Enrique Gil on his zero lovelife: "Wala ngang time mag-gym, e, sa babae pa kaya?"

"Siguro kapag hindi na masyadong active sa trabaho. When the right time comes, who knows?" says Enrique Gil when the media asked him why he’s still not looking for a romantic relationship.


Masaya ang Kapamilya young actor na si Enrique Gil dahil tuluy-tuloy ang pag-usad ng kanyang showbiz career.

Sa taong ito, halos sunud-sunod ang kanyang naging proyekto sa telebisyon. Kabilang na rito ang Shoutout!, Mula sa Puso, Good Vibes, at ang bagong teleserye ng ABS-CBN na Budoy.

"Sa management, sa fans, maraming salamat talaga.

"If not for them, hindi siguro mangyayari ito.

"I really, really appreciate them.

"I worked so hard and I feel na I deserve this naman," sabi ni Enrique nang makapanayam siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang media sa set ng Budoy kahapon, Oktubre 5.

Sa Budoy, magiging magkatunggali sina Enrique at Gerald Anderson sa pagtingin ng karakter na ginagampanan naman ni Jessy Mendiola.

Ayon sa 19-year-old actor, kakaibang pagganap bilang kontrabida daw ang gagawin niya sa proyektong ito.

"Actually, complex talaga ’yong character ni BJ, e.

"Hindi siya ’yong kontrabidang-kontrabida talaga.

"Ito, may highs, may lows, super bait, minsan masama.

"Pero sa journey ng character ko, makikita kung bakit siya gano’n.

"I just hope na hindi nila i-judge ’yong character ni BJ agad.

"Be patient and sana i-follow nila ’yong journey ng character ko."

Dagdag ni Enrique, "Kasi ito, medyo parang laging deep ang iniisip ng character ni BJ.

"Kaya nga sabi ni Direk [Ruel Bayani], he doesn’t wanna see [a usual] kontrabida.

"Hindi siya normal na kontrabida, e."

At dahil mas seryoso na ang kanyang gagampanan sa Budoy, sinabi ni Enrique na malaking tulong ang kanyang mga nakaraang proyekto para magawa ito nang maayos.

"Siguro na-pick up ko rin sa Mula Sa Puso kasi naging serious drama rin ang role ko.

"Doon ako nakakuha ng kaunting insights.

"Gano’n din sa Good Vibes at saka sa Way Back Home."

TEAMUP WITH JESSY MENDIOLA. Dito sa Budoy, madalas na makakasama ni Enrique si Jessy. Gayunman, agad nilinaw ng binata na hanggang trabaho lang ang kanilang pagtatambal.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Actually, noong una dapat loveteam kami talaga sa Kokey At Ako, pero hindi natuloy.

"At least, ngayon, matutuloy na ang lovetean namin.

"I think it’s cool naman kasi we’re really good friends naman.

"Sa ASAP, lagi naman kaming magkasama. Sa lahat ng eksena, wala namang awkwardness."

Dagdag pa ni Enrique, wala siyang panahon para magkaroon ng seryosong relasyon sa ngayon.

Biro pa niya, "Wala ngang time mag-gym, e, sa babae pa kaya?

"Siguro kapag hindi na masyadong active sa trabaho.

"When the right time comes, who knows."

COMPARISON WITH SAM CONCEPCION. Samantala, nausisa rin ng entertainment media si Enrique tungkol sa pagkukumpara ng iba sa kanila ni Sam Concepcion.

Matatandaan na nagkasama ang dalawang binatang aktor sa youth-oriented variety show na Shoutout!. Naging parang magkatunggali rin ang kanilang mga karakter sa youth-oriented show na Good Vibes.

Bukod dito, magkasama rin ang dalawa bilang lead actors sa pelikulang Way Back Home.

Gayunman, nilinaw ni Enrique na walang dapat ipagkumpara sa kanila ni Sam.

"Kasi, magkaiba naman kami ni Sam, e," paliwanag niya.

"Ako, pag-arte lang talaga at pagsayaw.

"Si Sam naman, he’s doing Peter Pan pa. Busy rin siya sa lahat, e.

"I mean, we’re totally different. Siya singer, may bago siyang single, ’yong ’Forever Young.’

"I mean, ’yong career namin, it’s just going higher and higher.

"At saka, we’re best friends. Before ABS-CBN pa, magkakilala na kami."

Sa halip na maapektuhan, madalas ay kibit-balikat na lang sila sa ganitong isyu, at minsan ay tinatawanan na lang nila.

"Nothing to compare talaga," pag-uulit ni Enrique.

"Kaya minsan, tumatawa kami, ’A, talaga, may comparison talaga?’ We just laugh."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN