Andi Eigenmann on her pregnancy: "This is not a punishment, this is a present."

Andi Eigenmann’s message to her unborn baby: "No matter what happens, just like my mom is to me, no matter what happens, I will always, always, always be... try and be the best I can be to you. And there’s nothing to worry about even if it’s just gonna be the two of us, because there’s a lot of other people there who will love you as much as I would."


Sa unang pagkakataon, matapos ang walong buwan ng pananahimik, nagsalita na rin si Andi Eigenmann tungkol sa kanyang pagbubuntis.

Ito ay naganap sa exclusive live interview ni Boy Abunda kay Andi para sa "Ikaw Na" segment ng reformatted Bandila, ang late-night news program ng ABS-CBN, kagabi, October 3.

Ito rin ang unang TV appearance ni Andi mula nang mawala sa ere ang kinabibilangan niyang teleserye sa ABS-CBN, ang Minsan Lang Kita Iibigin.

Narito ang naging pag-uusap nina Boy at Andi:

Kumusta ka?

"Masaya po ako," mabilis na sagot ni Andi.

"I’m actually... If there’s one word to describe how I’m feeling right now, is actually just bored.

"You know, I’m so excited... Excited na excited na akong dumating yung November para makita ko na siya [her baby].

"Bored, in a very positive way... It’s just that I’m so looking forward to the future."

Kumusta ang pagbubuntis?

"A, okay naman po."

Hindi ka ba nahirapan?

"Actually, hindi naman po.

"Surprisingly, para sa sarili ko, parang nagulat nga ako, pero siyempre masayang-masaya rin.

"I’ve gone through several 4-D scans and ultrasounds, so alam ko na po na my baby is very much healthy."

May pinaglilihian ka ba?

Napabuntung-hininga si Andi at sinabing, "Sadly, para sa katawan ko, ice cream and chocolates.

"Puro sweets at sugary foods yung kinakain ko.

"I’m really not at all into those kinds of food, e. Kaya alam ko talaga na pinaglilihian ko yun, kasi kakaiba for me."

Kailan mo nalaman na ang baby mo ay girl?

"I’m already at my eighth month, so nalaman ko siya three months ago, sa five months."

May pangalan na ba yung baby girl mo?

"Ayaw ko pa pong sabihin, kasi baka mag-change pa yung mind ko!" natawang sabi ni Andi.

Ika’y napagitna sa maraming kontrobersiya, maraming usap-usapan, and people would say that, "My God, she is pregnant, she is very young." You were telling me the story about people saying she’s a teenage mother. Iklaro mo nga ito, how old are you now?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"I’m not saying that I’m not old enough, but I’m not a teenager anymore, I’m 21," sabi ni Andi.

But, people think, you’re just 17 or 16?

"Hindi po, sa Agua Bendita lang po yun."

Itong pagbubuntis mong ito, paano nabago ang iyong buhay?

"Actually, para sa akin po, and daming beses na... especially when I entered showbiz, it’s really a tough industry to be a part of, for me.

"Medyo ang dami ko na pong beses na nakita yung sarili on the verge of failing.

"And it’s the first time that I really told myself and I was able to assure myself that...na hindi ako made to just fail.

"I’m designed to be successful at something.

"And if alam ko na... I just have to believe in myself, just go for it, as long as I know that I’m not hurting anybody, and I just do what I know that I love.

"Hinding-hindi po ako maggi-give up, kasi alam kong si God, hindi naman ako pina-punish for anything."

So, itong mga realization mo na ito ay sumagi sa iyong isipan habang ikaw ay nagbubuntis? There were no times nung ikaw ay nanghihina and you were asking questions, "Why? Bakit ito nangyayari sa akin ngayon?"

"Yes, opo," sagot ni Andi.

"Kasi at the beginning, siyempre, being that I am young, and I didn’t really expect this to happen, at this point in my life, opo, pinagdaanan ko rin po yun.

"And I really thought to myself, you know, parang, ’Why?’

"I mean, I asked myself din naman, ’Why?’

"But then, di ko naman inisip na walang tine-take away si God sa akin.

"Lahat ng mga stuff na dating alam ko I deserve and that I wanted to achieve, I know that I can still achieve them because this is not a punishment, this is a present.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"I’m very much honored.

"It’s a blessing from God and I’m very much honored."

Paano nabago ang iyong relasyon sa iyong pamilya, lalo na sa iyong pinakamamahal na inang si Jaclyn Jose?

Sabi ni Andi, "Actually, hindi siya something na ipu-point out mo talaga.

"Pero ngayon, alam ko, being that lagi akong nasa bahay kasama ng mommy ko, kasi siyempre yung mommy ko yung nagbabantay sa akin, wala!

"Mas gusto ko pang makasama yung mommy ko even more than my friends.

"Because I know that my mom, of all the people, she is one person I know that I can trust and will support me, and will be there for me when it comes to anything at all."

Hindi ito alam ng marami na nagbabalak kang bumukod at magsarili?

"Yes!" bulalas ni Andi.

"Kasi feeling ko, that I’m 21, ganyan, puwede na akong lumipat, puwede na akong mag-live on my own, live a single life."

Now, that you’re experiencing the love and support of your mother, nabago ang iyong isipan?

"Yes... Parang hindi lang po dun sa up to the point that because wala akong choice, dahil siyempre hindi ko naman ’to kayang gawin mag-isa.

"But, parang telling myself na, maybe I’m just not cut out to live alone.

"And maybe it’s just really better and I like to stay with my mom because it’s what I’m comfortable with."

Your baby will perhaps see this interview 10 years from now, or 20 years from now, what would you wanna tell your baby?

"No matter what happens, just like my mom is to me, no matter what happens, I will always, always, always be...try and be the best I can be to you.

"And there’s nothing to worry about even if it’s just gonna be the two of us, because there’s a lot of other people there who will love you as much as I would."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN