Karla Estrada not afraid of Twitter fight with fans of Barbie Forteza: "Puwes e di...e wala naman akong Twitter, e!"

Kontrabida ulit si Karla Estrada sa serye na Ikaw Lang Ang Mamahalin. Aapihin niya dito sina Barbie Forteza (na gumaganap bilang Mylene/ Katherine) at Joyce Ching (sa papel naman ni Clarissa). Hindi daw siya natatakot na baka awayin siya ng mga fans ng female tween star sa Twitter dahil wala nga siyang Twitter account.

"Yehey, wala akong Twitter!" sabay tawa ni Karla.


"Super salbahe!" ang sagot ni Karla Estrada nang tanungin tungkol sa role niya bilang si Loida sa Ikaw Lang Ang Mamahalin.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Karla sa presscon ng naturang drama series ng GMA last Tuesday, October 4, sa Windmills and Rainforest restaurant sa Quezon City.

Sa Alakdana project ni Karla bago ang Ikaw Lang Ang Mamahalin ay kontrabida rin ang role niya.

"Oo, salbahe din ako doon. Pero mas salbahe ako dito [ILAM], mas grabe kasi talagang salbaheng-squatter. Sa Alakdana super-mayaman. So dito mas nae-express ko kasi ang sarap bitawan yung mga salitang squatter, yung ’Ano, pipi, pipi?! Hindi makasagot? Pipi tayo?!’ Yung ganun.

"Gusto ko kasi parang iyon din ang sinasabi ko sa mga kuwentuhan namin ng mga friends ko e," tawa nang tawang kuwento ni Karla.

Ang aapihin niya sa ILAM ay sina Barbie Forteza (na gumaganap bilang Mylene/ Katherine) at Joyce Ching (sa papel naman ni Clarissa).

"Kasi si Barbie mapupunta din sa bahay namin, isasama ni Joyce. Si Joyce sa akin siya lumaki kaya naging salbahe. Pero sa akin, mabait siya at first, so ngayon si Barbie naging kaibigan niya, naglayas si Barbie, parang ganun. Napunta sa bahay namin, pinatira niya so may impluwensiya ng konti.

"Mapupunta sila sa bahay so...ang gawain ko e turuan silang magnakaw. Ngayon si Barbie medyo umaarte kaya bugbog-sarado siya sa akin. E, si Joyce marunong na pumitik, si Barbie medyo mag-aaral-mag-aaral."

Hindi ba siya natatakot na baka magalit sa kanya ang mga fans ni Barbie?

"Baka...isa, dun effective nga ako, pangalawa, hindi naman, nagga-ganun...ganun pa ba ang mga fans ngayon?"

Baka awayin siya ng mga fans ng female tween star sa Twitter or sa personal kapag nakita siya...

"Puwes e di...e wala naman akong Twitter, e!" sabay tawa ni Karla. "Yehey, wala akong Twitter!

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Hindi, hindi. Alam nila yun, tsaka I’m sure si Barbie na mismo ang magtatanggol sa akin at magpapaliwanag sa mga fans niya.

"Dahil sa taping sobra kung harutin ako ng dalawang yun [Barbie at Joyce], walang ginawa yung dalawang yun kundi humarot sa akin sa taping.

"Humarot, tumawa, kahit nagte-taping na...minsan muntik na kaming mapagalitan, e.

"Kasi pinapagalitan ko kunwari yung dalawa, gumaganun-ganun ako, kailangang iiyak sila, e tumawa yung dalawa," kuwento pa ni Karla.

Mapapanood na ang ILAM sa Lunes ng hapon, October 10 na pinagbidahan rin nina Joshua Dionisio (as Sir Charles) at Kristoffer Martin (bilang Jepoy).

Nasa ILAM rin sina Sheryl Cruz (as Amara Luna), Gardo Versoza (as Ferdinand), Matet de Leon (as Ising), Ehra Madrigal (as Dr. Katrina), Ernie Garcia (as Badong), Maricar de Mesa (as Helena), Shirley Fuentes (as Racquel), Victor Aliwalas (as Rommel), Ella Cruz (as Brtiney), at si Ms. Carmen Soriano bilang Lola Senora.

Ang director ng ILAM ay si Roderick Lindayag.

Nag-aartista na ang anak ni Karla, ang sixteen year-old na si Daniel Padilla. Anak si Daniel (o DJ) ni Rommel Padilla na dating karelasyon ni Karla.

"E isa akong proud na ina at excited, halu-halo, actually nate-tense ako pag pinapanood ko siya. E natutuwa naman ako na may alam naman sa pag-arte si DJ."

Sino ang nagdesisyon na sa ABS-CBN maging contract star si DJ?

"Si Tito Dougs [the late talent manager Mr. Douglas Quijano], siya ang nagdala kay Daniel dun sa ABS two years ago. After two days, namatay ang Tito Douglas."

Member na ng Star Magic si Daniel ngayon.

"Kakapirma lang namin ng one-year contract."

Isa raw si Daniel sa sinuwerte mula nang nanlamig ang career ni Albie Casiño na diumano ay ama ng ipinagbubuntis ni Andi Eigenmann.

May mga projects ba na intended sana para kay Albie at napunta kay Daniel?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Hindi naman siguro. Kasi unfair naman yun kay DJ, di ba?

"Unfair naman yun sa anak ko na, na sabihin yun kasi I’m sure may kanya-kanya naman silang talento.

"Alam ko, two years ago si Daniel e, inaalagaan naman sa workshop ng ABS kaya alam ko na merong something para sa kanya. Nagkataon lang nung pumasok siya nangyari naman yung isyu kay Albie."

May advice ba siya kay Daniel pagdating sa pakikipag-relasyon? Lalo pa at ang kabataan ngayon ay mas agresibo.

"Oo! Lagi kong sinasabi sa anak ko na huwag magmadali dahil...sabi ko ’Anak, huwag kang magmadali, lahat yan darating pero hindi sa ganitong pagkakataon. Lalo na at maganda ang mga ibinibigay sa iyong pagkakataon ng network.

"’So i-embrace mo yun, i-value mo yun dahil hindi lahat...ang dami kakong nagbebenta ng kalabaw sa probinsiya para pumila, para maging artista.

"’Ngayon binigay sa iyo yan ng ganun-ganun lang aba, e, pangalagaan mo dahil kapag nawala yan at nawala ang tiwala sa yo ng network, tapos na ang maliligayang araw mo! Kaya huwag kang magmamadali.’"

Kumusta ang relasyon nina Rommel at Daniel?

"Okay lang! Magkasama sila the other day, nag-pictorial sila para sa isang magazine na father and son ang concept, parang ganun."

Kumusta ang relasyon ni Daniel sa "tiyuhin" nitong si Bebe Gandanghari? Naapektuhan ba si Daniel sa pagbabago ng pagkatao ng dating si Rustom Padilla?

"Hindi! Alam mo nakakatuwa kasi Padillang-Padilla ang anak ko, actually parang ako lang din yun, walang keber.

"Basta’t pamilya, walang...hindi makakarinig ang ibang tao ng pangit na salita, pamilya, e. Minsan nga natanong siya, ’Daniel, kumusta naman ang relasyon mo sa mga half-brothers and half-sisters mo?’

"Sabi niya ’Sa akin po basta’t kapatid, walang half-half! Kapatid, kapatid at okay kaming lahat,’" may pagmamalaki pang kuwento ni Karla tungkol sa kanyang anak.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN