PEP EXCLUSIVE: Kris Bernal admits she already feels "love" for singer Jay Perillo

"Kasi ano, e, sobra siyang mag-alaga," says Kris Bernal, when asked why she now feels love for singer Jay Perillo.


Binisita ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang taping ng dance-seryeng Time of My Life sa Studio 7 ng GMA Network kahapon, October 6.

Ang seryeng ito na napapanood sa primetime ay pinagbibidahan nina Kris Bernal, Mark Herras, at Rocco Nacino.

Kasama rin dito ang iba pang young stars ng network na sina LJ Reyes, Ryza Cenon, Sarah Lahbati, Steven Silva, Sef Cadayona, at Diva Montelaba; pati na ang mga veteran actors na sina Jean Garcia, Cherie Gil, Raymond Bagatsing, at Emilio Garcia.

RELATIONSHIP STATUS. Sa exclusive interview ng PEP kay Kris, ang female lead na si Shane ng Time of My Life, inalam namin ang lagay ng puso niya ngayon.

"Painful!" sagot niya at bigla siyang natawa.

Pero bawi niya, "Charot!

"Hindi, ano naman, okay naman."

At dito na niya binanggit ang binatang nagpapasaya ng puso niya ngayon.

"Si Jay, Jay Perillo, a... exclusively dating."

Kumusta naman sila ni Jay?

"Okay naman, masaya naman na do’n na muna kami.

"At saka... kasi wala ding time ngayon, e."

Kung si Kris ay abala sa Time of My Life, si Jay naman ay regular na napapanood sa Party Pilipinas at Comedy Bar.

Paano sila nakakahanap ng oras kung parehong busy ang schedule nila?

"Oo, nakakaloka talaga!" bulalas ni Kris.

"Hindi ko na nga alam, e.

"Alam mo ba yung show namin, binabansagan nilang ’No Time For Your Life?’

"Talagang alam mo ’yon—uwi ka, ligo ka lang. Gano’n lang ang uwi mo.

"Ano naman yung time namin... siya minsan dumadalaw siya sa taping, nagdadala siya ng pagkain.

"Pero since ang dami ko kasing eksena, minsan na lang mangyari yun, e—dumalaw siya sa taping.

"Pag dumalaw naman siya na marami akong eksena, hindi naman ako makapag-focus masyado.

"Baka hindi ako makaiyak dahil masaya ako, di ba?" sabay tawa ni Kris na kinikilig pa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

THERE IS LOVE. Mahal na ba ni Kris si Jay? May love na bang kasama ang pagtingin niya sa singer?

"May love na, may love na," pag-amin naman ng StarStruck 4 winner.

Pero paglilinaw niya, "Pero not... hindi pa siya yung love na parang kaya kong pagsabayin siya [love for Jay] at yung love ko sa career ko.

"Parang hindi pa gano’n yung love ko, pero mahal ko siya dahil napakabait niya sa akin."

Ano ang unique character ni Jay kaya minahal niya ito?

"Kasi ano, e, sobra siyang mag-alaga," sagot niya.

"Kahit simpleng bagay lang, e, yung kunwari sasabihin ko nagke-crave ako sa ganito, sa ganitong cake, sa ganitong drink—makikita mo, nagpadala na sa ’yo sa taping, gano’n.

"Tapos yung itong ahm... kahit ambon lang, sabi ko, ’Ano ba? Wala naman, e, wala naman.’

"Ano talaga siya, tatanggalin niya yung jacket para sa ’yo, gano’n. Gano’n siya.

"Tapos pag maraming tao... katulad nung Miley Cyrus na concert, pumunta kami. Nagkakagulo yung mga tao dahil may dumaang artista, ganyan.

"Ano niya talaga ako, kapit, yakap-yakap niya talaga ako.

"Tapos yung, parang, hindi naman sila masyadong... Basta parang gano’n siya kaalaga, sobrang alaga niya."

MEET THE PARENTS. Na-meet na ba nila ang pamilya ng isa’t isa?

"Opo, na-meet ko na yung family niya," sabi ni Kris.

"Okay naman, walang problema.

"Sobrang love ko yung family niya, kasi ang bait nila sa akin.

"And pag nakikita nila kami ni Jay, parang masaya sila sa akin, ganyan-ganyan. Kinukuwentuhan nila ako.

"Para bang masarap ang treatment ng pamilya niya sa akin, parang family na rin yung tingin nila sa akin."

Ganun din ba ang trato ng pamilya ni Kris kay Jay?

"Oo naman, okay naman din.

"Pero, siyempre, minsan, pag ano, pag sa bahay, siyempre time din with family.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"So, minsan yung time ko with family, yun yung mas lamang kaysa yung time with Jay.

"Pero okay naman, talagang... sabi naman ng mommy ko, inaalagaan talaga ako ni Jay.

"Nakikita naman ng mommy ko, basta alam ko yung mga limitations ko, and pag yung right time na dumating... do’n lang.

"At siya una makakaalam no’n, yung mommy ko," sabi ni Kris, na ang ibig sabihin ay kung maging sila na ni Jay.

PANDAY 2. Kasama si Kris sa 2011 Metro Manila Film Festival (MMFF) entry na Panday 2, na pinagbibidahan nina Senator Ramon "Bong" Revilla, Iza Calzado, at Marian Rivera.

"Happy ako kasi kasama ako doon," sambit niya.

"Nakakatuwa naman po, kasi actually ito yung first Metro Manila Filmfest ko na sasama po ako.

"And ang ganda din po nung role na ’binigay po sa akin. Kapatid po ni Marian Rivera.

"And first time ko din... ano, maldita ako dito.

"Yung role ko po dito sa Panday, inggit ako sa kapatid ko, kasi nasa kanya lahat ng atensiyon, ganyan.

"So, lagi lang ako mataray dito, gano’n.

"First time ko ding gawin yun, kasi, di ba, lagi akong nakakaawa sa mga shows ko?

"Ngayon sa Panday, makikita nila na ako naman ang kontrabida."

Sa isang interview ng PEP kay Senator Bong, sinabi nitong lahat daw ng magaganda sa industriyang ito ay pinili niya para maging bahagi ng Panday 2.

Ano ang pakiramdam ni Kris na isa siya sa mga ito?

"Talaga? Di ko ’ata matanggap!" sabay hagikhik ng aktres.

"Pero siyempre, kung galing kay Senator Bong, siyempre nakakataba ng puso, di ba?

"Parang sa dami po ng kilala niya sa industriya na magaganda talaga, sa dami ng nakakasama niyang magaganda—so, parang isa ako sa mga gano’n.

"Di ko ’ata tanggap, pero salamat.

"Salamat kay Senator Bong, kasi napansin niya ako at na-recognize niya po ako."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN