Kuya Germs’ birthday wish: Good health so he can continue discovering new stars

"Good health, malakas na pangangatawan para magawa ko pa yung ginagawa ko ngayon," yan ang birthday wish ni Kuya Germs. "Katulad ng ginagawa ko noon sa That’s Entertainment, pagtulong sa mga kabataang gustong maisakatuparan ang pangarap na maging artista, na ginagawa ko ngayon sa mga kabataan sa Walang Tulugan."



Good health at malakas na pangangatawanan ang dalawang hiling ng nag-iisang Master Showman na si Kuya German Moreno sa kanyang pagseselebra ng kaarawan last Oct. 4, 2011 nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa kanyang radio program sa dzBB.



"Good health, malakas na pangangatawan para magawa ko pa yung ginagawa ko ngayon," ang sagot ni Kuya Germs.



"Katulad ng ginagawa ko noon sa That’s Entertainment, pagtulong sa mga kabataang gustong maisakatuparan ang pangarap na maging artista, na ginagawa ko ngayon sa mga kabataan sa Walang Tulugan.



"Yun lang naman ang role ni Kuya Germs e, ang tumulong sa mga gustong mag-artista na kinakikitaan ko ng potential, katulad ni Jhake Vargas na sa awa ng Diyos ay maganda ang itinatakbo ng career."

Bukod sa pagbi-build up ng mga baguhang artista, may iba pa bang wish si Kuya Germs sa birthday niya?

"Yung maipagpatuloy yung mga gusto kong ginagawa, katulad ng pagho-host ng sarili kong radio program [Walang Siyesta] at TV show [Walang Tulugan with the Master Showman].



"Yung shows ko kasi, nagbubukas ng pinto sa mga baguhang talent. May iba pa bang shows na nagibigay ng chance na mag-perform ang mga baguhan? Di ba wala? Yung show ko lang.



"Sana lang magtuloy-tuloy yung show ko, para mas marami pang kabataan ang matulungan ko."



Ilan sa mga kabataan na nabigyan na ng maraming shows bukod kay Jhake Vargas na regular na napapanood sa Party Pilipinas, Pahiram ng Isang Ina at Tween Hearts, ay si Hiro Magalona, na napapanood sa Tween Hearts at Iglot at may dalawang pelikulang gagawin sa Regal Films [Dead na Dead at Shake Rattle and Roll], at sina Rhen Escano, Teejay Marquez, Ken Chan, at John Miguel.



Hindi ba nami-miss ni Kuya Germs ang pag-arte? Nanalo siya nuong araw ng Best Supporting Actor award sa PMPC Star Awards For Movies.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



"Yun nga yung sinasabi ko sa GMA-7, na sana mabigyan din ako ng project na soap naman, kasi dun naman talaga ako nag-start bago ako naging host sa TV.



"Gusto ko talaga na makita naman ako ng mga tao na nagda-drama...Kaso nga wala pa, kaya naghihintay lang ako.



"May offer sa akin na gumawa ng indie film, pero hindi pa ako binabalikan ng kausap ko. Baka siguro may inaayos pa sila, if ever na bumalik sila, gagawin ko yung movie pero pag hindi, wait na lang ulit," aniya.

Kung may offer sa kanya lumipat sa ibang network, papayag ba siya?



"Hindi na, kasi noon marami ang nag-aalok sa akin na lumipat sa kanilang network, pero hindi ko tinanggap. Ngayon pa? Hindi na siguro.



"Iba kasi pag may loyalty ka sa network na nagbigay sa ’yo ng importansiya nung nagsisimula ka, ang network na kinagisnan mo. Siguro hindi na magbabago pa ang loyalty [ko] sa GMA-7, kumbaga ang puso ko ay certified Kapuso."



Si Kuya Germs lang ang tanging nakakagawa na pagsama-samahin ang mga Kapuso, Kapamilya at Kapatid network stars sa kanyang birthday celebration sa Walang Tulugan with the Master Showman.

"Happy at thankful ako kay Mr. M at sa handler nina Shaina [Magdayao] at John Lloyd [Cruz] at Piolo Pascual dahil pinayagan nilang mag-guest sila sa show ko. Nagpapasalamt din ako kay Noel Ferrer, Jun Lalin, Tita Annabelle Rama at kay Perci Intalan na pinayagang mag-guest si JC De Vera at ang ating nag-iisang Superstar na si Nora Aunor," ang sabi ni Kuya Germs.



"Nagpapasalamat ako at hindi pa rin ako nakakalimutan ng anak-anakan kong si Billy Joe Crawford na naghandog ng awitin kay Guy kasama si Jhake Vargas.



"At sa lahat lahat ng mga artistang pumunta at naki-party sa amin sa Walang Tulugan, maraming, maraming salamat!



"At sa Kapuso network, kila Ma’am Annette Gozon at iba pang taga- GMA Films na pumunta sa taping namin, maraming, maraming salamat. At sa mga big bosses ng GMA-7 maraming, maraming salamat!

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



"Abangan nila ang apat na linggo pang selebrasyon ng kaarawan ko sa Walang Tulugan, kung saan mapapanood nila ang iba pang mga espesyal na panauhin kong mga artista mula sa iba’t-ibang TV networks, " pagtatapos ni Kuya Germs.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN