Edgar Allan Guzman starts shooting Star Cinema movie with John Lloyd Cruz and Angel Locsin

Edgar Allan Guzman plays the friend of John Lloyd Cruz in a yet-untitled Star Cinema movie, which also stars Angel Locsin. This is Edgar’s first movie with ABS-CBN’s movie outfit.


Sa wakas, natuloy na ang unang araw ng shooting ni Edgar Allan Guzman para sa pelikula niya sa Star Cinema, na pagsasamahan nila nina John Lloyd Cruz at Angel Locsin.

Ang pelikulang wala pang pamagat ay hahawakan ng box-office director na si Cathy Garcia-Molina.

Ikinuwento ito ng Cinemalaya 2011 best actor sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kagabi, October 3, sa taping ng TV5 mini-seryeng Sa Ngalan Ng Ina.

Nang nagkaroon ng taping break ay madaliang nakipag-usap si Edgar sa PEP para sa ilang updates.

Natuloy daw ang shooting nila noong Martes, September 27.

Matatandaang nakaiskedyul ang aktor sa una niyang pelikula sa Star Cinema noong September 22, pero hindi iyon natuloy dahil nagkasakit daw ang bidang aktor na si John Lloyd.

Si Edgar naman ay kinailangan ding um-attend ng red carpet premiere ng Sa Ngalan Ng Ina sa SM The Block.

Noong Martes, wala nang balakid sa unang araw ng shooting nina Edgar at John Lloyd.

Ano ang papel ni Edgar Allan sa bago niyang pelikula?

"Magkaibigan kami ni John Lloyd... Ano lang, kaibigan ni John Lloyd," banggit niya.

Hindi raw siya magiging ka-love triangle nina John Lloyd at Angel sa pelikula.

"Kaibigan," aniya.

Pero ayon din kay Edgar, mahalaga naman ang kanyang papel.

"Isang scene pa lang ang nakunan namin," sabi pa niya.

STARSTRUCK. Tungkol sa naging pakikipagtrabaho niya sa Box-Office King na si John Lloyd, sabi rin ni Edgar: "Masaya naman. Siyempre, starstruck din ako sa kanya.

"Mabait siya. Nagpakilala rin naman ako sa kanya."

Kuwento pa niya, "Bibigyan ko siya ng Ligo Na U [Lapit Na Me], gusto yata niyang mapanood.

"Sabi ko, ’Showing na.’

"Tapos, sabi niya, ’May CD ba?’

"’Sige, bro, bigyan kita.’"

Ang Ligo Na U, Lapit Na Me ang pelikulang pinagbidahan ni Edgar sa Cinemalaya ngayong taon, na nagpapanalo sa kanya ng Best Actor.

Tungkol kay Angel, sabi naman ni Edgar, "Excited ako siyempre na makatrabaho siya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Hindi pa kami nagkaeksena. Pero na-meet ko na siya.

"Nagkatrabaho na kami once, sa Txt, pelikula yun dati ng TAPE, noong 2006."

Iyon ang taon na nanalong Mr. Pogi si Edgar Allan Guzman sa Eat Bulaga!.

"Basurero kami dun, e!" natatawang ginunita ni Edgar ang una niyang pelikula, kung saan bida sina Angel Locsin, Dennis Trillo, at Oyo Sotto.

PRE-TEEN ON TV. Sa September 28 taping naman ng Sa Ngalan Ng Ina, sa Quirino Memorial Hospital sa Project 4, dinalaw si Edgar ng kanyang mommy, si Rosario Guzman, at ng kanyang Tita Lyn.

Habang abala si Edgar sa mga kinukunang eksena, nanood sandali ang kanyang mommy.

Sa isang punto’y nabanggit nito sa PEP ang tungkol sa pagiging pre-teen TV star ng kanyang pinakabatang anak na lalaki.

Lumabas daw si Edgar sa pambatang programang Pen Pen De Sarapen ng RPN-9.

"A, dancer ako do’n. Eleven years old ako," nangiti si Edgar nang banggitin namin ang kuwento ng kanyang mommy.

"Dancer lang ako dun. Dun ako nag-start.

"Dancer kami, kumbaga, hindi pa ako kasi ganun kaseryoso. Mga six months lang ’yon."

Sabi rin ni Edgar, hindi roon nagsimula ang interes niya sa pagiging artista, kahit nakikita na niya noon ang sarili sa telebisyon.

"Aral talaga ako nun, e. Grade 4 lang yata ako nun, o grade 5. Sa Pasig Elementary School. Sa public [school] lang ako no’n," sabi pa niya.

Sa school nila, sabi ng young actor, "Sumasayaw din ako sa mga program. Folk dance ako lagi."

Makalipas ng ilang taon, ang pagiging artista ni Edgar ay waring itinadhana—mula sa pagkapanalo niya sa Mr. Pogi contest ng Eat Bulaga! hanggang sa pagiging isang certifed Kapatid talent ng TV5 network.

PAST RELATIONSHIP. Samantala, ang kanyang Mommy Rosario ay buhos din ang pagsuporta sa bunsong anak.

Pero labis raw itong nag-aalala sa mga pang-iintriga sa anak, sanhi ng maselang pakikipagrelasyon ni Edgar sa dating SexBomb dancer na si Johlan Veluz.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi itinanggi ng mommy ni Edgar na ang young actor at ang kanyang girlfriend, na dati ring taga-showbiz, ay nagsasama na.

Hindi naman humahadlang ang ina ni Edgar sa relasyon, pero nag-aalala siya sa anak kapag nalalagay ito sa alanganin sa kanyang propesyon dahil sa personal na buhay.

Tungkol dito, umatras muna si Edgar.

"Ay, huwag na yun. Ayaw ko nang lumaki pa. Ayoko nang magsalita.

"Okey na po yun," iwas ng young actor, na nakakitaan ng talento sa miniseryeng Sa Ngalan ng Ina.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN