Tanya Garcia: "Sobrang happy talaga ako with my life, with my husband. Super happy talaga."

"Siyempre noon, single pa siya, marami pa siyang mga, you know... Pero ngayon, siyempre, kailangan ako lang!" says Tanya Garcia about husband Mark Lapid.


Matagal-tagal ding nawala si Tanya Garcia sa showbiz. Ang Super Twins (2007) pa ang huling teleserye na ginawa niya sa bakuran ng GMA-7.

Kadalasan, lumabas man siya sa mga TV shows ay pa-guest-guest lang. Gaya ng role niya bilang diwata sa kasalukuyang ipinapalabas na epicserye ng GMA-7, ang Amaya.

Ayon kay Tanya, pagkatapos niyang isilang ang mga anak nila ni Mark Lapid na sina Mischa Amidala at Matilda Annika ay pinili niyang maging hands-on mom sa mga ito.

Bukod pa sa nag-aral din daw siya ng culinary arts at baking.

Aminado si Tanya na kahit siya ay hindi niya inakalang magiging very hands-on mom siya.

"Hindi talaga. Never, ’di ba?

"Never kong naisip na kaya ko palang maging ganito. Ganito ka-submissive. Ganito ka-active.

"Very patient. Very mabait," saad ni Tanya sa presscon ng Ikaw Lang Ang Mamahalin noong Martes ng gabi, October 4, sa Windmills and Rainforest sa Quezon City.

RELATIONSHIP WITH MARK. Ayon pa kay Tanya, wala rin siyang nagiging problema sa pagsasama nila ni Mark.

"Mabait naman din kasi si Mark and very supportive din siya."

Matatandaan na noong naisapubliko ang relasyon nila nina Tanya at Mark ay may naging kakambal agad itong intriga. Marami rin ang nag-predict na hindi sila magtatagal.

Pero matapos nang limang taong pagsasama—at last year nga ay nagpakasal na rin sila—nandoon ba yung pakiramdam na vindicated na sila sa mga humulang hindi sila magtatagal?

"Well, siyempre, yung sa tagal, hindi naman, kasi five years pa lang naman kami.

"Sabi nga nila, may seven-year itch pa na tinatawag.

"Pero sa ngayon talaga, sobrang happy talaga ako with my life, with my husband. Super happy talaga.

"Si Mark kasi, he has changed me," saad niya.

Nabago rin ba niya si Mark?

"I think so. In some ways...

"Ganoon talaga siya. Mabait siya. Maasikaso.

"In some ways, I think nakatulong din ako sa pagbabago niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Siyempre noon, single pa siya, marami pa siyang mga, you know...

"Pero ngayon, siyempre, kailangan ako lang!" natatawa niyang sabi.

SHOWBIZ CAREER. Wala rin daw problema kay Mark kung hindi pa rin maiwan-iwanan ni Tanya ang showbiz, tulad nga ngayon na kasama siya sa drama series na Ikaw Lang Ang Mamahalin, bilang ina ni Barbie Forteza.

Okay lang ba sa kanya na gumanap na ng mother roles?

"Oo naman," sambit ni Tanya.

"Mother na naman talaga ako, at saka bago naman ako nawala, nagma-mother role na rin naman ako.

"Actually, naging part pa ako ng original na Ikaw Lang Ang Mamahalin.

"Nag-guest pa ako noon. Bago ako mag-Sana Ay Ikaw Na Nga."

Ang unang Ikaw Lang Ang Mamahalin ay tinampukan nina Angelika dela Cruz at Sunshine Dizon.

Nami-miss din daw kasi ni Tanya ang pag-arte. Pero aminado ang aktres na medyo nahirapan at nanibago siya sa mga first scenes niya sa taping.

"Ang tagal kong nawala. E, puro mga iyakan.

"So, humingi naman ako ng sorry sa director namin.

"Although, siya rin naman, si Direk Roderick Lindayag, nag-a-adjust din, kasi first directorial job niya ito, kung saan siya ang main director.

"Pero habang tumatagal naman ang taping, okay na."

Isang Viva talent si Tanya. Pero, iniiwasan nga ba niya ang pagtanggap ng full-length soap kaya mas mga guesting ang tinatanggap niya?

Paliwanag niya, "Kasi usually ngayon, ang mga soap, especially yung mga prime soap, sa gabi, three times a week ang taping.

"Pero kung minsan, nagiging four times a week.

"E, hindi ko kaya yun, kasi nga, dalawa na po ang anak ko, at sinabi ko naman yun sa Viva.

"If ever, sana yung mga twice a week lang. Okay naman po.

"Noong nag-offer sila, actually tatlo po yung soap na yun.

"Yung dalawa, primetime, so three to four times ang taping.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ito po [Ikaw Lang Ang Mamahalin] yung talagang pumasok sa schedule. Kasi, twice a week lang.

"Pero minsan, nagta-thrice din po kasi naghahabol na. Pero yun naman po ang okay sa akin.

"Siyempre po kasi, nag-aaral na si Mischa at magwa-one year na si Mattie."

DINGDONG’S FORMER LEADING LADY. Si Tanya ang isa sa unang naka-loveteam ni Dingdong Dantes sa GMA-7.

Nagkatambal sila sa Sana Ay Ikaw Na Nga at Twin Hearts, na parehong naging matagumpay.

Pero masaya raw si Tanya kapag nakikita niya ngayon si Dingdong at ang pagki-click din ng loveteam nito with real-life girlfriend Marian Rivera.

Nagkasama na rin sina Tanya at Marian sa isang proyekto noon, ang Super Twins.

Naging close ba sila ni Marian habang ginagawa nila ang naturang fantaserye?

Ani Tanya, "Nagkakausap kami, nagkakasama, pero hindi close. Kasi, I think sandali lang ako sa Super Twins.

"I think, one month pa lang, tapos I got pregnant, so umalis na po ako.

"Pero nag-guest ako sa Amaya, isa akong diwata.

"E, si Marian, okay naman. Okay naman kami niyan," sabi niya.

Noon bang nagkasama sila ni Dingdong bilang magkapareha ay hindi sila nagka-inlaban?

"Hindi talaga! Close lang kami.

"At saka, pareho kaming committed noon.

"Kung wala siguro... Joke lang!" tawa niya.

Dugtong niya, "Pero alam n’yo, si Dingdong actually ang nagpakilala sa boyfriend ko noon. Although he died na.

"Pinamigay ako ni Dingdong, ’di ba? So, wala po talaga!" natatawa niyang sabi.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN