Direk Joey Reyes names his askal dogs Phil and James; reveals Ryan Agoncillo’s transformation in My House Husband

Masayang ikinuwento ni Direk Joey Reyes ang kanyang mga bagong adopted dogs from PAWS: "I remember when I was smaller; I remember we had askals, so I decided to adopt two [from PAWS], James and Phil. Because they are askals and I love the Azkals, and I love the Volcanoes, I just...I named them James and Phil."


Isang pet blessing ang isinagawa ng Philippine Animal Welfare Society (PAWS) kaugnay ng selebrasyon ng World Animal Day kahapon, October 2, sa Eastwood Mall.

Isa sa mga dumalo sa naturang pagtitipon ang direktor na si Jose Javier Reyes.

Si Direk Joey ay nag-adopt ng dalawang three-month-old askals (asong kalye) na pinangalanan niyang Phil at James—na hango sa pangalan ng magkapatid na Phil at James Younghusband, na parehong miyembro ng national football team o Azkals.

Kuwento ng writer-director, "I remember when I was smaller, I remember we had askals, so I decided to adopt two [from PAWS]—James and Phil.

"Because they are askals and I love the Azkals, and I love the [Philippine] Volcanoes, I just... I named them James and Phil."

Dagdag pa niya, "Yung isa na mas attention-seeking, I named Phil.

"Tapos yung isa na tahimik lang, that’s James."

PAWS. How did he know about PAWS?

"Direk Rich [Ilustre], whom I met because of Talentadong Pinoy, and he’s an advocate of PAWS.

"He was talking about it, I’ve heard about it, but I’ve never been there. Then I went there."

How was the experience?

"Oh, God, it was heartbreaking," sambit ni Direk Joey.

"It’s very heartbreaking to see how some people can be so cruel to animals.

"There was a dog who was shot, there was a dog na binuhusan ng kumukulong tubig... there were dogs who are abandoned.

"You know, I like their slogan that there is ’beauty beyond breeds,’ di ba?

"Because if you’re going to judge uhm... a living, a living creature, which is capable of giving you love, based only on its breed, then that is so prejudicial, di ba?"

DAGDAG NA IMPORMAYSON NG PEP: ASKALS o Asong Kalye ang nakagawian nang itawag sa mga asong walang "breed" o "pedigree," o iyong walang lahing "imported."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa ngayon, ang sinasabing politically correct term ng mga animal lovers para sa mga asong ito ay: ASPIN o Asong Pinoy. Nakabibigay daw kasi ito ng stature, respeto, at dangal sa mga asong Pinoy.

Ngunit dahil sa kasikatan ng football team nating Azkals, mas popular pa rin ang ngalang askals para sa mga asong Pinoy.

Gayunpaman, dahil na rin sa mga manlalarong Azkals, napapalapit ang kalooban ng marami pang Pinoy sa mga asong madalas ay inaabandona o di inaalagaan nang kasing husay ng pag-alaga sa mga "breed dogs."

MY HOUSE HUSBAND. Tinanong din ng PEP si Direk Joey tungkol sa kanyang 2011 Metro Manila Film Fest entry na My House Husband, na pinagbibidahan ng mag-asawang Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo.

"A, it’s pretty cool!" bulalas niya tungkol sa kanyang pelikula.

"May shooting kami, medyo lang nagkaroon ng aberya, because we have to pack up because of the storm.

"But otherwise, we are proceeding according to schedule."

Kumusta naman ang working experience niya with Juday and Ryan again?

"A, we have known each other for quite some time, hindi ba?

"Like in this movie that we’re doing together, a... it’s not really any problem.

"Plus the fact na from Kasal Kasali Kasalo, up to now that we’re doing My House Husband, a lot of changes have taken place.

"I met them when they were still magnobyo-magnobya, now they’re parents, okay...

"Now they’re married and now they’re my neighbors, so the relationship has transpired tremendously."

What’s My House Husband about?

"My House Husband is about a man named Rod [Ryan] who is forced by circumstances to take care of his family and do the house chores.

"While his wife [Judy Ann] had to be the one to take on a job.

"So this is a phenomena na very current right now," saad ni Direk Joey.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

RYAN ’S TRANSFORMATION. Naibahagi rin ni Direk Joey sa PEP kung gaano kalaki ang naging transformation ni Ryan dito sa pelikulang ito.

Dahil nga My House Husband ang title ng pelikula, nakasentro sa kanya ang istorya.

Sa una’y naging mahirap daw ito para kay Ryan, subalit ayon kay Direk Joey, marami naman daw natutunan ang actor-TV host.

"Well, unang-una, hindi siya... hindi siya marunong magluto.

"E, dito, OC [obsessive compulsive] siya sa cleanliness, natuto siyang...

"Madaling mag-utos, e, mahirap gumawa, di ba?

"Madaling sabihin na gusto mong malinis ang iyong bahay, mahirap maglinis ng bahay.

"In this case, natuto siya kung paano maglinis, natuto siya kung paano magluto, at na-realize niya na nakakapagod yung trabahong yun.

"At higit sa lahat, ni-learn niyang irespeto na hindi kababawan ng katauhan yung gumagawa ng household work, because that requires equal dedication."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN