Joyce Ching moves up to lead role in remake of Ikaw Lang Ang Mamahalin; reveals dream leading man aside from Kristoffer Martin

"Nakaka-pressure lang po na kailangang galingan ko. Kung anuman ang gawin ko, kailangang idoble ko pa po. Itriple ko pa po para mahigitan ang ginawa ni Ms. Sunshine Dizon. Kung hindi man, mapantayan ko man lang po," says Joyce Ching about reprising Sunshine Dizon’s role in Ikaw Lang Ang Mamahalin.


Pagkatapos ng supporting roles niya sa ilang palabas ng GMA-7, ngayon ay pinagkatiwalaan na ng network si Joyce Ching ng isang lead role.

Ito ay sa bagong afternoon soap na Ikaw Lang Ang Mamahalin, kung saan gagampanan niya ang role na unang ginampanan ni Sunshine Dizon.

Si Barbie Forteza naman ang gaganap sa role noon ni Angelika dela Cruz.

Bata pa raw si Joyce noong ipinalabas ang original version ng Ikaw Lang Ang Mamahalin noong 2001.

"Pero parang alam ko po, napapanood ko po siya before," sabi ni Joyce sa panayam sa kanya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa presscon ng Ikaw Lang Ang Mamahalin noong Martes, October 4.

Ano ang naging reaksiyon niya nang malamang kasama siya sa naturang afternoon series?

"Napa-wow po ako!" sambit ni Joyce.

"Noong in-offer din po nila ang project na ito, ang dami rin po nilang sinasabi na si Sunshine Dizon nga raw po, sobrang galing ng pagkaganap niya.

"Sobrang professional. Sa eksena, sobrang galing.

"Siyempre po ako, tatanggapin ko siya dahil trabaho ’to.

"Nakaka-pressure lang po na kailangang galingan ko.

"Kung anuman ang gawin ko, kailangang i-doble ko pa po. I-triple ko pa po para mahigitan ang ginawa ni Ms. Sunshine Dizon.

"Kung hindi man, mapantayan ko man lang po."

LOADED. Simula nang gumanap siya bilang batang Nadine Samonte sa dating primetime series na Endless Love (2010)—na pinagbidahan nina Marian Rivera at Dingdong Dantes—dire-diretso na ang mga proyekto ni Joyce sa Kapuso network.

Bahagi siya ng youth-oriented series na Tween Hearts, na nagkaroon ng spin-off movie na Tween Academy: Class 0f 2012.

Naging parte rin si Joyce ng dating afternoon soap na Koreana, at ngayon sa top-rating primetime series na Munting Heredera.

Pero kinailangan nang patayin ang mga karakter nila ni Kristoffer Martin sa Munting Heredera, dahil sa pagkakasali nila sa Ikaw Lang Ang Mamahalin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Sobrang natutuwa nga po ako," sambit ni Joyce tungkol sa mga sunod-sunod na proyekto niya sa Kapuso channel.

"Simula nang bumalik ako sa showbiz sa Endless Love, nagtuluy-tuloy na. Never akong nababakante.

"Kapag may Tween Hearts ako, meron din akong Monday to Friday palagi.

"Tapos, eto nga po, lead na."

Kahit 16 anyos pa lang siya, busy na talaga ang schedule ni Joyce. Halos araw-araw ay may taping siya.

Kaya tinanong namin siya kung nagagawa pa rin ba niyang i-enjoy ang kanyang kabataan.

Sagot ni Joyce, "Ako naman po, nagagawa ko pa rin naman pong i-enjoy.

"Nag-e-enjoy naman po ako sa taping at kapag may free na oras po, talagang mall kaagad.

"Yun nga lang po, kapag nagmu-mall, may mga nagpapa-picture.

"Siyempre po, hindi ka naman po pwedeng humindi kasi public figure ka na po. Pag-aari ka na rin po ng mga tao.

"So, ’yun lang po, kapag nagmu-mall, parang nauudlot po."

STILL WITH KRISTOFFER. Masaya si Joyce na sila pa rin ni Kristoffer ang magkapareha ngayon sa Ikaw Lang Ang Mamahalin.

"Nakakatuwa na siya po muli ang kasama ko. Kasi po, hindi pa rin kami magkakahiwalay.

"Happy po ako na kami pa rin ang magka-partner, sobra po," sabi niya.

Pero tulad ni Kristoffer, consistent din si Joyce sa pagsasabing hindi pa talaga sila ng kanyang ka-loveteam.

"Hindi pa po talaga kami. Wala po talaga. Promise.

"Kapatid-kapatidan, loveteam. Ganoon lang po talaga," diin niya.

Hindi pa sila, pero umamin si Kristoffer sa hiwalay na panayam sa kanya ng PEP na nagseselos ito minsan sa mga nakapalibot kay Joyce. (CLICK HERE to read related story.)

Bakit may ganoon?

"Hindi naman po selos, tampo lang," paglilinaw ni Joyce.

"Siguro po kasi, kaming dalawa, dahil sanay na kaming palaging magkasama, parang sanay na rin po na kaming dalawa ang palaging magkausap.

"So, parang nakakatampo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Madalas kasi, kapag may kinausap na iba ang isa, yung isa naman, wala nang kausap."

DREAM LEADING MAN. Maliban kay Kristoffer, may isa pa raw Kapuso actor na gustong makapareha ni Joyce.

"Si Rocco Nacino po," nakangiti niyang sambit.

Bakit si Rocco?

"Nagguguwapuhan po kasi ako sa kanya. Malakas ang dating niya," sagot ni Joyce.

Biro naman namin kay Joyce, alam ba ni Kristoffer na may ganoon siyang pagtingin kay Rocco?

"Hindi po!" natatawa at mabilis niyang pag-amin.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN