Anne Curtis apologizes to those offended by her ’smoking’ magazine cover

"I think it’s proper to really apologize to the people who were offended. Siyempre na-sad din kami na it was given that kind of publicity. But at the same time, naiintindihan din naman namin yung point nila," says Anne Curtis about cover pictorial for Rogue Magazine where she was photographed with a cigarette.


Bukod kay Superstar Nora Aunor, na naging kontrobersiyal ang cover para sa YES! Magazine kunsaan may hawak siyang sigarilyo, naging puntirya rin ng pagbatikos si Anne Curtis sa katulad na paratang ng diumano’y pagpo-promote ng paninigarilyo sa cover naman ng October 2011 issue ng Rogue Magazine.

Ayon sa Philippine Medical Association (PMA), hindi magandang huwaran para sa mga kabataan ang paghawak ng dalawang aktres ng sigarilyo.

Sa interview ni Anne sa late-night newscast ng ABS-CBN, ang Bandila, kagabi, October 5, mapagkumbabang humingi ng paumanhin ang young actress.

"I think it’s proper to really apologize to the people who were offended.

"Siyempre na-sad din kami na it was given that kind of publicity.

"But at the same time, naiintindihan din naman namin yung point nila," sabi ni Anne.

Dagdag pa ng Kapamilya star, hindi intensiyon ng magazine na i-promote at engganyuhin ang mga kabataan sa paninigarilyo.

"I don’t smoke. So, I do not promote smoking, just to be clear also," pahayag niya.

BOX-OFFICE SUCCESS. Samantala, sa kabila ng kinakaharap na intriga, masaya naman si Anne sa tinatamasang tagumpay sa takilya ng kanyang pelikulang No Other Woman, kung saan kasama niya sina Cristine Reyes at Derek Ramsay.

"In five days, naka-one hundred million [pesos] na yung No Other Woman," banggit niya.

"Sabi ko talaga, ’What?!’ Kasi, it’s my first time to experience that sa movie ko.

"So, ang overwhelming. Tapos, hindi pa siya nagsi-sink in sa akin."

Kagabi nga ay nagkaroon pa ng victory party ang naturang movie na produced ng Star Cinema at Viva Films.

Personal na binati nina ABS-CBN chairman Gabby Lopez at president Charo Santos-Concio ang mga bumubuo ng pelikula na tumatabo na raw ng P130 million sa takilya, ayon sa Star Cinema.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN