Ryan Bang will remain "buradong hurado" on Showtime despite Dimple Romana’s self-eviction

Showtime despite Dimple Romana’s self-eviction" data-url="https://www.pep.ph/news/31423/ryan-bang-will-remain-buradong-hurado-on-showtime-despite-dimple-romana39s-self-eviction" data-desc="Showtime director Bobet Vidanes releases statement to clear the controversy." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/4cefd4ef5.jpg"> Showtime despite Dimple Romana’s self-eviction" data-url="https://www.pep.ph/news/31423/ryan-bang-will-remain-buradong-hurado-on-showtime-despite-dimple-romana39s-self-eviction" data-desc="Showtime director Bobet Vidanes releases statement to clear the controversy." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/4cefd4ef5.jpg"> Showtime despite Dimple Romana’s self-eviction" data-url="https://www.pep.ph/news/31423/ryan-bang-will-remain-buradong-hurado-on-showtime-despite-dimple-romana39s-self-eviction" data-desc="Showtime director Bobet Vidanes releases statement to clear the controversy." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/4cefd4ef5.jpg">

Showtime despite Dimple Romana’s self-eviction" data-url="https://www.pep.ph/news/31423/ryan-bang-will-remain-buradong-hurado-on-showtime-despite-dimple-romana39s-self-eviction" data-desc="Showtime director Bobet Vidanes releases statement to clear the controversy." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/4cefd4ef5.jpg"> Showtime despite Dimple Romana’s self-eviction" data-url="https://www.pep.ph/news/31423/ryan-bang-will-remain-buradong-hurado-on-showtime-despite-dimple-romana39s-self-eviction" data-desc="Showtime director Bobet Vidanes releases statement to clear the controversy." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/4cefd4ef5.jpg"> Showtime despite Dimple Romana’s self-eviction" data-url="https://www.pep.ph/news/31423/ryan-bang-will-remain-buradong-hurado-on-showtime-despite-dimple-romana39s-self-eviction" data-desc="Showtime director Bobet Vidanes releases statement to clear the controversy." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/4cefd4ef5.jpg"> Showtime despite Dimple Romana’s self-eviction" data-url="https://www.pep.ph/news/31423/ryan-bang-will-remain-buradong-hurado-on-showtime-despite-dimple-romana39s-self-eviction" data-desc="Showtime director Bobet Vidanes releases statement to clear the controversy." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/4cefd4ef5.jpg">

Showtime director Bobet Vidanes: "Base sa eviction rules ng Showtime, hindi po namin maaaring payagan ang pakiusap ni Dimples na ibalik si Ryan Bang at siya ang pumalit sa kanyang iiwang puwesto... Ngunit ang programa pa rin ang may desisyon kung sino ang huradong ipapalit sa kanya. Samantala, bilang pagkilala sa resulta ng botohan, si Ryan Bang ay mananatiling burado bilang isang hurado."


Nagkaroon ng isyu ang naganap na eviction ng mga hurado sa morning talent show ng ABS-CBN, ang Showtime, noong Sabado, October 8.

Sa nangyari kasing botohan sa loob ng isang linggo, kung saan pinagsama ang mga boto mula sa live audience at text votes mula sa viewers, lumabas na dalawang hurado spots ang mabuburado o matatanggal.

Una ngang in-announce ang pagiging burado ng Umagang Kay Ganda hosts na sina Andrei Felix at Jeffrey Tam, na naging judge at ibinoto bilang isang spot.

Sumunod na inihayag ang pagiging burado ng former PBB Teen housemate na si Ryan Bang, na hindi ine-expect ng lahat.

EMOTIONAL EVICTION. Nag-iiyak na nga si Ryan nang makumpirmang burado na siya.

Naging emosyunal din ang atmosphere sa buong studio na maging ang live audience ay nakiiyak kay Ryan.

Matagal na kasing binibiro ng Showtime hosts si Ryan na siya na ang susunod na mabuburang hurado. Pero lagi nga itong nasasagip sa pagkakatanggal.

Noong Sabado nga ay naganap na ang hindi nila inaasahan.

Hindi lang si Ryan at ang audience ang naging emosyunal kundi maging ang mga host ng show na sina Anne Curtis, Vhong Navarro, Billy Crawford, Karylle, Kim Atienza, Jugs Jugueta, at Teddy Corpuz.

Pero ang tumodo sa pag-iyak ay ang "unevictable hurado" na si Vice Ganda, na nagsilbing nanay-nanayan ni Ryan.

Naging emosyunal din pati ang mga natirang hurado na sina Jhong Hilario at Dimples Romana.

Itinuring na kasi nilang Kapamilya sa show si Ryan dahil sa tagal nito bilang hurado.

Sa loob ng 48 weeks na pagiging hurado, si Ryan na ang may hawak ng record na "longest-standing Showtime hurado."

Pero ikinagulat din ng lahat ang sumunod na kaganapan sa show dahil nag-self evict si Dimples at ibinigay ang hurado spot niya kay Ryan.

Ayon kay Dimples, "I saw how much you love Ryan and since I still have my seat, I think I have the power to give Ryan back my seat. Ryan will have my seat.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ryan is a good man, he deserves so much more and I hope po na maging masaya kayong lahat sa pagbabalik ni Ryan.

"Effective Monday, I will be out of Showtime and Ryan will take my seat."

Tinanggap naman ni Ryan ang offer.

"Ate Dimples, maraming salamat po. Thank you so much. Maraming-maraming salamat," sabi ng umiiyak na si Ryan.

Bukod sa awa kay Ryan, ibinigay ni Dimples ang puwesto niya dahil kailangan niyang pagtuunan ng oras ang susunod na teleseryeng gagawin niya sa ABS-CBN.

Hindi ito ang unang pagkakataon na nag-self evict si Dimples bilang hurado, dahil ginawa na rin niya ito noon bago niya gawin ang Mara Clara.

First time ngang mangyari sa Showtime na ibinigay ng self-evicted hurado ang kanyang nabakanteng puwesto sa isang buradong hurado.

RYAN BANG WILL NOT BE BACK AS HURADO. Pagkatapos ng emotional episode na ito ng Showtime, umani naman ito ng iba’t ibang reaksiyon mula sa mga tao.

May mga nagpahayag ng pagkaawa kay Ryan Bang. Pero hindi nawala ang mga kumukuwestiyon sa pagbibigay ng puwesto ni Dimples para makabalik si Ryan bilang hurado.

May mga nagsasabing unfair daw ito sa mga huradong naburado na noon sa show. Tila against daw ito sa eviction rules ng Showtime.

Para mabigyang-linaw ang isyu, nagbigay ng statement ang direktor ng show na si Bobet Vidanes pagkatapos ng opening ng show kaninang umaga, October 10.

"Para klaro lang sa lahat. I will read something lang," sambit ni Direk Bobet.

"Dun sa mga nagtatanong, sa mga nakapanood noong Sabado. Eto po para sa inyo, para sa ating lahat ito.

"Matapos maganap ang eviction noong Sabado, humingi po ng pagkakataon si Dimples Romana sa programa na mailabas ang kanyang saloobin.

"Napakinggan n’yo po ang kanyang mensahe.

"Kung sa palagay n’yo na nagkaroon ako ng lapse in judgment, nagkaroon ng... dahil sa kakulangan sa oras, sa panahon, at nadala ako sa bugso ng damdamin, ipagpaumanhin n’yo po.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Pero sa huli, ang programa pa rin ang magbibigay ng desisyon.

"At base sa eviction rules ng Showtime, hindi po namin maaaring payagan ang pakiusap ni Dimples na ibalik si Ryan Bang at siya ang pumalit sa kanyang iiwang puwesto.

"Si Dimples ay nag-voluntary exit na upang bigyang-daan ang isang proyekto dito sa Kapamilya Network.

"Ngunit ang programa pa rin ang may desisyon kung sino ang huradong ipapalit sa kanya.

"Samantala, bilang pagkilala sa resulta ng botohan, si Ryan Bang ay mananatiling burado bilang isang hurado.

"I hope everything is clear.

"Wala po kaming hinangad dito kundi ang magpasaya ng tao.

"Doon po sa mga taong hanging, nagtatanong po, I hope klaro po sa inyo.

"Kung meron man po ako minsang nararamdaman na nag-iisa ako... To make people happy at mapasaya kayo, minsan lumalakas ang loob ko because iniisip ko I have a friend, and I have a family.

"Thank you," paglalahad ni Direk Bobet.

Pagkatapos nito ay nakipag-group hug ang direktor kasama ang mga host ng show.

Samantala, ipinakilala naman kanina ang mga bagong hurado na nakasama nina Vice Ganda at Jhong sa pagdya-judge.

Ito ay kinabibilangan nina Luis Manzano, Malaysian model-actress Carmen Soo, at dalawang miyembro ng Philippine Volcanoes rugby team.

Showtime despite Dimple Romana’s self-eviction" data-url="https://www.pep.ph/news/31423/ryan-bang-will-remain-buradong-hurado-on-showtime-despite-dimple-romana39s-self-eviction" data-desc="Showtime director Bobet Vidanes releases statement to clear the controversy." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/4cefd4ef5.jpg"> Showtime despite Dimple Romana’s self-eviction" data-url="https://www.pep.ph/news/31423/ryan-bang-will-remain-buradong-hurado-on-showtime-despite-dimple-romana39s-self-eviction" data-desc="Showtime director Bobet Vidanes releases statement to clear the controversy." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/4cefd4ef5.jpg"> Showtime despite Dimple Romana’s self-eviction" data-url="https://www.pep.ph/news/31423/ryan-bang-will-remain-buradong-hurado-on-showtime-despite-dimple-romana39s-self-eviction" data-desc="Showtime director Bobet Vidanes releases statement to clear the controversy." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/4cefd4ef5.jpg">


Showtime despite Dimple Romana’s self-eviction" data-url="https://www.pep.ph/news/31423/ryan-bang-will-remain-buradong-hurado-on-showtime-despite-dimple-romana39s-self-eviction" data-desc="Showtime director Bobet Vidanes releases statement to clear the controversy." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/4cefd4ef5.jpg"> Showtime despite Dimple Romana’s self-eviction" data-url="https://www.pep.ph/news/31423/ryan-bang-will-remain-buradong-hurado-on-showtime-despite-dimple-romana39s-self-eviction" data-desc="Showtime director Bobet Vidanes releases statement to clear the controversy." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/4cefd4ef5.jpg"> Showtime despite Dimple Romana’s self-eviction" data-url="https://www.pep.ph/news/31423/ryan-bang-will-remain-buradong-hurado-on-showtime-despite-dimple-romana39s-self-eviction" data-desc="Showtime director Bobet Vidanes releases statement to clear the controversy." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/4cefd4ef5.jpg"> Showtime despite Dimple Romana’s self-eviction" data-url="https://www.pep.ph/news/31423/ryan-bang-will-remain-buradong-hurado-on-showtime-despite-dimple-romana39s-self-eviction" data-desc="Showtime director Bobet Vidanes releases statement to clear the controversy." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/4cefd4ef5.jpg">

WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN