Mon Confiado refuses to discuss his sister’s past relationship with Gardo Versoza

Mon Confiado on why he doesn’t want to discuss past relationship of his sister with Gardo Versoza: "Never akong... during that time, ayokong makialam. Ayokong mag-comment, kasi personal yun, e. Hindi ko maaaring panghimasukan, o i-judge naman ang kapatid ko, o siya [Gardo], kasi personal nila yun, e.Kung nagkahiwalay man sila, nirerespeto ko yun. Ang tinitingnan ko kasi, yung magandang pinagsamahan namin. E, almost eight years kaming magkasama [ni Gardo].


Matagal-tagal na rin sa larangan ng pag-arte si Mon Confiado bilang isa sa mga kilalang character actors sa telebisyon at pelikula.

"Suwerte lang at yun nga, dobleng sipag dapat," masayang wika ni Mon sa interview ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa kanya recently sa set ng Amaya, ng GMA-7, sa Pagsanjan, Laguna.

Regular si Mon Confiado sa Amaya bilang si Songil, ang isa sa mga Kawal.

Sa nasabing interview ay nabanggit ni Mon ang uri ng imahe na nais niya para sa kanyang paggiging aktor.

"Intense, serious actor," pagtukoy ni Mon.

"Gusto ko, ganung image sa bawat role na gagawin ko. Hindi na tayo bumabata, e," nakangiti niyang sagot.

Masaya si Mon sa trabaho niya sa Amaya, na aniya’y kakaiba sa mga teleseryeng nasalihan niya.

"Isa ito sa... kumbaga, e, proud ako na naging project ko, sa buong [panahon ng] pag-aartista ko.

"Kasi, may mga nagawa rin akong mga period films, pero, siyempre, iba yung ginastusan, e. ’Di ba?

"Kumbaga, nasusunod, o nagagawa nang maayos.

"Nakikita naman natin. Magmula sa production design, sa casting, sa execution.

"Kasi, kumpleto ang mga equipment. Minsan, hanggang tatlo, apat, o limang kamera ang ginagamit namin.

"Magaling ang direktor namin," pagpupuri pa ni Mon kay Direk Mac Alejandre.

"Perfect ang cast. Wala kang itatapon. Kumbaga, magagaling ang lahat," sabi pa ni Mon.

Ang Amaya ay pinagbibidahan ni Marian Rivera sa title role. Kasama rin nila dito sina Sid Lucero as Bagani, at Gardo Versoza as Rajah Mangubat.

Namatay na ang character ni Gardo na si Rajah Mangubat, sumunod ay ang kay Mikael Daez naman na si Lumad.

Ngayon, may mga bagong tunguhin ang kuwento.

"I think, mas nagiging interesting siya, dahil sa mga bagong twists sa story.

"Medyo biglaan nga yung pagkamatay ni Rajah Mangubat. Pero, pagkatapos nun, may pag-focus naman [ang kuwento] kay Bagani.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Pero hindi masyadong inaasahan na si Bagani at Amaya naman ang magiging magkaaway.

"Kaya isa ’yon sa interesting twist ng kuwento.

"Tapos, papasok pa ’yung character ni Aljur [Abrenica]. Kaya panibagong twist na naman, na maganda rin," sabi pa ni Mon.

Nabago ba ang kanyang posisyon, o tumaas ang ranggo, bilang Kawal (warrior), matapos mamatay ang kanilang pinunong si Rajah Mangubat ?

"Warrior pa din!" natatawang banggit ni Mon. "Pero, magaganda ngayon ang mga scenes.

"Tied up ang character with Bagani. Kakampi ko ang leading man!"

Batid ng publiko, avid televiewers man ng epicserye o hindi, ang matagumpay na resulta ng Amaya, ratings-wise.

"Magmula sa hindi masyadong kagandahan na rating... dati kasi, medyo [naglalaban] ito (Amaya) at ang katapat sa ABS-CBN.

"Ngayon, ang kalaban na ng Amaya, e, sa GMA[-7] din. Yung Munting Heredera. Kaya masaya!

"Ang narinig ko nga, extended kami hanggang January next year daw," pagbibida pa ni Mon.

"Una, hanggang November lang. Maganda naman, sulit yung pagod na ginagawa naming lahat."

FOREIGN ACTORS AS ’PEG’. Tulad ni Gardo Versoza, nabanggit din ni Mon Confiado na bahagi ng paggiging character actor niya ang pagkakaroong ng peg, o paggagayahan ng kanyang gagampanang papel.

"Part ng pag-atake, visually, sa role," sabi ni Mon.

"Dati, hindi ko yun magawa, e. Kasi, unang-una, nung nagsisimula ako, ginawa ko na yan dati sa isa sa mga unang films na nasalihan ko. Yung Dugo Ng Panday ni Bong Revilla.

"Ako si Jamal do’n. Maikli pa ang buhok ko. Pero, para maiba, gumastos ako sa sarili ko. Hindi pa uso ang [hair] extension no’n. Ang uso no’n, weave. Woven [hair], nakaburda."

Dahil sa hair extensiyon, naging hanggang baywang daw ang buhok ni Mon sa nasabing pelikula.

"Inisip ko yung character at ginawa kong peg si Daniel Day-Lewis sa The Last of the Mohicans," pagtukoy pa ni Mon sa period action-adventure Hollywood epic.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Bago ipalabas ang Dugo ng Panday, palabas ang Last of the Mohicans.

"Sabi ko, ’Gusto kong look ito. So, ginaya ko yung buhok ni Daniel Day-Lewis at ginastusan ko.

"During that time, 1993, ang talent fee ko, one thousand [pesos] per day lang.

"Gumastos ako ng five thousand [pesos] para sa buhok ko sa Dugo Ng Panday. Sinacrifice ko [yun].

"Pero nung time na ’yon, walang nakapansin. Kasi nga, sino ba naman yung... sino ’yon? Sino ba si Mon Confiado?’" natatawang banggit niya.

Pagre-recall pa niya, na natatawa, "Pero, kahit naman gawin kong peg noon si Tom Cruise, o si Brad Pitt, sa Interview With The Vampire, sino naman ang makakapansin?"

"Those were the days," nangiti uli si Mon. Anuman ang naranasan at kinapuntahan ng career niya, obviously, ay may dahilan para maging masaya siya.

YEARS WITH YNEZ AND JULIANA. Kapag sasabihin ni Mon Confiado ang mga katagang "those were the days", hindi rin niya maiiwasang hindi maalala ang mga panahong naging karelasyon niya sina Ynez Veneracion at Juliana Palermo.

Yun din daw ang mga panahon na lagi silang laman ng mga showbiz balita.

"Pero, napansin ko, hindi masyadong nakakatulong [ang maging laman ng balita] para makilala ka.

"Para makilala kasi, mero’ng, ’Ah, si Mon Confiado pala ang boyrfriend ni Ynez!... o ni Juliana!’ Etcetera.

"Ngayon, ang mas binibigyan ko ng [importance], my being a serious actor talaga," ani Mon.

Ayaw na rin ni Mon na pag-usapan ang tungkol sa naging "past" niya with either of his ex-girlfriends.

"Wala na... basang-basa na ’yon, e," pagtukoy niya. "Hangga’t maaari, wala nang Ynez. Wala nang Juliana."

Pero, nananatili naman daw na friends sina Mon at Ynez.

"Oo, mag-ano [friends] pa rin kami. Sobra.

"Hanggang ngayon, magkakaibigan pa rin kami. Nagtatanungan pa rin kami. Nagte-text-an.

"Maski si Juliana. Maski yung ibang mga naging exes ko," sabi pa ni Mon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

At 36, Mon is still single. Hindi ba siya nagkaroon ng anak sa pagkabinata?

"Wala," tiyakang pagtukoy ni Mon. "Oo, wala, wala. Hindi ano, e... may worries kasi ako dun, sa mga gano’n.

"Normal naman yun [na napag-uusapan], pero ako, wala," sabi pa ni Mon.

NON-ISSUE WITH GARDO. Bukod sa kanyang naging ex-girlfriends, Mon Confiado also doesn’t want to dwell anymore on what he may consider now a "non-issue" involving him and Gardo Versoza.

May pagkakataon kasing naging maselan ang sitwasyon ng aktor at ng naka-relasyon nitong malapit kay Mon Confiado.

"In fairness kay Gardo, nakakahiya. Baka maging... [issue] pa ’yon, e.

"Ingat na ingat ako, kasi, nakita mo naman ’yung relasyon namin..." wika pa ni Mon, who has maintained a pleasant relationship with Gardo, habang nagta-trabaho sila sa Amaya.

"’Yun nga, kaya ayokong makialam," sabi rin ni Mon.

"Never akong... during that time, ayokong makialam. Ayokong mag-comment, kasi personal yun, e.

"Hindi ko maaaring panghimasukan, o i-judge naman ang kapatid ko, o siya [Gardo], kasi personal nila yun, e.

"Kung nagkahiwalay man sila, nirerespeto ko yun.

"Ang tinitingnan ko kasi, yung magandang pinagsamahan namin.

"E, almost eight years kaming magkasama [ni Gardo].

"So, yun ang nakikita ko at lagi ko ngang sinasabi, ’Napakaliit nitong industriya natin.’

"Kita mo naman, nagkasama kami (ni Gardo); at times pa, kami rin ang magkasama, at in the future, kami rin ’yung (posibleng) magkakasama.

"’Di ba? Kaya paano kung may issue na pangit, di ba?" seryosong pahayag pa ni Mon.

Through it all, nanatili ring tahimik at nagpatunay ng paggiging gentlemanly si Gardo Versoza.

"Ina-admire ko rin naman si Gardo. Sabi ko nga, baka kung iba ’yon... ah..."

Ang mahalaga ay ang respeto nila ng aktor, sa isa’t isa.

"Tama," pagsang-ayon ni Mon. "At saka, ako, sobra din ang respeto ko sa kanya. Tsaka ina-admire ko rin siya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"At sa tingin ko, sa age naman namin ni Gardo, hindi na yan issue, e," wika pa ni Mon, who’s six years younger than Gardo who is 42 years old.

"Maski sa mga tao... ’E, ano ngayon? Kung naging ’ex’ niya ’yung kapatid niyan?’

"E, ano ngayon, hindi na naman matinee idol si Gardo?’"naiisip na lang daw ni Mon.

"Hindi ba? Let’s face it. Magiging ano lang, (parang) pilit, di ba? Parang pilit [pag pinag-usapan pa]," reyalistikong pananaw pa niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN