Mike Tan talks about his first onscreen love scene

Mike Tan on his first ever love scene:"Okay naman. Nakinig lang ako [sa director] kung ano ang gagawin at kung ano ang sinabi, yun ang ginawa namin. Kung sa kinabahan, hindi naman ako kinabahan. Kasi siguro, palagay naman ako kay Michelle [Madrigal]. Hindi naman niya pinaparamdam sa akin na dapat akong mailang sa kanya."


Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Mike Tan sa isang pocket press conference na ibinigay ng GMA Artist Center para sa kanya kahapon, October 4, sa 17th floor ng GMA Network Center.

Sa nasabing interview, ipinahayag ni Mike na ngayon pa lang daw niya masasabing nakikilala na ng mga televiewers ang character niyang si Jonas sa afternoon series nilang Kung Aagawin Mo Ang Langit.

Sa kuwento ng nasabing teleserye, pinakasalan niya ang character played by Carla Abellana. Dahil hindi sila magkaanak, they resorted to in vitro fertilization—ang proseso kunsaan pine-fertilize ang egg cell ng babae sa labas ng kanyang katawan.

Dito naman pumasok ang character ni Michelle Madrigal, na siyang nagdala sa kanyang sinapupunan ng anak nina Mike at Carla.

Naaksidente si Carla at na-comatose. Pinakasalan ni Mike si Michelle believing hindi na magigising pa uli si Carla.

Pero nagising ang character ni Carla sa kanilang serye.

"Ang hirap, ’di ba?" nakangiting sabi ni Mike.

"Kahit po ako, hindi ko minsan maintindihan ang character ko.

"Ang character ko bilang si Jonas, walang sariling desisyon.

"Parang mamimili na lang sa dalawa [Carla and Michelle’s characters].

"Tinanong pa do’n sa nanay [ni Jonas kung ano ang kanyang gagawin].

"Parang, ’Ano ba ’to, sobrang weak ng character!’"

SO UNLIKE JONAS. Kabaliktaran daw ng character niyang si Jonas si Mike sa totoong buhay.

"Kaya kong mag-decide para sa sarili ko. Pero si Jonas, hindi ko siya ma-compare kay Mike Tan.

"Siguro kung mero’n man na pagkakapareho, yung pagpapahalaga na lang sa pamilya.

"Tingin ko, sa anak niya [ibinubuhos ang atensiyon] na [ginagawa] ko naman sa pamilya ko."

FAMILY FIRST. Ayon kay Mike, bago ang sarili, o ilang luho sa katawan na puwede niyang i-enjoy, mas inuuna raw niya ang kapakanan ng kanyang pamilya.

Natulungan niyang makapagtapos ang mga nakakatandang kapatid at naipagawa niya ng bahay ang kanyang ina mula sa kanyang pagtatrabaho sa showbiz.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Matagal na pong tapos ang [mga] ate ko.

"Yung isa po, Behavioral Science ang [natapos]. Yung isa naman po, Tourism.

"Pareho na po silang graduate. Yung isa po, may anak na. Panganay naman po namin [yun]."

Si Mike naman, may ilang taon pa raw siya sa college bago sana maka-graduate.

Ano ang kanyang pakiramdam na napagtapos niya ang mga kapatid, pero siya ay undergraduate?

"Si Ate naman po, siguro po tatlong buwan na lang [noon], graduate na siya. Halos wala na rin po akong naitulong.

"Yung isang kapatid ko lang po na siguro one to two years pa noon [bago mag-graduate], na ako na po ang nagpapaaral.

"Kung sa naramdaman, actually ngayong tinanong po ako tungkol diyan, ngayon ko lang din naisip.

"Dapat po bang may maramdaman ako? Kasi po noon, bata pa ako noon [tinulungan ko silang makapag-aral].

"Ang iniisip ko lang, mapag-aral ko lang sila."

Dugtong pa niya, "At saka siguro po kasi, ako ang mas mero’n.

"Ako ang mas nakakaluwag, so pakiramdam ko, obligasyon ko yun.

"Siguro po, masaya ang feeling. Hindi ko alam, e. Ang tagal na no’n.

"Pero, ngayong naiisip ko po, kailangan maging proud ka sa sarili mo.

"Pareho po kami ng mama ko. Si Mama rin, pinag-aral niya ang mga kapatid niya.

"Tapos si Mama po ang hindi rin nakatapos."

Pangarap pa rin ba niyang makatapos ng pag-aaral?

"Oo naman," sambit ni Mike.

"Second year Industrial Psychology na ’ko. Pero siguro, hindi pa lang ngayon.

"Pero, isa ’yan sa goal ko, yung makatapos pa rin. Pero, baka different course na [ang kunin ko].

"Baka [it has] something to do with films na."

FIRST EVER LOVE SCENE. Ayon kay Mike, si Michelle Madrigal daw ang kauna-unahan niyang naka-love scene.

Malaking bagay raw na nagkasama at nagkapalagayang-loob na sila bago kunan ang nasabing eksena.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"With Michelle talaga and Carla, too. Kaya lang, mas ano [mainit na eksena] kasi yung kay Michelle.

"Okay naman. Nakinig lang ako [sa director] kung ano ang gagawin at kung ano ang sinabi, yun ang ginawa namin.

"Kung sa kinabahan, hindi naman ako kinabahan. Kasi siguro, palagay naman ako kay Michelle.

"Hindi naman niya pinaparamdam sa akin na dapat akong mailang sa kanya.

"Pareho naman po kaming dedicated sa trabaho," dugtong pa niya.

Sa papel na ginagampanan sa Kung Aagawin Mo Ang Langit, natutuwa raw si Mike sa feedback na natatanggap niya sa mga manonood.

Kapag may mga pumupuna raw sa pag-arte niya, sinasagot niyang lahat ito through his Twitter and Facebook accounts.

"So far, okay naman po lahat. Hindi ko rin naman itinatanggi na nakakabasa ako ng negative.

"Siyempre, hindi mo naman po maiiwasan yun. Pero, sinasagot ko po yun at nagpapasalamat din."

Kapag nakakabasa siya ng negative comment, paano niya ito tine-take?

"Nag-a-agree ako, kasi nakikita ko yung nakikita nila.

"Pero siyempre, minsan, iba yung tingin mo sa tingin nila.

"Minsan, hindi ka mag-a-agree.

"Pero, minsan talaga, alam nitong tao na ito ang pinapanood niya," naiisip daw ni Mike.

So far, halos wala na raw siyang tulog. Pero walang problema ito kay Mike at tinitingnan niya na isang positibong bagay.

Masaya rin ang feeling ni Mike nang minsang i-meet daw siya ng mga boss ng GMA-7.

"Kinausap po nila ako. Like sa pananamit. Dapat din daw makita na sa akin [ang ayos] as leading man.

"Ako naman po, ’Sige po.’

"So far, natutuwa naman po sila kapag nakikita naman nila ’ko. Sinusunod ko naman po ngayon.

"Actually, ano po ba ang feeling ng leading man? Sa akin po, pareho lang talaga."

AT LAST! Sa huli, kinunan ng pahayag si Mike kung ’di ba siya nabagot sa paghihintay ng kanyang big break na ngayon lang dumating.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nauna pa raw kasing naging leading man si Aljur Abrenica na winner sa Starstruck Season 4, samantalang siya ay nanalo sa Season 2 pa ng nasabing reality-based artista search ng GMA-7.

Mabilis namang sagot ni Mike, "Hindi. Hindi talaga, e. Kasi, kanya-kanyang personalidad ’yan.

"Kapag pinagtabi-tabi n’yo naman kami, iba-iba kaming kaso.

"Pagdating sa acting, sa lahat, iba-iba kami.

"And to be honest, wala naman akong control diyan kung sila ang mas nauna.

"Ang sa akin, galingan mo na lang, hintayin mo na lang yung break mo."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN