay Coco, nagulat raw siya dahil parang ’di first timer si Angeline sa acting. Anong reaction ng dalagang singer-actress dito?

"A, talaga? Nung una, ’di nawawala yung kaba [ko] kasi wala naman akong alam sa pag-arte.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ako, ginagawa ko ang lahat ng makakaya ko para sa movie.

"Alam naman natin na magaling na artista si Coco. Ayoko namang mapaghulihan.

"Marami akong pinagdaanan bago ako isalang dito."

BYE, MEGA? Malapit si Angeline sa Star Power host na si Sharon Cuneta. Ano ang masasabi niya sa napapabalitang paglipat ng Megastar sa TV5 sa susunod na taon?

"Ay, di ko alam yan. Siyempre masa-sad ako kasi dahil kay Ms. Sharon kaya ako nakilala ng tao.

"Nakakalungkot kung lilipat nga siya sa TV5. Pero, wala naman akong magagawa sa desisyon ni Ma’am Sharon."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN