Anna Leah Javier names her baby Anaya Autumn; father is late actor John Apacible

Anna Leah Javier (main photo) has decided to name her baby with the late John Apacible (inset, top) Anaya Autumn. John died in March this year, as a result of a shooting reportedly involving his uncle Armando Rustia.

John’s children (inset, bottom) are: Auren, 17, and John-John, 15.


Anaya Autumn ang pangalan ng baby girl na isisilang ni Anna Leah Javier, ang girlfriend ng aktor na si John Apacible na sumakabilang- buhay noong March 20, 2011.

Namatay si John dahil biktima ito ng pamamaril ng isang kamag-anak, ang kanyang tiyo na si Armando Rustia.

Pumanaw si John na hindi nalalaman na buntis ang girlfriend na kasalukuyang nasa New York para dito isilang ang kanilang anak.

Ilang araw nang hindi nag-uusap sina John at Anna Leah nang maganap ang tragic incident kaya hindi nagkaroon ng pagkakataon ang aktres na ipagtapat sa boyfriend ang kalagayan niya.

Walong buwan na ang ipinagbubuntis ni Anna Leah na nasasaktan at malungkot na malungkot pa rin dahil sa untimely demise ng kanyang pinakamamahal.


THE REVELATION. Ayon sa pahayag ni Anna Leah sa Pep.ph (Philippine Entertainment Portal): "I know rumors have been going around... but John’s the father, who else would it be?


"I knew I was pregnant just [a] few days before he died. I was gonna surprise him because he wasn’t home during those times as we had issues we were trying to settle.


"Just when I was going to tell him, it was too late kasi hindi pa siya nakakabalik sa condo and his death was biglaan," aniya.



TOUGH BABY. "Thankfully, hindi naman ako maselan magbuntis, that’s why I didn’t know I was pregnant until after I was almost three months... kasi I never had the signs and symptoms. Parang lumaki lang ang tummy ko.

"The baby’s strong despite the things I went through and still going through. She’s a very tough baby. God must’ve really covered her from all the pain," ang pagpapatuloy ni Anna Leah.



MISSING JOHN TERRIBLY. "How can I even forget the one person who’s always been my reason para gawin kong better ’yung sarili ko?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


"And we so wanted to have a baby since we’ve been together for almost nine years and just when it was given [to us], he had to leave. I just miss him too much, it hurts kasi wala ka nang magawa..."

BLUE CHRISTMAS. Ayon kay Anna Leah, may plano siyang umuwi probably after her birthday in February.

"Magpapalipas po muna. Christmas and New Year celebration would be different now. Wala na po si John kaya dito po muna ako with my family, baka po di ko pa kayanin diyan."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN