Kristoffer Martin admits to being jealous when Joyce Ching is with other guys

Kristoffer Martin on seeing onscreen partner Joyce Ching talking to other guys: "Hindi po kami. Pero, siguro dahil sa close kami at nakikita ko yung closeness niya sa iba [kaya ako nagseselos]... Sa akin kasi, maalaga siya. At the same time, maalaga rin ako sa kanya. Siguro, seloso lang talaga ’ko."


Mas huling dumating si Kristoffer Martin kaysa sa ka-loveteam niyang si Joyce Ching sa press conference ng bagong soap opera ng GMA-7, ang Ikaw Lang Ang Mamahalin, noong Martes ng gabi, October 4.

Sa ibang lamesa umupo si Kristoffer sa loob ng Windmills and Rainforest sa Quezon City para makipag-usap sa mga entertainment press na dumalo.

Dahil dito, inisip tuloy ng karamihan na may lovers’ quarrel o LQ sina Kristoffer at Joyce.

Natatawa namang itinanggi ito ni Kristoffer sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

"Wala namang LQ siguro. Na-misunderstood lang siguro dahil hindi ako tumabi agad sa kanya," sabi niya.

Nagkakaroon ba sila ng LQ?

"Oo. Minsan. Tampuhan. Selos! Joke!

"Hindi naman kami. Pero ewan ko, nagseselos ako kapag may kausap siyang ibang lalaki," pag-amin ng 16-year-old actor.

Hindi sila, pero nagseselos siya pag may kausap si Joyce na ibang guy?

"Hindi po kami," diin ni Kristoffer.

"Pero siguro dahil sa close kami at nakikita ko yung closeness niya sa iba [kaya ako nagseselos].

"Ipinapakita niya rin, so, parang, yun [naaapektuhan ako].

"Sa akin kasi, maalaga siya.

"At the same time, maalaga rin ako sa kanya. Siguro, seloso lang talaga ’ko."

Kinorek din niya ang nasabi niyang nagkaka-LQ sila ni Joyce.

"Hindi naman po LQ. Yun nga, tampuhan po siguro," aniya.

CAREER FIRST. Pinaninindigan ni Kristoffer na hindi pa talaga sila ni Joyce.

"Hindi pa po talaga, e. Ngayon po, career munang talaga.

"At saka, may pinangangalagaan pa po kaming pangalan."

Bakit, masisira ba ang pangalan nila pag naging sila?

"Hindi naman. Pero siyempre, hindi mo rin masasabi lalo na ang mga tao [kung ano ang sasabihin nila]... Ang matatanda [kokontra] dahil puwede nilang isipin na bata pa kami."

Pareho silang 16 years old ni Joyce. Pero 12 years old pa lang daw si Kristoffer ay nagkaroon na siya ng girlfriend.

"Pero siyempre, [iba] sa industriyang ito, ’di ba?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"At saka, baka kung sakali, kami ang pinakabata [among the GMA-7 tween stars] na magkakaroon ng relasyon.

"Hindi kasi maganda, lalo na sa Facebook, sa Twitter.

"May mga negative comments na, ’Ang bata n’yo pa. Mag-aral muna kayo.’ Yung ganoon."

Depensa pa rin niya, "Hindi ko rin naman masisisi kung nami-misinterpret nila ang closeness namin ni Joyce.

"Kasi, kapag makikita nila kami, sweet kami. So, akala siguro nila, kami [na].

"Kapag sinasabi naman naming hindi, sinasabi nila, ’deny-deny.’ Pero, close lang talaga kami."

What if may manligaw na iba kay Joyce?

"Siguro, okay lang. Pero, selos [ako]!" natatawa niyang sabi.

"Wala namang nagaganap na usapan na hindi siya puwedeng magpaligaw.

"Kami naman, puwedeng manligaw, puwede rin na wala.

"Kumbaga, open.

"Hindi naman kami. Wala namang commitment sa aming dalawa."

EARN AND LEARN. Last week lang kinunan ang death scene nilang dalawa ni Joyce sa Munting Heredera. Ito ay dahil kinakailangan na silang magsimula naman ng taping para sa Ikaw Lang Ang Mamahalin.

Masasabing isa ang loveteam nina Kristoffer at Joyce among the GMA-7 tween stars na hindi nababakante sa trabaho.

Obviously, masaya si Kristoffer sa bagay na ito.

"Masaya talaga. Hindi ako nababakante, kumikita ako nang kumikita," honest niyang sabi.

So, mayaman na siya?

"Hindi naman po. Wala nga po akong sasakyan papunta dito ngayon. Nag-taxi lang ako.

"Wala po kasi akong kotse. Na kay daddy po. Nagpunta siya ng Olongapo.

"Ngayon po, ang tina-target ko, bahay muna sa Olongapo.

"Yun po ang pinaplano rin ni Daddy. Bahay sa Olongapo. Tapos dito po sa Manila, parang kukuha na lang po ng condo."

Yun nga lang, dahil sa busy talaga ngayon ni Kristoffer, kinailangan niyang itigil ang pag-aaral niya sa San Beda College.

"Hindi na po kaya. Kesa naman po sa transcript ko, ang lalabas, failed, mas okay pa po na i-drop ko na lang," saad niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Okay lang bang iwan muna niya ang pag-aaral para sa pag-aartista niya?

"Hindi ko naman po pinagsisihan," sagot niya.

"Nanghihinayang ako dahil pina-priority ko rin ang pag-aaral ko, kasi sayang.

"Pero ang opportunity na ’to na lead role na, minsan lang dumating. Tapos, tatalikuran ko pa?

"Plano ko naman ngayon ang [mag-aral sa] open university sa U.P. [University of the Philippines].

"Sabi nila, mas mahirap daw, pero kailangan kong mamili.

"Sabi nga ni Tita Glo [Gloria Romero], ’one at a time.’

"Mahirap na mamili ng isa lang. Hindi ka puwedeng maging successful sa isang bagay [kung magulo].

"Kailangan isa lang [ang piliin]."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN