Vaness del Moral lives three houses away from boyfriend Biboy Ramirez, denies report that they’re living together

"Ewan ko, pero mas kumportable na kasi ako dito sa network ko, e, sa GMA. So, parang feeling ko, pag lumipat ako ng ibang station, parang maninibago na naman ako, panibagong adjustments. Tapos, bago na naman yung mga taong makakasama ko, yung ganun. Masaya naman ako sa binibigay sa aking project, e, tsaka kung nasaan ako ngayon, masaya ako," says Vaness del Moral.


Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Vaness del Moral sa Futbolilits taping sa isang village sa Cainta last Wednesday, October 5.

Kinumusta muna namin kay Vaness ang boyfriend niya of more than two years na si Biboy Ramirez.

Hindi pa ba sila nagpaplanong magpakasal?

"Wala pa. Hindi pa, as in hindi pa," sagot niya.

Bakit nabalitang nagli-live in na sila?

"E, siguro dahil magkatabi lang yung bahay namin sa Project 4.

"Kasi, ’di ba, na-Ondoy ako two years ago? So, naghanap ako ng bahay na hindi na mao-Ondoy, na apartment.

"E, ang nahanap namin, three houses apart [sa bahay ni Biboy], so iyon.

"Bale, bahay nila, tapos one, two, three, tapos yung apartment," paglilinaw ni Vaness.

Hindi sinadya?

"Hindi, hindi sinadya," diin ng StarStruck alumna.

"Nagkataong iyon yung available, pero naghanap pa kami sa iba.

"Pero wala na talaga, so iyon na lang."

Sinabi rin ni Vaness na hindi raw nakikitulog si Biboy sa tinitirhan niya and vice versa.

"Nakiki-Internet ako sa kanila, pero hindi ako nakikitulog."

FUTBOLILITS. Last taping day na ngayong araw, October 7, ng Futbolilits—ang early primetime series ng GMA-7 na nagtatampok kina Raymart Santiago at Jennylyn Mercado kasama ang ilang child stars.

Kumusta ang naging bonding nila sa show?

"Dito sa Futbolilits, ang daming mga bata, mga bagets! Kaya sanay na sanay na ako sa kulitan ng mga bagets.

"Kami ni Jen [Jennylyn Mercado], bihira kaming magkasama sa set, e.

"Pero okay naman kami kasi magkasama kami dati ni Jen sa Ikaw Sana.

"Tapos, sina Paolo [Contis], sina Kuya Raymart [Santiago], sina Kuya Benjie [Paras], ayan, nag-bonding rin kami."

May follow-up show na si Vaness pagkatapos ng Futbolilits—ang Kokak na pagbibidahan ni Sarah Lahbati.

NETWORK TRANSFER. Tinanong din ng PEP si Vaness kung hindi ba siya nao-offer-an na lumipat sa ibang network.

"Hindi pa naman, pero may contract ako, e. Kaka-sign ko lang sa GMA, so may six years pa ako."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang ka-batch ni Vaness sa StarStruck 3 na si Arci Muñoz ay nasa TV5 na. Ngayon ay isa na sa itinuturing na prinsesa ng Kapatid network si Arci.

Hindi ba naisip ni Vaness na lumipat din?

"Hindi naman," sagot niya.

"Diyan lang siya nakatira, sa kanto.

"Tapos, pinuntahan ko siya one time sabi ko sa kanya, ’O, kumusta ka na?’

"Sabi niya, okay lang, sabi niya, ’Ate Vanny, lipat ka na!’

"Sabi ko, ’Ayoko nga!’

"’Sige na, lipat ka na!’ sabi niya sa akin.

"Sabi ko, ’Ayoko! Nakapirma ako ng kontrata six years,’ sabi kong ganun.

"Sabi niya, ’E, di after nun, lipat ka na.’

"Sabi ko, ’Ayoko pa rin!’"

Kahit noon daw na wala siyang pirmadong kontrata ay ayaw umalis ni Vaness sa GMA-7.

Kuwento niya, "One year akong hindi nakapirma ng kontrata sa GMA, nung ginagawa namin yung Dwarfina.

"Pero hindi ako umalis, naghintay lang ako.

"Tapos, binigay nila yung Dwarfina sa akin. Hindi ako nakapirma ng kontrata."

What if may offer na malaki ang ibang network?

"Ewan ko, pero mas kumportable na kasi ako dito sa network ko, e, sa GMA.

"So, parang feeling ko, pag lumipat ako ng ibang station, parang maninibago na naman ako, panibagong adjustments.

"Tapos, bago na naman yung mga taong makakasama ko, yung ganun.

"Masaya naman ako sa binibigay sa aking project, e, tsaka kung nasaan ako ngayon, masaya ako.

"At saka masaya ako para sa sa mga co-StarStruck ko na desisyon nilang lumipat ng ibang station."

SEXY PICTORIAL. Naitanong din ng PEP kay Vaness kung nakapag-pictorial na siya for FHM magazine.

"Hindi pa po. In-offer-an ako dati, pero hindi ko tinanggap.

"Ayoko, ayoko. Hindi ko alam, ayoko talaga, kahit before pa, ayoko talaga," aniya.

Wala naman daw nagbabawal sa kanya. Kahit si Biboy ay hindi siya pinagbabawalan.

"Ako, ayoko, ayoko talaga. Hindi ko po alam, basta ayoko po.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Matagal na talagang may offer, pero ayoko talaga."

Marami naman ang nanghihinayang dahil seksi pa naman daw si Vaness.

Pero aniya, "E, marami namang way para maging seksi, e.

"Hindi kailangang naka-two piece ka or magpakita ka ng skin para sabihin na seksi ka."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN