Paolo Bediones is sports adviser of Team Socceroo

Paolo Bediones explains his love for football: "Kasi, bata pa ako, grade school pa lang ako ay passion ko na iyan, sobrang hilig ko. I was never excellent, pero I’ve always loved the sport. Hindi man competitive yung level ng paglalaro ko, enjoy na enjoy ako talaga sa football," he says.


Bukod sa pagiging busy as news anchor and TV host, madadagdag ang football sa pinagkaka-abalahan ni Paolo Bediones.

Siya kasi ang sports adviser ng football team na Team Socceroo Football Club na isa sa 28 teams na kalahok sa kasisimula pa lamang na UFL o United Football League na nasa ikatlong season na this year. Nagbukas kahapon, October 8 ang naturang liga sa Rizal Memorial Stadium sa Manila at ito’y mapapanood every Saturday, 2:00 p.m. sa AKTV on IBC 13.



"Ang sport na football kasi, bata pa ako, grade school pa lang ako ay passion ko na iyan, sobrang hilig ko. I was never excellent, pero I’ve always loved the sport. Hindi man competitive yung level ng paglalaro ko, enjoy na enjoy ako talaga sa football," kuwento ni Paolo nang makapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) pagkatapos ng opening ceremony nito.



"Tapos, nang sumikat nga yung football sa bansa dahil sa Azkals, sobra kaming natuwa. So, nag-usap-usap kami kung ano ang puwede naming gawin.

"So, nagko-contribute kami sa mga grassroots program, nagtuturo kami ng mga bata kung paano yung larong football. And yung mga kasama ko, very passionate...So, ang laking bagay na nag-agree kami na magsama-sama sa isang team," dagdag pa ni Paolo na napapanood sa TV5 sa Sapol, USI (Under Special Investigation), Aksiyon Journalismo at iba pa.



Ano ang gagawin niya bilang sports adviser?



"Well ako yung taga-bigay ng pep talk, ako yung taga-disiplina sa kanila, ako yung during the games, if there are some things na hindi nakita nung coach o assistant coach, I point out, kasi I know the sport.



"Siyempre pagdating sa behavior, decorum in public, interviews, so, ako yung magtuturo sa kanila how to become media savvy, if it comes to that point na maging sikat sila."



Ang UFL ay maituturing na star-studded football tournament dahil bukod sa mga Azkal stars na kinabibilangan nina Phil and James Younghusband (Loyola Meralco Sparks), Angel Guirado at Misagh Bahadoran (Global FC) na siyang defending champion, at nina Chieffy Caligdong at Ian Araneta (Air Force), maglalaro rin sa naturang liga ang mga showbiz stars na sina Jake Cuenca (Socceroo FC) at Derek Ramsay (Pachanga FC).

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



Kasali rin dito ang mga Brazilian stars na sina Daniel Matsunaga, Fabio Ide, and Akihiro Sato at sila’y maglalaro sa team ni Paolo.



CONTROVERSIAL TEAM. Paano ide-describe ni Paolo ang mga Brazilian stars na bahagi ng kanyang koponan?



"Siyempre, controversial yung team ko, kasi nandidyan yung mga Brazilians. Sina Daniel, Fabio, Akihiro, at si Jake [Cuenca]. Nagsa-soccer talaga siya. He is really a football player and we’re hoping na maka-isa o dalawang laro man lang siya, dahil sa schedule niya.



"Ako naman, I won’t be playing this season. Gusto kong mag-train muna at tingnan natin kung kaya ko pang makipagbakbakan dito sa mga bata. Hindi ko alam kasi kung ano pang level ng play, pero alam ko na napaka-competitive ng mga tao rito," ang sabi pa ni Paolo.



"Sana, sana, makalaro [si Jake] kahit na isa. He knows how to move, may galaw si Jake. Sa school, talagang naglalaro si Jake e."



Pinuri rin ni Paolo ang mga Brazilian celebrities na bahagi ng kanyang koponan at ipinaliwang kung bakit may ibubuga sila sa football.



"And itong mga Brazilian na kasama namin, magagaling sila, hindi lang sila pang-showbiz, magagaling sila.



"In Brazil kasi it’s a national sport e, so if you don’t know how to play football, tapos Brazilian ka, medyo nakakahiya yun e, nakakahiya yun. And they are very athletic. They’re very athletic and iba yung madadala nilang level of play dito," wika niya.



"Kung makikita ninyo, may mga Iranian players dito, I think may Sudanese players dito or South African players. Iba yung nadadala nilang level of play e... Kasi, kunwari tayo, kapag nagba-basketball tayo... Iba yung level ng play natin, pero ’pag nagdala ka ng taga-ibang bansa, ibang category na naman yun.

"So, iyong mga Brazilian very exciting silang panooring maglaro. Iyong footwork, the way hina-handle nila iyong bola na akala mo ay kamay ang ginagamit nila, pero paa iyon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



"Iyong sa offense, talagang mahilig sila talaga yung nilulusob para mag-goal. Iyong defense lang, siyempre [ang medyo problema], we can’t have everything e. So, iyong focus andiyan sa offense, yung defense ang kailangan naming pagalingin," pahabol pa ni Paolo.



Ano ang makukuha ng mga Brazilian stars sa paglalaro rito?



"Well, sa ngayon, it’s just really bragging rights, bragging rights lang e," nakakatawang saad ni Paolo.

FOR FOOTBALL FANATICS. Sinabi pa ni Paolo na dapat abangan ng lahat ng football fanatics ang salpukan ng kanyang team at ng grupo nina James and Phil, ang Meralco Sparks na gaganapin sa October 15, Saturday, 2:00 p.m. at mapapanood ito ng live sa AKTV.



"Next Saturday ang kalaban namin ay sina Phil and James, sa Rizal iyon at televised iyon. Exciting iyon, so you have to watch that game.



"Sina Phil and James sa Loyola Meralco, sa team ni MVP (Manny V. Pangilinan), so magkalaban kami nina MVP, iyong mga team namin. Pero okay lang, it’s for the love of soccer."



With the Brazilian stars plus Jake Cuenca, sa palagay ba niya ay mas sikat ang team niya kaysa sa team nina Phil and James?



"Ay hindi, Phil and James ang andoon e. Pero I think, we will be popular in terms of the women who would like to watch [us] play."



Hindi ba bibigyan ng special treatment ang mga Brazilian stars nila, sakaling magmi-miss sila ng practice o may gagawin silang palpak?



"I’ll make it a point to remind them na dito, walang special treatment. They’ll all go to the training... kumbaga, kung tutulo ang dugo at pawis nila, lahat dapat ay ganoon ang mangyari.



"May penalty, puwede silang ma-suspend, we’re gonna give them the rule book para alam nila na we’re not gonna tolerate iyang mga ganyan. Pero it’s not just them, yung mga Pinoy ganoon din.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



"Walang... ’Oy, hindi ka mag-i-scrimmage, hindi ka mag-di-drill,’ walang ganoon. Talagang everyone has to go through it."



May nabanggit pang secret weapon ang team ni Paolo, isang Portuguese player na talagang matinik daw sa football.



"Sobrang magaling ito, sobra... kaya nga kinuha namin siya.



"Kaya lang, he does not know English or Tagalog, so code ang gagamitin namin. So, aalamin namin yung code ng pasa, yung code ng sipa..." wika pa ni Paolo.



LEARN THE LANGUAGE. Samantala, ipinagtanggol naman ni Paolo ang mga member ng Azkals ukol sa mga bumabatikos sa kanila dahil sa hindi nila pagiging purong Pinoy.



"I dont think may karapatan tayong sabihin na hindi purong Pinoy sila... kasi dugo lang ang pinag-uusapan, ’di ba? At the end of the day, someone cannot be blamed for not being full-blooded Pinoy e.



"Hindi mo puwedeng sisihin ang mga magulag nila e. Hindi mo sila puwedeng sisihin na ipinanganak sila sa isang magulang na Pinoy at sa hindi Pinoy. So, sabihin natin na suwerte sila, blessed dahil may ganoong klaseng genes sila, may ganoong klaseng genetics sila. Skill-wise, nagkaroon sila ng exposure sa iba’t ibang bansa kaya pagdating nila rito, we can learn from them.



"And honestly, I just wish they [would] learn the language. Kasi para sa akin, okay lang na half-Pinoy, half-whatever ka, aralin mo lang iyong lengguwahe, matuto kang mag-Tagalog.

"Mas magandang makita na marunong silang makihalubilo ng tunay na hindi lang yung showbiz aspects. Learn the language at mararamdaman ng mga Pinoy na Pinoy ka talaga, madali lang ang language natin at maraming dayuhan na ilang taon lang dito ay magaling na sa Tagalog e.



"So, just learn the language and even more Filipinos will love you, more Filipinos will identify with you, more Filipinos will admire you."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN