Rosanna Roces reveals falling in love with Ted Failon before; says doing laundry is her therapy and breather from showbiz

Rosanna Roces on her claim that she had a relationship with Ted Failon: "Hindi naman. Wala pa naman sa ano yun, e... Tsaka bata pa ako nun, 20. Nanligaw naman [siya]. Hindi basta ano, one-night stand. Hindi. Napaka-gentleman [ni Ted]."


Nagpaliwanag na si Rosanna Roces tungkol sa naging pahayag niya sa podcast ni Mo Twister na may namagitan diumano sa kanila noon ni Ted Failon.

Sinabi kasi ni Osang (sikat na palayaw ng aktres) sa naturang panayam na ang pinaka-hindi raw niya makakalimutan sa mga nakarelasyon niya ay ang ngayo’y batikang radio commentator at newscaster ng ABS-CBN.

Sa segment ni Dolly Anne Carvajal na "Hello Dolly" sa Paparazzi Showbiz Exposed noong Linggo, October 9, ay ipinaliwanag ni Osang kung ano ang namagitan sa kanila ni Ted.

"Hindi naman. Wala pa naman sa ano yun, e... Tsaka bata pa ako nun, 20.

"Nanligaw naman [si Ted]. Hindi basta ano, one-night stand. Hindi. Napaka-gentleman [niya]," sabi ng kontrobersiyal na aktres.

Tanong ni Dolly Anne, love kaya ang kanilang naramdaman noon sa isa’t isa?

Ayon kay Osang, pag-ibig daw talaga yun.

Kaso, naunsiyami raw ito dahil "nag-asawa na ako," aniya pa.

PRESENT LOVE LIFE? Kumusta naman ang puso ng isang Rosanna Roces ngayon?

"Ngayon, blangko," sagot niya.

"Kasi, araw-araw taping. Nawawalan na ng panahon sa mga bata [mga anak at apo].

"So, kailangan ay hindi yung focus [ko], masisira. Mawawala.

"Mas gusto ko yung distraction."

Meaning, ayaw raw muna niya ng inspirasyon.

"Tama lang yung text-text lang muna."

Ano ba ang gusto niya sa kanyang love life? Yung tipong lagi siyang sinasabihan na mahal siya?

"Kulang ang salitang mahal," sagot ni Osang.

"Minsan, hindi, gusto ko talaga pag in love ka, ’yun bang tinitingnan mo yung lalake at gusto mo sabihin na mahal na mahal mo siya.

"Kulang nga yung salitang mahal. Iiyak mo na lang.

"Hindi mo ma-express. Para kang tanga."

Hindi pa ba niya natatagpuan ang lalaking magpapa-ibig sa kanya nang lubos hanggang ngayon?

"Ilang beses ko na nagawa ’yan. Ayoko kasi ng nagmamahal na hindi ka susuklian.

"Kahit na sabihin mo na one-fourth man lang, e [maibalik ang pagmamahal]. Ako kasi, todo, e."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Napaso na ba siya sa ngalan ng pag ibig, o kaya ba niyang ibigay ulit ang lahat sa lalakeng mamahalin niya?

"Oo, a. Kung may dadating at alam ko bigay ng Diyos, oo, bigay lahat.

"Wala nang ititira sa sarili. Tanga nga, e.

"Pero, kapag medyo hindi na maganda ang nangyayari, isa na din ang sinasabi ko, ’Lord, i-cut n’yo na po ito. Pack-up na.’"


ACTING WITH THE BEST. Umani ng papuri ang muling pagbabalik ni Osang sa telebsiyon sa pamamagitan ng mini-serye ng TV5, ang Sa Ngalan ng Ina, na pinagbibidahan nina Nora Aunor at Christopher de Leon.

Ginagampanan dito ni Rosanna ang papel ng asawa ni Boyet, isang pulitiko at mahigpit na karibal ni Nora sa puwesto.

Sabi ni Osang, "Hindi naman [ako] nabigo. Sinabi ko na gagalingan ko.

"’Di ba, tinupad ko naman? So, araw-araw na ginawa ng Diyos, wala akong ginawa kundi isipin kung paano i-improve yung [acting ko].

"Ano kasi, pabigat na nang pabigat, e."

Ibig kayang sabihin nito ay tuluy-tuloy na ang pagtanggap niya ng kontrabida roles?

"Mas gusto ko nga magkontrabida, e," sabi niya.

"Kasi, hindi kagaya sa Natutulog Ba Ang Diyos. Ako yung kontrabida, pero ako yung iniyakan nila sa dulo."

Ang Natutulog Ba Ang Diyos ay isang sine-serye noong 2007 na ipinalabas sa ABS-CBN.

HAPPY HOMEMAKER? Ikinuwento rin ni Osang ang tungkol sa buhay niya sa kanilang tahanan, kung saan siya lang daw ang gumagawa lahat ng mga gawaing-bahay.

"Sa bahay, ayoko ng maid. Mas gusto ko mag-isa ako.

"Ayoko ng naiingayan ako.

"Ayoko ng nagbabasa ng diyaryo. Ayoko ng nanonood ako ng TV.

"Gusto ko kung ano yung basahin ko sa Internet, ’yun lang.

"Napakaano nung time, napaka-precious. Ayoko masayang ang konting time na mero’n ako."

Mahilig din magluto si Rosanna. Gusto din kaya niyang magtayo ng negosyong kainan?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Wala. Dati, pero hilig ko talaga ngayon naman iba.

"Parang nahihilig ako maglaba. Oo, trip na trip ko maglaba."

Ang paglalaba raw ay nagsisilbi niyang therapy kapag walang trabaho.

"Oo, [therapy] sa pagod, water kasi, e. Parang ’wag mo lang ako pagplantsahin. Ayoko talaga."

Pangarap din daw talaga noon ni Osang na maging simple and plain housewife lamang.

"Homemaker, oo, totoo. ’Tsaka, kaya ko ginagalingan sa pagluluto sa mga anak ko para maadik sa luto ko.

"Kahit may asawa na sila, babalik at babalik sila sa akin for that," saad niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN