Manny Pacquiao flies to the U.S. to continue training for his bout against Juan Manuel Marquez


"Dasal ko naman, kaming dalawa [Marquez], lalaban sa November 12. Dasal ko na walang masaktan sa aming dalawa. At walang malubhang masaktan at matapos yung event... ang fight na masaya ang lahat," says Manny Pacuiao about his fight with Juan Manuel Marquez on November 12.



Isa ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa mga naimbitahan mula sa media para kapanayamin ang Pound for Pound King na si Manny Pacquiao noong Sabado, October 8, sa SM Mall of Asia.


Nagsilbi rin itong huling live airing ng show ni Manny na Manny Many Prizes sa MOA, kung saan naganap ang interview.


Pagkatapos kasi ng show ay lumipad na si Manny papuntang United States para sa kanyang training sa laban nila ni Juan Manuel Marquez sa November 12.


Ayon naman sa ilang taga-production ng Manny Many Prizes, nakapag-taping na sila ng tatlong episodes na ipapalabas nila habang wala sa bansa si Manny.


Hindi rin daw mami-miss ng kanyang fans at viewers ng naturang show si Ninong Manny dahil mula sa States ay magla-live ang boxing champ sa airing ng taped episodes para mamigay ng pera.


Tinagurian nang "Ninong" si Manny sa kanyang show dahil kahit talent fee daw niya sa Manny Many Prizes ay napapamigay na niya every episode.


Matapos ang live airing, kinailangang isingit na kunan si Manny para sa Christmas station ID ng GMA-7 dahil mawawala nga siya sa bansa ng isang buwan.


Babalik daw ng bansa si Manny, mga bandang November 18, para sa live airing ulit ng kanilang show the following day (November 19).


MANNY’S PRAYER. Ilang minuto lang nakasingit ang PEP para makausap si Manny. Habang nakapila ang mga nagpapapirma sa kanya ng autograph, sinabayan naman namin siyang kinukunan ng pahayag sa nalalapit niyang laban.


"Siyempre, tiwala ako. Nananalig ako sa mahal na Panginoon na ibigay sa ’tin," sabi ni Manny, habang pumipirma ng autograph.


"Na manalo tayo at alay ko sa sambayanang Pilipino ang karangalan na ito.


"Makapagdala tayo... salamat sa dasal at suporta," patuloy niya, habang nakayuko pa rin dahil dumadami ang mga pictures na pinapapirmahan sa kanya.


"Dasal ko naman, a... kaming dalawa [Marquez], lalaban sa November 12, dasal ko na walang masaktan sa aming dalawa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


"At walang malubhang masaktan at matapos yung event, ang fight, na masaya ang lahat."


Sa tingin ba niya ay knockout ang aabutin ni Marquez sa kanya sa pangatlong pagkakataon ng paghaharap nila sa boxing ring?


"Wala. Pangit magsalita ng tapos," maagap niyang sagot.


WITH WIFE JINKEE? Kasabay ba niya ang kanyang asawang si Jinkee Pacquiao sa paglipad niya papuntang Amerika?


"Just me and Pacquiao Team. Susunod lang siya," sagot ng Pambansang Kamao.


Isasama ba ni Jinkee ang kanilang mga anak pagsunod nito?


"Hindi ko alam kung dadalhin ni Jinkee," sagot niya uli.


Ang ina ni Manny na si Mommy Dionisia, na aminadong abut-abot ang nerbiyos tuwing may laban siya, manoood ba nang live ngayon?


"A, di ko pa alam kung ano’ng desisyon niya. Kung pupunta siya o hindi."


Sa tingin niya, ano ang kanyang tsansa sa laban nilang ito ni Marquez?


"Kundisyon naman tayo at may isang buwan pa tayo para maghanda lalo para makuha ang 100 percent condition.


"Tuloy pa rin ang training. Kung ano’ng ginagawa ko dito, itutuluy-tuloy lang," saad ni Manny, na ang tinutukoy ay ang training niya pagdating sa States.


Balitang nakatakda siyang muling mag-guest sa late-night show sa Amerika na Jimmy Kimmel Live shown over ABC. Kailan kaya ito?


"’Di ko pa alam. ’Di ko pa alam yung schedule doon sa Amerika," ayon pa kay Manny.


WISHES FROM CO-HOSTS. Kinunan din namin ng pahayag ang ilan sa co-hosts ni Manny sa Manny Many Prizes para sa kanyang nalalapit na laban.


Mula kay Paolo Contis: "Best of luck and good training.


"Kasi, si Manny naman, di mo kailangang sabihang mag-train na mabuti. Kasi once i-train, yun na ’yan, e.


"Maganda kasi maaga siyang aalis ng bansa.


"Mamaya, aalis [night of November 8] na siya, so mas makakapaghanda siya doon sa Amerika."


Prediction ni Paolo sa laban nila ni Marquez?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


"Knockout yun. Knockout," sabi niya.


Sabi naman ni Rodfil ng Moymoy Palaboy, "Malaki ang chance ni Manny.


"Eto ngayon kasi, ano, e, mas kundisyon na si Manny ngayon sa weight niya na... kumbaga, mas maingat na siya ngayon.


"Kumbaga, nakita natin yung kay [Antonio] Margarito. Mas boxer na boxer na talaga yung style niya."


Nakalaban ni Manny si Antonio Margarito noong nakaraang taon.


Ano naman kaya ang chance ni Manny to win from a scale of 1 to 10—10 being the highest chance?


"Nine. Kayang-kaya ni Manny yun," sagot ni Rodfil.


Ayon naman sa kapatid ni Rodfil na si James Ronald, "Siyempre, for the win. At alam kong kayang-kaya mo ’yan.


"Alam na natin lahat na nandiyan ang power at sana ano... tawag diyan? Balato. He-he-he! Hindi, hindi [biro lang]," bawi nito.


"Pero, para sa ’kin, sa puso ko, alam kong kaya niya ’yan.


"Three rounds" knockout na raw si Marquez sa pakiramdam ni James.


Ayon naman kay Rhian Ramos, "Lahat talaga kami pinagkakatiwalaan siya at nasa kanya yung confidence namin.


"Na alam naming kayang-kaya niyang manalo ulit.


"I think kasi, ano, e, ang dami na niya kasing napatunayan.


"Nakailang belts na siya. Sa lahat ng weight division, napatunayan niya na kaya niya.


"Kayang-kaya niya, e. Number one siya.


"So, I’m sure this time, magagawa niya yun ulit."


Pahayag naman ni Gladys Guevarra, "Actually, ’yang si mismong si Ninong, ’di natin nariringgan ’yan ng ano, ’di ba, ng prediksiyon?


"’Yang kalaban natin, patutumbahain natin ng...’ wala siyang gano’n, e.


"So, parang kami, bilang kasama namin siya, ninong namin siya, kaming mga co-host, ayaw din naming mag-predict.


"Pero mataas yung tiwala namin sa kanya na kaya niyan.


"Kasi, siya mismo nagsabi na parang... sa lahat ng nakalaban niya, parang hindi gano’ng kaanuhan [katindi] si Marquez.


"So, feeling namin, kaya niya ’yan."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN