Nadine Samonte still open to reconciliation with ex-boyfriend Emerson Chua; says relationship with Leandro Muñoz is just "friendship"

Nadine Samonte on ex-boyfriend Emerson Chua: "We’re open naman, e. We’re not closing doors naman to each other. And no, walang third party. Until now, we communicate. We still text each other. At kung may chance for us to reconcile again, let’s see."


"It’s been months na single ako."

Ito ang pahayag ni Nadine Samonte nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) bago siya sumalang sa live interview niya sa Paparazzi kahapon, October 8.

Bakit tumagal na single pa rin siya at walang bagong kabanata ang kanyang lovelife?

"Masasabi ko, siguro mas magandang focus muna ako sa trabaho!" napabungisngis niyang sabi.

Meron ba siyang hindi magandang experience sa nakaraang pakikipagrelasyon niya kaya ayaw muna niya ng lovelife?

"Hindi naman.

"Kasi sa lahat naman ng ano... may mga bago akong natutunan, e. Na hindi ko naman masasabing hindi maganda, e.

"Siguro, nagkataon na gusto ko break muna ngayon sa ganyang bagay.

"Na, I needed space muna sa isa’t isa," ani Nadine patungkol sa ex-boyfriend niyang si Emerson Chua.

Malabo na bang magkabalikan sila ni Emerson?

"A, let’s see. Tingnan natin.

"Hindi ko pa rin kasi masasabi, e. Alam mo ’yon?

"Okey pa naman kami. We’re friends pa naman, e.

"So, okey naman."

STILL FRIENDS. Yung iba, pagkatapos ng kanilang relasyon ay hindi kaagad makapag-move on at dumaraan muna stage ng depression at hurting pa rin.

Pero si Nadine, tila ang bilis maka-recover mula sa breakup nila ni Emerson?

Paliwanag ni Nadine, "Kasi, ’yon nga, kailangan nga namin ng space muna, e. Iyon ’yon, e

"Kasi, six years ’yong relasyon namin, e. Parang masyado kaming na-attach.

"Parang kailangan muna naming huminga. Parehas kami.

"Tapos, naging busy ako sa The Sisters. Sumunod nga itong Sa Ngalan Ng Ina.

"Siguro kung walang work, madi-depress ako."

Sinong nag-fall out of love sa kanilang dalawa?

"Walang falling out of love, e. Alam mo ’yon?" sabi niya.

"Parang parehas lang kami na space lang talaga.

"We both felt na kailangan muna namin ng space lang talaga."

Nanghihinayang ba siya sa anim na taong itinagal ng relasyon nila?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Oo naman," mabilis niyang tugon.

"Kaya nga we’re still friends pa rin naman.

"Wala kaming samaan ng loob sa isa’t isa. Ayoko ng gano’n, e.

"Ayaw rin naman niya ng gano’n. So, okey naman kami."

So, bukas pa rin ang posibilidad na magkabalikan sila?

"We’re open naman, e. We’re not closing doors naman to each other.

"And no, walang third party.

"Until now, we communicate. We still text each other.

"At kung may chance for us to reconcile again, let’s see," saad niya.

LEANDRO MUÑOZ. Ngayon ba ay may mga manliligaw na umaaligid sa kanya at nagpaparamdam?

"Meron naman," pag-amin ni Nadine.

"Hindi ko lang masyadong pinapansin. Deadma!

"Hindi ko alam kung hanggang kailan ’yong ganito ako, na deadma muna sa mga suitors at sa career ko lang talaga ako gustong mag-focus.

"Let’s see."

Hindi ba’t na-link siya kay Leandro Muñoz na naging leading man niya sa The Sisters? Balita ngang hanggang ngayon ay nagkikita pa rin sila kung minsan.

Kumusta na silang dalawa?

"Okey naman kami. Steady-steady lang," maikling tugon ni Nadine.

Steady na sila ni Leandro?

"Hindi!" napatiling tanggi ni Nadine.

"I mean, magkaibigan kami.

"Right now, busy kami pareho.

"Meron akong Sa Ngalan Ng Ina. Meron naman siyang Felina," pagtukoy ng young actress sa upcoming series ng TV5 kung saan leading man si Leandro ni Arci Muñoz.

Dagdag pa nia, "Sometimes, yes, nagkikita pa rin kami. Pero ngayon hindi na masyado, e."

Binasted ba niya si Leandro?

"Ay!" napahalakhak ulit ang aktres.

"Ayokong magsalita. Leave it as a question mark na lang muna!"

Hindi kaya nagkabalikan na sila ni Emerson kaya deadma na siya kay Leandro?

"Hindi. Hindi pa," tanggi ni Nadine.

Pero nililigawan siya ulit ni Emerson?

"Nagti-text-text siya.

"Hindi naman nga nawala ’yong pagti-text niya sa akin ever since, e."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero ’yong effort nito na nagpaparamdam na gustong makipagbalikan?

"Tingnan natin. Hindi ko rin naman napapansin pa," sabi niya.

Paano si Leandro?

"Hindi ko rin alam," sambit niya.

Meron ba siyang nakita kay Leandro na hindi niya nagustuhan kaya parang naudlot ang namumuo na sanang "something special" sa pagitan nila?

"Hindi naman. Wala naman akong masasabi.

"Kasi si Leandro naman, parang ako. Parang siya ’yong lalakeng version ko sa pananaw at sa pag-iisip.

"So, hindi ko masabi!" napahagikhik ulit si Nadine.

Ibig ba niyang sabihin ay hindi niya gusto na sa magiging boyfriend niya ay nakikita pa rin niya ang kanyang sarili? Na kapareho pa niya ang personalidad ng magiging karelasyon niya?

"A, pwede ring dahilan iyon!" tawa niya.

May iba pa bang dahilan?

"Kaya nga sabi ko sa inyo, question mark muna, e," sabi niya.

Pinatigil muna ba niya sa panliligaw sa kanya si Leandro?

"Uhm, we’re friends. We’re friends," sagot niya.

Pero naging sila ba dati? O muntik nang maging sila?

"Hindi masyadong... parang friendship lang talaga.

"Oo, gano’n lang," huling nasabi ni Nadine.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN