Pia Guanio confirms marrying Steve Mago in an "intimate ceremony" last October 1

Pia Guanio on her intimate wedding with Steve Mago: "Parang with all the preparations, sometimes nami-miss mo yung mensahe talaga, e, yung kahalagahan nung okasyon. And this is what I love about what happened because it was very solemn. It was very meaningful. And it was very heartfelt."


Sa launching ng coffee table book ng Eat Bulaga! Ang Unang Tatlong Dekada noong Huwebes, October 6, ay sinubukan ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na kumpirmahin kay Pia Guanio ang balitang ikinasal na siya.

Lumabas kasi ang usap-usapan noong nakaraang linggo na ikinasal na si Pia kaya wala siya sa mga programa niya sa GMA-7, partikular na ang Eat Bulaga! at Showbiz Central.

Dalawang beses nilapitan ng PEP staff writer na si Jocelyn Jimenez si Pia sa Whitespace sa Chino Roces Avenue Extension, Makati City para tanungin kung maaari siyang makapanayam.

Sa unang pagkakataon ay sinabi ni Pia na hindi siya pwede dahil kasalukuyan siyang nagla-live coverage noon para sa "Chika Minute" ng 24 Oras.

Nang matapos ang programa ay muling nilapitan ng aming staff writer si Pia, at sinabi niyang magsi-CR lang muna raw siya. Pero hindi na siya bumalik pagkatapos nito.

Pero kaninang hapon, October 9, sa phone-patch interview niya sa Showbiz Central ay kinumpirma ni Pia na kasal na nga sila ng businessman na si Steve Mago.

Naganap ang kasalan noong Sabado ng hapon, October 1, sa Ayala, Alabang.

Pinangunahan ni Pastor Paolo Punzalan, anak ng yumaong TV personality na si Helen Vela, ang "intimate ceremony" na dinaluhan lamang ng hindi lalagpas sa 50 guests.

Gusto raw sana ni Pia na makasama ang mga co-host niya sa Showbiz Central na sina Raymond Gutierrez, Rufa Mae Quinto, Jennylyn Mercado, at John "Sweet" Lapus para personal na ihatid ang magandang balita, pero nagkataon namang meron daw siyang "bad cold."

THE CONFIRMATION. "I will categorically answer that, and the answer is yes," pagkumpirma ni Pia sa pagpapakasal niya kay Steve.

Matatandaang naganap ang engagement nila noong May 7, 2011. (CLICK HERE to read related story.)

Ipinaliwanag din ni Pia ang dahilan kung bakit pinili nilang ilihim sa marami, kabilang na ang mga co-host niya sa Showbiz Central, ang naturang kasalan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ani Pia, "We just really wanted it private. And we wanted just a few people.

"Because we really wanted to concentrate on the ceremony, on the blessing, and the message from our pastor.

"So, ayaw talaga namin ng any kind of unnecessary distractions which... a big wedding entails.

"So, minabuti na lang namin to just have our families present because, honestly, sila lang naman talaga yung pinakaimportante.

"And, of course, yung pastor namin and his wife, with whom we have been having seminars for so many weeks just preparing for this event talaga."

Dagdag pa ng newlywed, "I mean, so many people think that a wedding is one day, but it’s not. It’s a long period of preparations.

"And I don’t mean flowers, I don’t mean themes, I don’t mean motifs, I don’t mean ten-gazillion guests.

"We’re missing the forest for the trees, alam mo ’yon?

"Parang with all the preparations, sometimes nami-miss mo yung mensahe talaga, e, yung kahalagahan nung okasyon.

"And this is what I love about what happened because it was very solemn. It was very meaningful. And it was very heartfelt."

Gaano katagal nila pinaghandaan ang seremonyas na ito?

"If we talk about the material preparations, siguro it all happened—thanks to Steve—in a couple of days.

"I’m probably like the most cooperative bride in the world. You will not see me bridezilla-ing!

"But in terms of preparing spiritually for it, it took a while. Mga one whole month ang preparations.

"And I really have to thank Pastor Paolo and his wife Jen because they really, really set us up spiritually for, not just the wedding, but for the most important thing—which is the marriage, which is a lifetime commitment."

Technically, para bang civil wedding ang seremonyang naganap sa pagitan nila ni Steve?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Well, in every way—a Christian blessing, it is a wedding by layman’s term, and legally speaking, it is also a civil wedding because, of course, nagkapirmahan na ng kontrata, ’no," sagot ni Pia.

Dahil nga isinikreto nila sa marami ang kanilang kasal, hindi raw alam ng mismong nag-design ng gown ni Pia na si Jerome Salaya Ang na wedding dress na pala ang ginagawa niya.

Inamin din ni Pia na itong gown na ito ang isinusukat niya sa dressing room nila two weeks ago sa Showbiz Central na nakita ni John Lapus.

Tanong pa nga raw sa kanya ni Sweet noon, "Aabay ka ba?"

Mali raw pala ang itinanong ni Sweet dahil ang tanong niya dapat ay: "Ikakasal ka na ba?"

GARDEN WEDDING. Pagkatapos nito ay idinetalye ni Pia ang nangyaring "intimate ceremony."

Naganap ito sa garden ng tahanan ng mga magulang ni Steve sa Ayala, Alabang. Pero dahil sa kasagsagan noon ng bagyong Quiel kaya nagtayo sila ng tent sa garden.

"It was like... talagang, I think it was meant to be because nung nagdatingan yung mga guest namin, tumigil yung ulan. I kid you not.

"Tumila yung ulan so that they were able to go inside, parang like the tent of NBC.

"We had an NBC Tent set up in the garden of Steve’s mom and dad.

"And inside, you couldn’t even feel that there was a storm raging outside.

"Ibang klase, ibang klase talaga yung gift ni God.

"Pag may approval Niya, lahat talaga titigil para lang... ewan ko, things go as planned."

Naging emotional ba si Pia during the ceremony?

"Sobrang emotional!" bulalas niya.

"Sinasabi ko nga do’n sa yaya ni Steve, ’O, Ate Glo, si Steve ha, baunan mo ng tissue. Baka humagulgol yung alaga mo.’

"Ang ending, ako yung humagulgol from start to finish!

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"And because of that, everybody else cried.

"My mom, who is like a pillar of stone, actually shed a tear.

"Oo, hindi umiiyak ’yon, e. Pati daddy ko.

"Tsaka yung iilang guests lang namin, less than 50 people, there was not a dry eye in the ano... I tell you.

"Siguro talagang... yun ang sinasabi ko, e, pag intimate yung isang okasyon, damang-dama mo kung ano yung nangyayari.

"So, I wouldn’t have it any other way talaga."

ANOTHER WEDDING... BIGGER THIS TIME. Humingi naman ng paumanhin si Pia sa mga kaibigan niya na hindi nasabihan o nakaalam tungkol sa kanyang kasal.

"I just wish that, and let me take this opportunity to tell all my friends not to feel bad...

"I know some of them feel a bit slighted, some of them are offended that they didn’t get told, invited.

"But you see, dito sa industry natin, may mga protocols talaga, e.

"The bosses have to know first before it goes out to the public, so yun naman ang ginawa ko.

"So, I’m telling my friends right now, on national television—I think this is the most effective medium—magkakaroon tayo ng susunod pa."

Tuloy pa rin ba ang plano nilang sa Europe gawin ang big wedding nila?

"A, remember how I was telling you guys we wanted to have it in Italy and beach wedding? Kaya lang, yung sister [ni Steve]... sister-in-law ko na rin, di ba, is pregnant and we’re waiting for her to give birth.

"And by the time she does, it’s going to be fall. And nobody wants to be in the beach in fall weather," saad ni Pia.

So, saan nila planong gawin ang susunod nilang kasal?

"We don’t... Yun na nga, we have to think about this all over again because... thanks to my sister-in-law, we’re back to square one."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Saan naman nila planong mag-honeymoon?

"Wala pa kaming honeymoon na napa-plan, e," sagot ni Pia.

"Kasi nga, wala pang tiyempo bilang nag-Europe na kami just a few months ago so I have exhausted all my leaves for this year.

"Maybe next year na lang.

"After the bigger occasion, e, itutuloy ko na yung honeymoon namin."

May plano na rin ba silang magkaanak agad?

"Well, we have three puppies if that’s what you mean!" natatawang sagot naman ni Pia.

Kasalukuyang nasa Alabang si Pia habang ini-interview siya ng kanyang co-hosts sa Showbiz Central.

Nang tanungin ni Jennylyn Mercado kung kasama niya si Steve, sinabi ni Pia na kasama raw niya ang kanyang mister.

Pero umiiling daw si Steve na ang ibig sabihin ay ayaw nitong magpa-interview.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN