Gardo Versoza reveals reason why he will never settle down

"Siguro, parang yung sa mga bata. Kaya ayoko ng kids. Iba na ang generation ngayon sa generation ko noon. Kumbaga, iba ang tigas ng ulo ng mga bata ngayon. So, feeling ko, kapag nagkaanak ako, hindi rin siya mag-e-enjoy. Ang mangyayari, parang iba-box ko lang yung bata. Ayokong maging unfair sa bata. Isa yun sa pumipigil kaya hindi ko rin gustong magkaroon ng pamilya," says Gardo Versoza when asked about his reason for not wanting to get married.


Bagamat isang kontrabida ang role ni Gardo Versoza sa epicserye na Amaya, bilang Rajah Mangubat, marami pa rin ang nagulat at nalungkot nang mamatay siya rito.

Nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Gardo sa press conference ng Ikaw Lang Ang Mamahalin last October 4, sa Windmills and Rainforest restaurant, nasagot ang katanungan kung bakit kinailangan nang patayin ang kanyang character sa Amaya.

"Nalungkot din," panimula ng magaling na aktor patungkol sa pagkawala ng role niya sa Amaya.

"Actually, nakaka-in love kasi ang role ni Rajah, e.

"And like, parang bihira yung ganoong pagkakataon na may nagagampanan kang ganoong klaseng role."

Wala raw ideya si Gardo kung talagang hanggang doon lang ang buhay ng character niya sa Amaya, o na-cut short na lang para magbigay-daan sa kanyang bagong proyekto, ang Ikaw Lang Ang Mamahalin.

Aniya, "Hindi ko rin alam actually ang totoong dahilan.

"Ang sabi kasi nila, like sa story, kailangang gumalaw ng ibang character kaya kailangan mawala muna si Rajah."

MORE THAN MACHETE. Napamahal daw kay Gardo ang role niya as Rajah Mangubat dahil lumikha rin ito ng impact sa mga manonood.

"Kung ano ang feeling sa Machete dati, feeling ko kay Rajah, mas na-surpass pa sa Machete.

"Kasi, iba talaga ang ginagalawan niya [Rajah Mangubat]. Like, mero’n talagang following. May authority.

"Yung mismong pagpo-portray sa role, yun ang nakaka-miss.

"Tulad nga ng sinabi ko, hindi madalas na nabibigyan ng ganoong pagkakataon.

"Bukod pa sa masaya ang set ng Amaya," saad niya.

VERY SUDDEN. Medyo nabitin lang daw si Gardo sa naging labanan nila ni Marian Rivera nang mamatay na siya, at nasunod na nga ang tagna, o tadhana, kay Amaya (Marian). Si Amaya ang siyang papatay kay Rajah Mangubat.

"Nasabi ko nga yun kay Marian. Sabi ko, ’Parang bitin yung engkuwentro namin.’

"Sabi ko, ’Nabi-visualize ko na sobrang hirap ang pagdadaanan namin bago kami magkapatayan.’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"So, feeling ko, nagipit na lang ako nang husto kaya niya ako napatay."

SO UNLIKE RAJAH MANGUBAT. Mula sa pagiging kontrabida sa Amaya, napakabait naman daw ng character ni Gardo ngayon sa Ikaw Lang Ang Mamahalin.

"Malayung-malayo ang character nito doon sa Rajah [Mangubat].

"Yung character ko, yung ginampanan ni Tito Eddie Gutierrez sa original na version."

Hindi raw niya napapanood pa ang original na Ikaw Lang Ang Mamahalin, na tinampukan nina Angelika dela Cruz at Sunshine Dizon.

"Si Tito Eddie kasi, may tatak na sa kanya [yung character].

"Kaya ako, hindi ko rin pinanonood ang original para hindi rin... kasi, feeling ko, kapag pinapanood [yung original], nagkakaroon ng [tendency na] matulad.

"Puwera lang noong ginawa ko yung Kung Mahawi Man Ang Ulap.

"Dahil si Eddie Garcia naman [ang gumanap ng role na ginawa ko], pinanood ko naman yun para hindi mapareho naman.

"So, case to case basis. Minsan pinapanood mo siya para yung atake mo, hindi maging kapareho.

"Minsan naman, hindi mo pinapanood para hindi ka sumakay sa peg niya," paliwanag niya.


BACHELOR FOREVER? Hindi itinatanggi ni Gardo ang edad niya. Siya ay 42 years old na.

Pero aminado rin ang aktor na wala talaga sa bokabularyo niya ang pagpapakasal.

Inamin din ni Gardo na halos sampu na raw ang kanyang anak.

Hindi nga niya masabi ang eksaktong bilang ng mga anak niya.

"Hindi ko na alam. Mga nanay lang ang nakakaalam, e.

"Hindi naman lalagpas ng sampu. Mabibilang mo naman," sabi niya.

Pero kilala niya ang lahat ng mga anak niya?

"Yung iba, kilala ko. Yung iba, hindi ko alam kung nagpapanggap lang.

"Kasi, hindi mo naman alam. Para in fairness sa bata, huwag mo na lang anuhin [itatwa].

"Kaya ang sinasabi ko, ang makakapagbigay katotohanan lang naman, yung mga nanay-nanay nila."

Ayon kay Gardo, wala raw talaga siyang hilig sa bata.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Siguro, isa rin yun sa dahilan kung bakit wala akong drive na mag-asawa.

"Wala akong hilig sa bata.

"Noong mga nakaraan kasi, yun ang [time na] hindi ka pa maingat. Masyadong mapusok."

Nasa 20-plus na raw ang pinakapanganay niyang anak. Nasa Seiko Films pa raw siya noong ipanganak ang kanyang panganay.

Wala rin daw siyang masasabing pinakamalapit sa kanya sa mga anak.

"Malapit akong talaga sa nanay ko. Kaya parang minsan, yun ang sinasabing dahilan kaya hindi [ako] nakapag-asawa.

"Pero, like noong namaalam na si Nanay [Baby Polintan], hindi pa rin, e.

"Hindi ko pa rin naramdaman na ano [kailangan ko nang mag-asawa].

"So, mahirap pilitin."

Ayon pa kay Gardo, alam na rin naman daw ng mga nagiging girlfriend niya na ganoon na siyang talaga.

"Mahirap para sa akin. Mahihirapan na sa akin na panindigan yung [salitang] loyal and faithful.

"Somewhere along the way, may mga side trips yun. So, ayokong kainin yung mga ipapangako ko."

FOLLOWING DOLPHY’S FOOTSTEPS? Naisip tuloy naming itanong kay Gardo kung iniidolo ba niya ang King of Comedy na si Dolphy, na halos gano’n din ang pananaw noong kabataan nito.

"Hindi. Hindi naman. Hindi ko lang talaga nararamdaman.

"So, mahirap pilitin. Mahirap i-impose sa sarili ko," sagot niya.

Ano sa tingin niya ang pinanggagalingan ng pag-ayaw niya sa pagpapakasal?

"Siguro, parang yung sa mga bata. Kaya ayoko ng kids.

"Iba na ang generation ngayon sa generation ko noon. Kumbaga, iba ang tigas ng ulo ng mga bata ngayon.

"So, feeling ko, kapag nagkaanak ako, hindi rin siya mag-e-enjoy.

"Ang mangyayari, parang iba-box ko lang yung bata. Ayokong maging unfair sa bata.

"Isa yun sa pumipigil kaya hindi ko rin gustong magkaroon ng pamilya."

Hindi kaya takot lang siya sa obligasyon?

"Hindi, e. Kasi, like sa aso ko, sampu ang aso ko. Mas mahirap alagaan ang aso.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Like sa tao, habang lumalaki, alam mo ang nagiging problema.

"Yung mga pets kasi, hindi, e. Parang pinapakiramdaman mo lang."

Natawa siya nang sabihin naming kakukumpara lang niya ang tao sa aso.

"Siguro case to case basis lang talaga. May mga tao talaga na ayaw ng ganoon.

"Sa akin kasi, i-enjoy ninyo, and then you learn sa relationship. I-maximize ninyo."

GROW OLD ALONE? Kung wala siyang pamilya, sino ang makakasama niya sa kanyang pagtanda?

"Actually, maraming nagsasabi no’n.

"Pero kung ganoon ka-solid ang faith mo, feeling ko, hindi ko naman mapapabayaan.

"At ayokong gawing dahilan na kaya ka lang kukuha ng partner, para gawin mong private nurse.Or kaya lang ako mag-aanak para pagdating ng araw, siya ang titingin sa akin.

"E, what if maging adik yun? Mapariwara, hindi ka tingnan, hindi ka bantayan, di ba?

"Siguro sa akin, it’s better, you expect the worse and work out for the best," pagwawakas ni Gardo.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN