Aiko Melendez on the chances of reconciling with ex-husband Jomari Yllana: "Ilang percent? 80 percent."

Boy Abunda interviewed actress-politician Aiko Melendez last night October 7 on the ABS-CBN news program, Bandila.

There was one question from Aiko’s son, Andrei, with Jomari Yllana: Pa-ask naman kay Mama, kung ilang percent ang pag-asang magkabalikan pa sila ni Dada?

Her answer: "Ano ba yan? Nakakaloka si Andrei. Ilang percent? 80 percent."


Kilala si Aiko Melendez bilang isa sa mga palabang babae sa showbiz. Pinatunayan niya nga ito sa matapang na pagharap niya sa iba’t ibang isyung itinanong sa kanya ni Boy Abunda sa live interview niya para sa "Ikaw Na" segment ng late night news program ng ABS-CBN, ang Bandila, na napanood kagabi, October 7.

Bago nagsimula ang tanungan ay binati muna ni Boy si Aiko sa pagkaka-extend ng airing hanggang sa susunod na taon ng kinabibilangan nitong afternoon soap sa Kapamilya Network, ang Reputasyon, na pinagbibidahan ni Cristine Reyes. Ginagampanan ni Aiko ang kontrabidang si Catherine Villamayor.

“Maraming-maraming salamat po sa lahat ng Kapamilya natin na sumuporta sa Reputasyon. Abangan n’yo, hanggang next year pa po ang [serye],” bungad na pasasalamat ni Aiko.



CONTROVERSIAL LOVE LIFE. Kakabit na ng pangalan ni Aiko ang pagiging kontrobersiyal lalo na sa usaping may kinalaman sa kanyang love life. Ano sa tingin niya ang dahilan?


“I’m irresistible! Joke!” sabay tawa ng malakas ni Aiko.


After her failed marriages, mag-aasawa ba siya ulit?


“Yes, why not? I’m still young.”


So, hindi pa siya nawawalan ng tiwala sa pag-ibig?


“Habang may buhay, dapat hindi ka nawawalan ng pag-asa.”


Nabawasan na ba ang kanyang tiwala sa mga lalaki?


“Hindi, never.”


Deretsahan, open ba siya sa lesbian relationship?


“No. Natawa ako.”

Kontrobersiyal ang naging pakikipaghiwalay ni Aiko sa dalawang lalaking pinakasalan niya–ang kanyang unang asawa na si Jomari Yllana at ang second husband niyang si Martin Jickain.

Maging ang kanyang huling relasyon kay Bulacan, Bulacan Mayor Patrick Meneses ay nauwi rin sa hiwalayan at nabahiran pa ng intriga dahil umabot pa ito sa demandahan nang mag-file ng kasong libel ang alkalde laban kay Aiko.

Dahil daw ito sa umano’y paninirang-puri at pagiging mastermind daw ni Aiko sa pagpapakalat ng tsismis na kumukuwestiyon sa kasarian ni Patrick.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


Kaya naman naitanong ni Boy kay Aiko: After three failed relationships, what’s wrong with you?


“What’s wrong with them, no!” sambit ng aktres.


Very strong ang kanyang personality. Kaya ba niyang manligaw sa lalaki?


“Kaya nga ako naging babae, Tito Boy, para sila ang manligaw sa akin, no! Hindi!”


She’s a very strong woman. Saan siya mahina?


“Sa pag-ibig.”


Tanong pa ni Boy: Artista, ina, anak–who are you first?


“Anak.”


SHOWBIZ AND POLITICS. Bukod sa pagiging artista, pinasok din ni Aiko ang pulitiko. Tatlong termino siyang nahalal at nagsilbi bilang konsehal sa second district ng Quezon City. Pero natalo siya noong May 2010 elections nang tumakbo siya bilang vice mayor ng naturang lungsod.

Babalik pa ba siya sa pulitika?


“Sa ngayon hindi ko pa alam. Pero hindi ko isinasara yung pintuan ko.”

What is it about politics na pinakaayaw niya?

“Yung bulok na sistema.”

Compare politics and show business?

“Parehong may kaguluhan. Pero ang kaibahan lang ng pulitika, minsan pera-pera ang usapin. Sa show business naman, kung wala kang prinsipyo igi-give up mo lahat ng moral values mo.”

What do you love most about being an actress?

“The glamour.”

What do you love most about being a public servant?

“Nakakatulong ako sa karamihan ng mga tao.”

Gaano kahirap magpapayat?

“Sobra! Alam ni Karen [Davila, co-anchor ni Boy sa Bandila] yan kung gaano kahirap dahil siya ang sumbungan ko.”



QUESTIONS FROM FAMILY & FRIENDS. Ang sumunod na tanong ni Boy para kay Aiko ay galing sa mga taong malapit sa puso ng aktres.


Mula kay Andrei Yllana na anak ni Aiko kay Jomari: Pa-ask naman kay Mama, kung ilang percent ang pag-asang magkabalikan pa sila ni Dada?

“Ano ba yan? Nakakaloka si Andrei. Ilang percent? 80 percent.” ang sagot ni Aiko.

Mula sa kaibigan niyang si Candy Pangilinan: Where is your heart and passion?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“My heart belongs to my family. Sila ang rason kung bakit ako patuloy na nakikipaglaban. But my passion talaga is in acting.”

Mula sa kaibigan niyang si Gelli de Belen: If you could go back to a time or event in your life to change something you said or did, when was the time and what would you do differently?

“I will never change anything because I would not who I am today kung may babaguhin ako.”

Mula pa rin kay Gelli: Who is the person in your life to whom you are most thankful for, aside from your children?

“I’m thankful to my mom and my dad.”



WHAT’S IN A NAME? Sumunod naman ay nagbanggit ng pangalan ng mga tao si Boy at sasabihin ni Aiko ang unang bagay na pumasok sa kanyang isipan.

Martin Jickain—“Ay, binigyan niya ako ng magandang anak [Marthena].”

Jomari Yllana–“Umaasa siyang makipagbalikan sa akin.”

Andrei–“He’s my pride and joy.”

Candy Pangilinan–“My best friend.”

Gelli de Belen–“Yan ang nanay ng grupo namin ni Carmina.”

Carmina Villaroel–“Very malambing.”

Kung ikaw ay isang bulaklak, ano ka?

“Kampupot.”

Bakit?

“Because alam kong magbu-bloom pa ako. At kapag nag-bloom pa ako, iyan ang abangan n’yo.”

Ten years from now, nasaan si Aiko Melendez?

“Nandito pa rin ako sa industriya, umaarte at nagbibigay ng kaligayahan sa mga manonood.”

Kung meron siyang artista na gustong makaeksena ng one-on-one sa kanyang buhay artista, sino ito at bakit?

“Nakaeksena ko na kasi si Ate Vilma [Santos]...Ang hindi ko pa nakakaeksena si Ate Guy [Nora Aunor].”

Sino ang pinakaguwapong artista sa kasalukuyan?

“Local? Tingin ko si Jason Abalos, kasama ko siya sa Reputasyon. Pero walang malisya yun ha,” depensa agad ni Aiko.

Pinakamagandang babae?

“I’ll go for Cristine Reyes.”

Huling katanungan, dalawang lalaki na lang ang natitira sa mundong ito, hypotethical. Isa sa kanila ay dapat pakasalan mo. Sino ang pipiliin mo – Jomari Yllana o Martin Jickain?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Si Jomari. Kasi si Martin, may babaeng magagalit sa akin. Si Jom kasi hindi siya taken.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN