Maiden issue of Esquire Philippines reveals a different side of Manny Pacquiao

"Now people say ’You’re from the Philippines?!? You’re from where Manny Pacquiao is from?’ There’s a newfound respect for Filipinos!" said Minerva Vier, translator of Manny Pacquiao in 2006.


Kilala natin si Manny Pacquiao bilang isang mahusay na international boxer. Isama na rin ang kanyang paggiging TV host, product endorser, actor, singer, at congressman ng Saranggani province.

Hindi maikakailang malaki ang paghanga ng bawat Pilipino kay Manny.

Pero, ano nga ba ang masasabi ng ilang mga taong nakapaligid kay Manny, maliban sa kaniyang pamilya at malalapit na kaibigan?

Ang Pambansang Kamao na si Manny Pacquiao ang napiling cover ng unang labas ng Esquire Philippines.

Sa kanyang cover story, tinalakay ang ilang bagay na siyang magpapakita sa atin ng ibang anggulo patungkol sa buhay ng pound-for-pound king ng mundo.

PACQUIAO THE POLITICIAN. Kamakailan lamang ay lumabas ang balita na may balak daw na tumakbo sa pagka Bise-Presidente si Pacquiao.

Nabanggit niya ito sa kasagsagan ng press tour para sa nalalapit na laban nila ng Mexican boxer na si Juan Manuel Marquez. (CLICK HERE for related article)

Ayon sa may akda ng naturang artikulo na si Gary Andrew Poole, sinabi nitong maaaring may potensiyal sa politika si Pacquiao.

Gayunman, ang potensiyal na ito’y kinakailangan pang mahasa sa pagtagal ng panahon.

Pero, isa sa mga hinangaan niya raw ay ang kagustuhan ni Pacquiao na maiahon sa kahirapan ang kanyang mga kababayan.

Ayon kay Poole, "Pacquiao wants to be something more than just one of the best boxers to ever walk the planet. He wants to lead people out of abject poverty."

THE DREAM PROJECT. Bukod sa buhay pulitika, may isa ring artikulo sa Esquire Philippines na patungkol naman sa buhay showbiz ni Pacman.

Dito’y nabanggit ni Oliver Reyes ang tungkol sa planong pelikula ng pumanaw na Action King, Fernando Poe, Jr.

Matapos daw mapanood ni FPJ ang isang laban ni Pacquiao ay naisip nitong gumawa ng isang pelikula kung saan magiging sidekick niya si Pacquiao.

Pero, ang plano na ito ay hindi na natuloy matapos pumanaw ng Action King noong 2004.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

TRUE-BLUE PINOY. Bagamat nakarating na si Manny Pacquiao sa iba’t ibang bansa at nakadaupang-palad na nito ang iba’t ibang malalaking personalidad ng mundo, hindi pa rin daw kinakalimutan ni Pacquiao na siya’y isang Pilipino.

Ayon sa artikulo ni Lorely Trinidad sa Esquire Philippines pa rin, nakausap niya si Minerva Vier, ang naatasang maging translator noon ni Pacquiao sa TV interviews nito sa Los Angeles, California, noong 2006.

Dito’y inilarawan niya kung paano dinala ni Pacquiao ang kulturang Pilipino sa kaniyang pananatili sa ibang bansa.

Mula sa pagsasalu-salo ng mga tao sa hapag, hanggang sa pagkahilig nito sa pagbi-videoke—lahat ng ito dinala ni Manny sa ibang bansa.

Pero, ang hindi matatawarang galing daw ni Manny sa boxing ang siyang nagbigay daan ng pagkilala sa mga Pilipino.

Sinabi ni Vier na, "Now people say, ’You’re from the Philippines? You’re from where Manny Pacquiao is from?’"

Ayon pa kay Vier, "There’s a newfound respect for Filipinos!"

Mababasa ang kabuuang kuwento ni Pambansang Kamao Manny Pacquiao sa premiere issue ng Esquire Philippines, na ilo-launch ngayong Oktubre 5 at mabibili sa mga newsstands at bookstores.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN