Aiza Seguerra reveals greatest frustration about local music industry; recalls rooting for Charice when the now-international sensation joined a local talent search and lost

"I feel na parang unfair, na ang daming magagaling na singers natin na hindi nabibigyan ng pag-asang sumikat, or at least man lang, marinig—just because hindi sila pogi o maganda," says Aiza Seguerra.


Naka-one-on-one interview ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang child star turned singer-recording artist na si Aiza Seguerra, sa Fior Cafe, Timog Avenue, Quezon City.

Ito ay upang i-promote ang bagong concert nila ni Cooky Chua, ang Love Jazztified, na gaganapin sa October 7, Biyernes, sa Music Museum.

Si Calvin Neria ang direktor at si Mike Villegas ang musical director.

Ito ay produced ng Greenlights Events and Productions, na nagdala sa bansa ng K-pop superstars Heo Young Saeng and Kim Kyu Jong ng sikat na SS501, noong February sa PICC.

Ang Love Jazztified ay first-ever collaboration onstage ng magagaling na singers na sina Aiza at Cooky.

Kuwento ni Aiza, "Kadarating lang namin from our series of shows in the States kasama ang Sessionistas, and it was a success.

"And now, excited ako dahil bago naman ang gagawin ko with my concert with Cooky sa Friday sa Music Museum. It’s jazz and blues.

"First major concert ko rin ito for 2011, kaya I’m so excited.

"At first time ko nga to have a concert with Cooky, na isa sa mga magagaling nating singers."

Kabilang daw sa repertoire nila para sa concert ang mga jazz favorites gaya ng "I’ll Be Seeing You," "Someone To Watch Over Me," "Power of Two," at "Crazy Thing Called Love."

DOWN AND OUT. Nagsimula si Aiza bilang child superstar, at ngayo’y halos 25 taon na pala ito sa industriya.

Kumita ang kanyang Regal movies, patok siya sa Eat Bulaga! nang maraming taon, umabot siya sa awkward stage ng kabataan, at naging totoo sa sarili sa kanyang sexual preference, na tinanggap naman ng publiko.

Pero dumating ang point na nawala sa sirkulasyon si Aiza ng ilang taon.

Ano ang naramdaman niya noong "down" ang kanyang showbiz career?

"Noong nawala ako, nakakababa talaga ng confidence level.

"Hindi na nga ng ego, e, pero confidence sa sarili mo. Wala na nga akong ego, e.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Parang ang feeling mo, wala ka nang katiwa-tiwala sa sarili mo," saad niya.

Pero nang naging hit ang kanta niyang "Pagdating ng Panahon," nagkaroon ng bagong sigla ang kanyang singing career.

"Noong finally, pumatok ang ’Pagdating ng Panahon,’ nagkaroon ako ng second wind.

"Ang sinabi ko sa sarili ko, ’I’d rather be here para kumanta. To work.’

"Pero whatever it is na meron sa personal life ko, sa akin na yun.

"Kasi, merong iba na all-out sila masyado. Pati yung sariling buhay nila ay ’pinapangalandakan nila sa lahat ng tao.

"Minsan kasi, hindi mo alam kung ano ang mangyayari sa ’yo. So, at least, you have yourself...

"After ’Pagdating...’, nagkaroon rin ako ng ilang albums, pero nawala ulit ako.

"Nag-lay low ako ng four years," pagbabalik-tanaw niya.

GOOD VS. FAMOUS. Ano sa palagay niya ang mga dahilan kung bakit "nawala" siyang muli sa eksena?

"Well, music ito, e," aniya.

"Kumbaga, right now, uso ang acoustic.

"Four years from now, mauuso ang banda...

"Another four years, iba na naman ang mauuso. Trend, e.

"And, of course, ganoon talaga.

"So, kung ang goal mo lang is maging sikat ka, walang mangyayari sa ’yo.

"Pero kung ang goal mo is maging magaling kang singer, na maging magaling kang artist, kahit na hindi mo pa trend ngayon, maggo-grow ka pa rin, kumakanta ka pa rin, may trabaho ka pa rin.

"Mature na ako pagdating sa ganyan, kasi not all popular singers are good singers. You must always remember that.

"So, I’d rather be good than famous," deklara pa ni Aiza.

FAN OF BITUIN. Sino para kay Aiza ang magaling talagang local singer?

"Para sa akin, si Bituin Escalante," sagot niya.

"Big fan niya ako. Grabe! Hayup ang babaeng ’yan!

"Iba si Bito [nickname ni Bituin], kahit na saan mo siya ilagay—mapa-theater, she’s a good actress also.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"And when she sings, talagang full of heart. Passionate talaga.

"Ginawa niya yung Jesus Christ Superstar, siya yung nag-Judas... Pare, hayup! Oh, my goodness!

"Sobrang big fan ako ni Bituin."

Alam ni Bituin na big fan siya nito?

"Oh, yeah," sambit ni Aiza.

"Pero yun ang maganda sa kanya, kasi no matter how great she is sa craft niya, very, very down to earth pa rin siya.

"And very eager to teach other people or share her knowledge sa ibang tao."

ISANG DEKADA. Bilang isang singer, sampung taon o isang dekada na ang itinatagal ni Aiza sa industriya.

Sa loob ng ten years na yun, anu-ano ang kanyang frustrations?

"Ang frustrations ko, hindi sa personal ko.

"Pero I feel na parang unfair, na ang daming magagaling na singers natin na hindi nabibigyan ng pag-asang sumikat, or at least man lang, marinig—just because hindi sila pogi o maganda.

"Just because hindi sila marketable masyado. Just because they’re not being too commercial.

"Yun ’yong greatest frustration ko.

"I feel we have a lot of great singers. I mean, take for instance, si Charice Pempengco.

"Hindi siya nanalo sa sinalihan niyang contest [ABS-CBN’s Little Big Star]. I was one of the judges.

"Jinudge ko, magaling siya!

"Nanalo siya for that day noong kami ang judge, nakita namin na merong something itong batang ito.

"Pero since hindi siya yung hinahanap nating mukha o ganito... napasa-isang tabi.

"Pero kita mo sa ibang bansa, sobrang sumikat si Charice. Kasi, talent, e.

"Alam mo, ang dami nating magagaling. Nang dahil lang talaga kung ano yung idea nila kung ano ang marketable, yun ’yon.

"Para kasi sa akin, if you continue giving people kung ano lang ang gusto nila, at siyempre, ito lang ang alam nila, e, di walang mangyayari!

"Walang growth. Walang ibang choice."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

THE POWER OF TV. Dagdag pa ni Aiza, "Pero if you’re a TV station... Ang TV is sobrang powerful ngayon. Television has the power to change things.

"Kasi, isipin mo, kunwari, lahat sila [TV industry people], mag-usap-usap sila, isantabi muna ang network war na ’yan...

"Pero kung halimbawa, when they meet, sasabihin nila, ’Itaas natin ang standards natin sa ating music industry, tulungan nating mai-market...’

"Ilabas lang nila sa TV!"

Dagdag pa ni Aiza, wala na raw musical shows na puwedeng mag-expose sa galing at husay ng Pinoy singers.

Aniya, "Wala na kasi tayong musical shows, e.

"Wala na tayong Ryan Ryan Musikahan. Wala na tayong mga The Sharon Cuneta Show before na may kantahan talaga. Wala na!

"Ngayon, meron tayong Party Pilipinas, ASAP, pero very, very limited na kantahan, dahil, mostly, promotions.

"So, ang sinasabi ko, kung ang television industry ay patuloy na hindi susuportahan ang music industry, mamamatay at mamamatay ito."

IS THE LOCAL MUSIC INDUSTRY DYING? Sa palagay ba niya ay namamatay na ang local music industry?

"Well, I think, meron pa ring mga lumalaban," sambit niya.

"Nandiyan ang OPM [Organisasyon ng mga Pilipinong Mang-aawit].

"Sina Ogie [Alcasid, OPM President], talagang very adamant siya for this.

"So, hangga’t may lumalaban, hindi mamamatay ’yan.

"Pero it would do the industry a lot of help if these network giants would only realize that they could do so much, by just allotting five minutes na ma-expose yung magagaling talaga...

"Nanghihinayang lang talaga ako. Yun talaga ang major frustration ko."

Ito kaya ay dahil wala ring unity ang music industry leaders? Watak-watak din ba ang singers and musicians?

"Honestly, I feel watak-watak rin, e," palagay niya.

"Eto, makikita mo ’yan sa Awit Awards.

"Take for instance, Awit Awards, ilan ang pumupuntang singers at mga taga-industriya diyan?

"Pupunta lang sila kapag alam nilang nominated sila or alam na mananalo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Hindi ba dapat, tulungan? Kasi, dapat ipakita natin sa mga tao na, ’Oy, eto, nagkakaisa kami!’ Parang Grammy Awards.

"Papanoorin ang Grammy’s, kasi makikita mo ang mga magagaling na singers na ito, kahit na hindi sila magpe-perform. Nandoon sila to support.

"Paano natin mae-expect ang mga taong ’yan to support us if we ourselves don’t support each other?

"If lahat tayo, kumpetisyon, na, ’Uy, mas magaling ako ke ganito, ganyan.’

"’Kapag siya nag-ganito, hindi ko susuportahan!’ Wala!

"Right now, sobrang pamatay, e. Nag-i-start nang mamatay, e.

"So, instead of competing with each other, why not help each other?

"Kapag okey na ulit, then start competing again."

Kung siya ang hihingan ng suggestion sa usaping ito, ano ito?

"Ako, say, sa Awit Awards, example, i-set natin na every second Saturday of September, let’s say is Awit Awards.

"So, doon man lang, lahat ng tao... Say, lahat ng record labels, atasan na nila lahat ng artists nila na every [second Saturday of September] every year, na annual man lang, e, wala silang ibang puwedeng gawin ’coz it’s Awit Awards. Mandatory ito.

"Ang laking tulong noon! Kasi, mas maraming artista o singers, mas maraming susuportang advertisers, mas bibigyan ng airtime...

"Saka sa ngayon, wala na ngang budget, ang mahal pa ng singil ng mga ganito-ganyan.

"Di ba natin maibibigay yung isang araw lang na yun para lang sa crowning glory ng industriya?

"Hindi ba natin maibibigay ang one day na yun, na hindi tayo sisingil ng budget natin na 100 percent, gawin nating 50 percent at least?"

Kung mayroon siyang message, ano ito?

"I think it’s all about supporting each other talaga na hindi lang yung superficial support na go, ganyan, ganito.

"It’s more of, if you think these artists need help, even if kakumpitensiya mo siya, you can help him," saad ni Aiza.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN