Aljur Abrenica says his costume in Amaya is skimpier than what he wore in Machete

Aljur Abrenica on his character in Amaya: "Medyo nakakapanibago lang yung costume, kasi mas maikli. Pero, okay lang naman po. Sana magampanan ko nang maayos ang role ko. Alam ko naman na hindi nila ako papabayaan."


Nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Aljur Abrenica, nagpahayag ito ng katuwaan na maging bahagi ng epicserye na Amaya.

"Noong malaman ko, siyempre, natuwa ako. Although, nakasama ko na rin sa ibang project si Ms. Marian Rivera.

"Pero, malaking karangalan na makasama siya lalo na sa primetime series niya.

"Dahil alam naman nating lahat, na basta si Marian Rivera, siguradong tinatangkilik talaga at siguradong mataas ang rating.

"Kaya isang karangalan sa akin na mapasama sa kanyang show."

Noong una, nabalitang si Lapu-Lapu raw ang character na gagampanan ni Aljur. Itinanggi naman ang balitang ito ng mismong head writer ng Amaya na si Suzette Doctolero.

BYE, LUMAD. Base naman sa ilang online thread, marami rin ang nalungkot sa pagkamatay ni Lumad, na ginampanan ni Mikael Daez, sa nasabing epicserye.

Kinailangan na raw siyang patayin dahil magsisimula nang mag-tape ang Sundo, ang bagong primetime series ng GMA-7 na pagbibidahan namang muli nina Dingdong Dantes at Rhian Ramos.

WELCOME, DAYAW. Dito na ngayon papasok ang bagong character ni Aljur na si Dayaw, na isang Manikiad.

Binibigay ang titulo na Manikiad sa mga nakapatay na ng isa, o dalawang tao, at sunod sila sa antas ng paggiging Bagani o chief warrior.

Ang kaibahan daw ni Dayaw sa ibang Manikiad ay exposed siya sa mga taong tagalabas na iba ang paniniwala at kultura. Siya kasi ang tagadala ng mga kalakal sa mga tagapatag.

Dahil dito, naniniwala si Dayaw na kailangang mapag-aralan ng kanilang tribu ang buhay at kultura ng mga taong iba sa kanila.

Ngayong araw, September 30, ang first taping day ni Aljur sa epicserye.

Dapat daw sana ay Lunes pa siya nagsimula, pero na-postpone dahil sa bagyong Pedring.

Sa Martes ng gabi naman siya unang mapapanood sa Amaya.

GYM BOY. Topless at animo bahag lang ang kasuotan ni Aljur sa Amaya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ayon sa actor, malaking bagay na panay pa rin ang pagdyi-gym niya kaya walang problema with his costume.

"Halos araw-araw or kapag po talaga may time ako, talagang I go to the gym.

"Then, katatapos lang din ng Cosmo Bachelor Bash kaya, kahit paano, nakapag-prepare rin po ako for my costume."

Pero ayon kay Aljur, mas maikli raw ang suot niya ngayon kumpara sa ginamit niya sa Machete.

"Hindi naman po ako masyadong kinakabahan kung paano ko gagampanan yung role ko ngayon," ayon pa rin kay Aljur.

"Kasi, may mga fight scenes na nagawa ko rin po noon sa Machete.

"Medyo nakakapanibago lang yung costume, kasi mas maikli.

"Pero, okay lang naman po. Sana magampanan ko nang maayos ang role ko.

"Alam ko naman na hindi nila ako papabayaan."

WORKING WITH THE BEST. Thankful daw si Aljur sa GMA-7 dahil sa Amaya nagkaroon din siya ng pagkakataong makasama ang mga batikang artista.

"Nagpapasalamat po ako sa network na binigyan po ulit ako ng project.

"Na-miss ko ulit magtrabaho on cam, and I’m very excited.

"Masaya po akong talaga dahil marami ang makakatrabahong magagaling na actors and actresses sa Amaya.

"Kaya puspusan din po ang pagbabasa ko ng script para hindi ako mapahiya sa kanila."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN