Barbie Forteza not yet allowed to keep her own money; denies solo movie date with Joshua Dionisio

Kahit pagdating sa sarili niyang kita, nakikinig pa rin daw si Barbie Forteza sa advice ng parents niya kapag may mga bagay na inaakala niyang importanteng bilhin.


Sa ngayon, ang kanyang mga magulang ang humahawak ng pera na kinikita ni Barbie Forteza mula sa pag-aartista.

Masaya nga raw ang tween star dahil maayos na napapatakbo ng parents niya ang kinikita niya sa showbiz.

Ang mga magulang din niya ang nagbigay ng ideya kay Barbie na kumuha ng bagong sasakyan at condo para may investment na agad siya sa showbiz.

At dahil ang parents niya—partikular ang mama niya—ang may hawak ng kanyang pera, totoo bang humihingi na lang si Barbie ng allowance?

"Hindi naman po," sabi nito sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

"Kasi, kunyari wala naman po akong gustong bilhin, aanhin ko yung pera?

"Pag may gusto na lang po akong bilhin, tapos papayag si Mama, tsaka lang po ako hihingi."

Kahit sarili niyang kita, nakikinig pa rin daw si Barbie sa advice ng parents niya kapag may mga bagay na inaakala niyang importanteng bilhin.

Kuwento niya, "Minsan po may makikita ako na something, akala ko kailangan ko talaga, na importante. Pero kapag nag-usap kami nina Mama, sasabihin nila, ’Sure ka ba na kailangan mo ’yan? Investment ba ’yan?’

"Dun ko po maiisip na, ’A, oo nga, marami pang mas importante na dapat na bilhin or i-invest kesa sa mga bagay na hindi naman talaga importante.’"

Ngunit pagdating daw niya sa tamang edad, siya na mismo ang maghahawak at mag-aayos ng kanyang finances.

"’Pag eighteen na po siguro ako," nakangiting sabi ng 14-year-old Kapuso star.

Dagdag pa ng rising star, "Feeling ko po kasi sa mga panahong iyon, sa edad kong iyon, responsable na akong humawak ng pera."

GOING TO SCHOOL. Nag-aaral din ngayon si Barbie kahit na busy ang kanyang schedule sa pag-aartista.

"Home study po. Grade 7 po," banggit niya.

"Hindi pa nga po sigurado ang school kung magge-Grade 8 pa kasi meron na yata po ang high school ng fifth year na."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi raw siya nagpapabaya sa pag-aaral kahit na gaano siya ka-busy sa showbiz career niya.

"Hindi naman po, at saka in the first place, sinabi ko naman kay Mama na hindi ko naman po pababayaan talaga ang pag-aaral ko, kaya pinayagan niya akong mag-artista."

FUTURE RESTAURATEUR. Pagdating niya sa college, ano ang gusto niyang kunin na kurso?

"Sa ngayon po, gusto ko po sana mag-Culinary course, o kaya HRM [Hotel and Restaurant Management].

"Basta either dun sa dalawa—HRM or Culinary.

"Kasi gusto ko pong magluto, then gusto ko pong magkaroon ng sarili kong restaurant na business po."

Humahanga nga si Barbie sa Kapuso actor na si Marvin Agustin, na bukod sa pag-aartista ay isang successful businessman na nagmamay-ari ng maraming restaurants.

"Gusto ko pong maging parang si Mr. Marvin na hands-on siya sa mga restaurants niya, na nagluluto rin kahit siya ang may-ari.

"Gusto ko po ganoon ako, na kahit ako ang may-ari, ako mismo ang personal na pumupunta sa restaurant ko, na may mga times na ako mismo ang magluluto sa restaurant ko."

JOSHUA DIONISIO. Sa ngayon, kahit abala siya sa kanyang career, ine-enjoy pa rin ni Barbie ang pagiging teenager niya.

At sa mga oras na wala siyang taping or shooting, ano ang ginagawa niya?

"Madalas kapag gabi na, kapag tapos na akong magbasa ng libro at mag-aral sa homestudy ko, nanonood ako ng sine with the family, or minsan kami nina Joshua."

JOSHUA DIONISIO. Nabanggit din lang si Joshua, nilinaw ni Barbie ang isyung nakita silang magka-holding hands na nanood ng sine kamakailan, at silang dalawa lang diumano ni Joshua ang magkasama.

Aniya, "Hindi po, never po kaming nanood na kaming dalawa lang.

"Kasama ko po ang mama ko at ate ko, at si Joshua kasama ang brother niya.


"Yung magka-holding hands, gentleman po kasi si Joshua, inaalalayan niya ako, wala namang masama doon."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Magkaibigan daw sila ni Joshua at wala nang ibang namamagitan sa kanila.

NEW SOAP. Mas naging close pa sila ngayon dahil sila ang bida sa upcoming afternoon serye ng GMA-7, ang Ikaw Lamang Ang Mamahalin.

At alam ni Barbie, dahil remake ito ng isang matindi at successful show ng GMA-7 with the same title—starring Angelika dela Cruz and Sunshine Dizon—mapaghamon at punumpuno ng mabibigat na acting ang ipapamalas nila sa show na ito.

Ipapalabas na ang serye simula sa Lunes, October 10.

"Opo! Pinaghirapan po talaga namin ito.

"Kung sa Tween Hearts po, light comedy, pa-sweet, at sa Nita Negrita po medyo drama, dito po, as in talagang mabibigat ang mga eksena namin, matindi ang kuwento—as in, maganda talaga po!

"And since pinaghirapan po namin, alam namin na magugustuhan ito ng publiko," sabi ng 14-year-old star.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN