Vice Ganda defends Kean Cipriano for admitting he hasn’t slept with a gay

Vice Ganda on Kean Cipriano, the only guy during the presscon to say he has not had a relationship with a homosexual: "Yung experience lang siguro ang na-miss niya. Pero, nakakabawi rin naman siya sa ibang bagay. At saka, hindi naman nating kailangang idikta sa mga lalaki na, ’Hoy, ang arte mo, kailangan mong magpaganun ka sa bakla!’ Kasi choice din naman nila yun. At karapatan din nila kung gusto nilang umamin o hindi, kasi katawan at pag-iisip nila ’yan.


Matinding pasabog ang nangyari sa presscon ng Star Cinema at Viva Films movie na Praybeyt Benjamin kahapon, September 28, sa Dolphy Theater sa loob ng ABS-CBN compound.

Ito ay makaraang aminin ng ilan sa male cast ng pelikula na sila ay nagkaroon na ng experience sa gays.

Ikinatuwa at nagpalakpakan pa ang mga press na dumalo sa dahil sa pagiging open at honest nina Eddie Garcia, DJ Durano, at Carlos Agassi.

Pinakahinangaan ang veteran actor na si Eddie, na nanguna sa pag-amin na nangyari ito sa kanya noong 15 years old daw siya.

Hirit pa ni Eddie, "Kailangan lahat ng bagay sa mundo, kailangan mong subukan!"

Dahil nga kay Eddie, napaamin na rin si DJ, "Opo, kailangan talagang ma-experience yun dahil masarap."

Sumunod na tinanong si Kean Cipriano, pero tanging siya lang ang nagsabing wala pa siyang naging experience sa isang gay.

"Hindi pa. Ako, mero’n pa akong mga hindi nararanasan sa mundo," sabi ni Kean.

"Though never pa akong naka-experience, pero I just think that gay people are happy people. Kaya I respect them whole-heartedly," ayon kay Kean.

Sabi tuloy ni Carlos kay Kean, "Sasabihin ko kawawa ka naman pala, bro.

"Ikaw na lang pala ang hindi. Gaya ni Tito Eddie, mahilig din akong mag-try."

VICE REACTS. Pinuri ng bida ng Praybeyt Benjamin na si Vice Ganda ang pag-amin ng tatlong aktor, lalo na si Eddie.

"Masaya ako para sa kanya rin. Masaya ako na naranasan niya yung masasayang bahagi ng pagkabata.

"At saka, magandang pagkakataon para sa kamulatan din ng nakararami na, ’Hello, Eddie Garcia nga, walang kaarte-arte. Kayo pa ba na hindi naman kayo si Eddie Garcia ang umaarteng umamin.’

"Kung si Tito Eddie naniniwalang hindi ito malaking kabawasan sa pagkatao niya sa pangyayaring ito sa kabataan niya, anong kabawasan sa inyo?

"Bilang hindi naman kayo si Eddie Garcia," tila patama ni Vice sa iba pang aktor na ayaw umaming nagkaroon na sila ng gay experience.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ano naman ang reaksiyon niya sa pag-amin din nina DJ at Carlos?

"Masaya ako para sa kanila na inamin nila yung mga nangyari sa amin," biro ni Vice.

"Hindi, honestly, masaya ako para sa kanila. At para rin sa mga baklang kasama nila nung ginawa yun. At least hindi sila nai-deny."

Idinipensa naman ni Vice si Kean na nagsabing wala pang experience. Sa tingin niya ba may na-miss si Kean sa hindi pagkakaroon ng experience?

"Yung experience lang siguro ang na-miss niya. Pero, nakakabawi rin naman siya sa ibang bagay.

"At saka, hindi naman nating kailangang idikta sa mga lalaki na, ’Hoy, ang arte mo, kailangan mong magpaganun ka sa bakla!’

"Kasi choice din naman nila yun. At karapatan din nila kung gusto nilang umamin o hindi, kasi katawan at pag-iisip nila yan."

Naniniwala ba siya na ang tunay na lalaki ay hindi nababawasan ang pagka-macho kahit pa magkaroon ng experience sa bakla?

"Naniniwala kasi ako na dito sa Pilipinas, sa kultura sa Pilipinas... iba kasi sa ibang bansa talaga, e.

"Iba ang paniniwala nila. Pero, dito sa Pilipinas, naniniwala ako na hindi lahat ng pumatol sa bakla ay naging bakla at magiging bakla.

"At hindi lahat ng nagpapaganun sa bakla, e, makakaapekto sa pagbabago ng kasarian nila.

"At hindi naman lahat nagpapaganun lang dahil kailangan ng pera.

"Yung iba talaga umibig na rin sa bakla," paliwanag ni Vice.

Nang matanong naman si Vice kung mero’n na ba siyang nakatalik na lalaking artista, inamin niyang mero’n na, pero ayaw niyang ibigay ang kanilang mga pangalan.

NEVER WITH A GIRL. May kissing scene si Vice sa aktres na si Nikki Valdez sa Praybeyt Benjamin. In real life ba ay nakipaghalikan at nakipagtalik na siya sa isang babae?

"Opo. Kahiya-hiya nga para sa sarili ko, e. Hindi, joke lang.

"Totoo, mero’n, pero hindi sex. Hindi ko napasok, promise.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kiss lang ang na-try ko kasi nagka-girlfriends ako dati, e."

Naka-ilang girlfriend ba siya?

"Mangilan-ngilan. Mga apat, o lima, ganun.

"Tina-try kong humalik, pero hindi ko na talaga kaya pagkatapos na nung halik."

So, wala siyang nakatalik na babae noon?

"Wala, wala talaga. Buti na lang wala. Hindi naman sa nasuka, hindi lang talaga kaya ng sarili ko."

Nagkaroon ng girlfriends si Vice dahil noong kabataan kasi niya at buhay pa ang kanyang ama ay nagpanggap siyang lalaki para sa tatay niya.

Ang iba raw kasing kapatid niyang lalaki ay pawang mga bading kaya ayaw naman niyang ma-disappoint ang tatay niya.

Namatay nga raw ito na hindi nalaman na gay pala siya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN