Jammistas show off their musical talents in mini-concert

Members of Jammistas are (clockwise) Marvin Ong, Davey, Noelle Cassandra, Sabrina, and Yssa Alvarez.


Noong ika-30 ng Setyembre, isang grupo ng mga baguhang musicians ang nagpamalas ng kanilang talent sa Got Fridays series ng Teatrino.

Sila ay mga Jammistas, na binubuo nina Yssa Alvarez, Sabrina, Noelle Cassandra, Davey, at Marvin Ong.

Bukod sa pagkanta at pagsulat ng awitin, bawat isa sa kanila ay may instrumentong kayang tugtugin.

Sina Yssa at Sabrina ay parehong tumutugtog ng acoustic guitar, si Noelle ay harp, kay Davey naman ay gitara at ukulele, at ang huli’y si Marvin na magaling sa keyboards.

THE PERFORMANCES. Ito ang unang beses nilang mag-perform live bilang grupo. Kabado man, nangibabaw ang pagmamahal nila sa musika.

Unang nag-solo performance si Yssa Alvarez, na anak ng former cager na si Paul Alvarez at former actress Almira Muhlach.

Matapos ang kanyang unang awitin, tinuran ni Yssa, "It’s my first time to perform in front of a large crowd, to hear myself on the radio... It feels so wonderful!"

Isa sa apat na piyesa ni Yssa ay ang "Bestfriend," na may music video na ngayon.

Sumunod kay Yssa ay ang tubong Baguio na si Davey, na lumahok noon sa talent search ng ABS-CBN na Pinoy Dream Academy Season 1.

Dahil kakaunti ang mga kaibigan at kapamilya ni Davey na dumalo nung gabing iyon, pabiro niyang sinabi sa mga manonood na, "Puwede ba friends na din tayo para papalakpakan ninyo ako? Wala kasi mga friends ko, e!"

Marami ang naaliw sa version niya ng "Somewhere Over the Rainbow" gamit ang ukulele.

Samantala, na-mesmerize din ang audience sa segment ni Noelle Cassandra.

Lumaki ito sa Vancouver, Canada, kaya naman medyo hirap pa daw siya sa pagsasalita ng Tagalog.

Kuwento pa nga niya sa mga manonood, "Dati, hindi ko alam kung ako ba babae o lalaki. No’n ko lang nalaman na ako ay babae.

’"Tapos, may kumatok. Ang dapat sasabihin ko, may tao, kaso napagpalit ko ’yong gamit ng ’e’ at ’o’ kaya ang anasabi ko...Alam ninyo na ’yon!"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Maganda naman ang kinalabasan ng rendition niya ng OPM song na "Kailangan Kita" gamit ang kanyang harp bilang accompaniment.

Pag-awit at pagtugtog sa keyboard naman ang ipinamalas na talento ni Marvin, na miyembro rin ng theater group na Trumpets.

Bago niya inawit ang kantang "Just The Way You Are" ni Billy Joel, nag-comment siyang mas gusto raw niya ito kesa sa "Just The Way You Are" ni Bruno Mars.

Aniya, "Mas sweet kasi. Di ba sabi sa kanta, ’Don’t go changing to try and please me.’ Mas sweet ’yon kaysa, ’When I see your face, there’s not a thing that I would change.’"

Ang huli na nag-solo performance ay si Sabrina. Tulad ni Yssa, acoustic songs din ang kanyang forte.

Apat na cover songs ang kinanta ni Sabrina ng gabing iyon. Ang isa doon ay inalay niya sa kaibigang pumunta upang suportahan siya.

Aniya, "Itong kanta na ito, theme song ito noon ng kaibigan ko at girlfriend niya. Ayon, awa ng Diyos, tapos na ang forever nila.

"Kayo ba, nakita niyo na ba ang forever niyo?"

Tsaka niya inawit ang kantang "Kahit Kailan," na original hit ng bandang South Border.

Matapos ang mga solo performances, tinapos ng Jammistas ang gabi sa awiting "Granade" ni Bruno Mars, at ang encore naman nila’y "I’m Yours" ni Jason Mraz.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN