Nora Aunor says she’s willing to help if Christopher de Leon decides to run for Congress

"Hindi ako kinakausap, siyempre. Naisip ko, ’O, bakit hindi ka tumakbong Congressman?’ Sabi ko, ’tutulong ako," says Nora Aunor on how she offered to support her ex-husband Christopher de Leon if he decides to level up from his post as board member in Batangas and run for congress.


Nora Aunor is coping very well matapos ma-confine at makalabas ng ospital last week. Kung siya raw ang masusunod, gusto na ni Nora na mag-taping na uli.

"Dapat may taping na kami today, pero the doctors adviced her to rest. Hindi pa [rin] kaya ni Guy. She needs to rest," sabi ni Boy Palma, Nora’s personal manager, in a text message he sent PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) yesterday morning, October 10.

Ang sabi naman ni Mario O’Hara, na siyang nagdidirek sa mga eksenang involved si Nora sa Sa Ngalan Ng Ina, okay pa rin daw siyang magpahinga hanggang Wednesday o Friday.

Walang nabanggit si Palma, o si Direk Mario na malaking kagahulan sa produksiyon, sanhi ng ’di inaasahang pagkakasakit ng bidang aktres ng TV5 mini-serye.

If ever, ang gagawing pelikula ni Ate Guy sa Regal Entertainment, yung Mano Po 7 (Hototay) ang medyo maaantala ang pag-uumpisa.

Gayunman, wala ring pahayag si Palma na hindi na itutuloy ang pelikulang nakalaan para sa Metro Manila Filmfest sa Disyembre 2011 dahil sa mga huling kaganapan.

Ayon din sa isang mapagkakatiwalaang source, busy pa si Joel Lamangan sa isa nitong project.

Ibig sabihin, hindi pa apektado ng anuman ang timetable ng direktor para sa comeback movie ni Nora Aunor sa Regal Films.

TEAM-UP REUNION WITH PIP. Mukhang masigla si Ate Guy noong makakuwentuhan ng PEP kamakailan.

Nabanggit nito ang pakikipagtambalan niyang muli kay Tirso Cruz III— the "other half" of the legendary Guy & Pip tandem—para sa Hototay.

"Si Pip na naman?" sabi ni Ate Guy, na seryoso sa pagsasalita at parang may gustong ipahiwatig.

"Baka ma-in love na naman ako!" sambit niya saka tumawa.

Tumakbo ang usapan sa ganung konteksto na may pagbibiro na hindi rin naman offensive, maging ang mga munting katotohanang binitawan ni Ate Guy.

"Nagalit na nga noon sa akin si Lyn [Ynchausti-Cruz, Pip’s wife], e.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Noon... may nagsumbong kasi," wika pa ni Nora na ang tinutukoy ay ang nanumbalik na closeness nila ni Pip, sa isa sa mga balik-tambalan nila.

"E, wala namang nangyari," sabi rin ni Nora.

GOOD WORDS FOR BOYET. As for Christopher de Leon, na balitang nakipag-usap na rin daw kay Mother Lily Monteverde, tila may kalabuan pa rin ang magiging partisipasyon nito sa gagawing pelikula with Nora.

At habang si Nora Aunor ay isa nang certified Kapatid talent matapos pumirma ng exclusive 3-year contract sa network, si Boyet naman ay balik-Kapamilya [ABS-CBN 2].

Ang naiulat, may gagawing projects si Christopher De Leon sa ABS-CBN; isang special guest role sa Doha, at regular role sa Padre De Pamilya.

"Hayaan mo siya. Hindi mo maiaalis sa kanya," sabi ni Ate Guy, na ang tinutukoy ay ang desisyon ng ex-husband.

As a person, though, Nora only has good words for Boyet.

"Malambing yun. Diyos ko, sobrang lambing nun," wika pa ni Ate Guy na nagkuwento uli ng ilang bagay sa panahong nagsasama pa sila ng aktor, bilang legal na mag-asawa.

"Nung araw nga," simulang kuwento ni Nora, "pagka nakahiga akong ganyan [nagpapahinga] at aalis ’yan... pagdating, may pasalubong siya [sa akin]. Tuwang-tuwa naman ako."

Between Pip and Boyet, sabi ni Nora, "Mas malambing si Boyet. Iba ang lambing ni Boyet."

Nabanggit din ng aktor sa PEP interview na nayayamot ito sa mga detractors ni Nora, na itinuturing pa rin naman niyang mabuting kaibigan.

"Sabi ko nga sa kanya," nangiti si Nora, "’pag bumalik ka, okey na sa akin.’"

Sinundan ni Ate Guy ng tawa ang pahayag. "Hindi, ha! Joke lang ’yun. Joke!"

"Hindi dapat ano [ika-offend, kung sakali] dahil tatay ng anak ko ’yun," paliwanag ni Nora, referring to their only son, Ian De Leon.

Besides, kung sakali, ay sa pelikula at TV na lang sila nagkakasama ni Boyet.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Oo naman," ani Ate Guy. "’Tsaka, ’wag na yung pelikula... [setting aside professional matters] dalawang taon din kaming nagsama nun, e.

"Pero, sabi, Kuya Boy, hindi ko na raw siya pinapansin nun," banggit ni Guy sa kanyang manager na si Boy Palma who was also present sa interview.

Ian, who was also around, observed, "Seryoso kasi lagi si Daddy."

"Ganun na ’yon. Ganun naman ’yon. Okay na nga ngayon. Kasi, kahit papa’no, nakikipag-usap na."

Madalas ay ginagaya at kuhang-kuha ni Ian ang pagsasalita at gawi ng ama, kaya pati si Nora ay lalong naaaliw sa anak.

FOREVER FRIENDS. Minsan na rin daw nagkausap nang mahaba-haba sina Nora at Christopher sa set ng Sa Ngalan Ng Ina. Na para sa superstar ay bihirang-bihira.

"Pack-up na siya, nagkukuwentuhan pa kami. Nung magbibihis ako, umalis na siya," banggit ni Guy.

Napag-usapan daw ng dalawa ang tungkol sa pagiging politician ng aktor. Kasalukuyang miyembro ng board sa Batangas province si Christopher De Leon.

"Hindi nga ako kinakausap, e. Kaya alam ko na. Alam ko na," wika ni Nora, na matipid sa pagsasalita, o pagbibigay ng anumang hint.

"Hindi ako kinakausap, siyempre. Naisip ko, ’O, bakit hindi ka tumakbong Congressman?’ Sabi ko, ’tutulong ako,’" sabi raw ni Ate Guy, na natuwa dahil naging positibo, o masaya ang reaksiyon ni Boyet sa kanyang sinabi.

At nagbiro pa raw si Boyet, "Ay! Panalo na ako!" lahad din ni Guy.

Higit sa anupaman, masaya si Nora sa pagsasabing okay ang relasyon nila ngayon ni Boyet. Naghiwalay man sila, nanatili ang friendship at ang respeto nila sa isa’t isa.

"Maganda.. oo, nakita n’yo naman kami [sa set]," sabi rin ni Nora.

Isang halimbawa pa nito’y ang pagre-recall ng dalawa sa mga dating naging bahagi ng ugnayan nila. Tulad ng kantang There Was A Boy, There Was A Girl, na nasa iPod ni Boyet at minsa’y ipinarinig kay Ate Guy.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

GOOD VIBES. As observed, si Nora din ang taong hindi mapagtanim ng galit. Batid ng publiko na dati rin niyang naging kagalit ang Regal producer na si Mother Lily.

Pero ngayo’y gagawa uli siya ng pelikulang tatak-Regal at totoong in good terms sila ni Mother Lily at ng anak nitong si Roselle Monteverde-Teo.

Katunayan, madalas tumatawag si Roselle kay Ate Guy para mangumusta at mag-follow up sa aktres habang nasa taping site.

Gayundin si Tikoy Aguiluz, ng Cinemanila International Filmfest, na direktor din ni Nora sa El Presidente [her other comeback movie na next year pa raw ang showing].

Minsa’y nag-text si Direk Tikoy para ibalita sa aktres ang parangal na igagawad sa kanya sa CineManila International Filmfest (CIFF), sa November 2011.

Tatanggap si Nora ng Lifetime Achievement Award sa CIFF. Ito rin daw ang parangal na ibibigay sa kanya ng Cinema One Originals Filmfest, sa Nobyembre din.

Samantala’y mauuna ang petsa ng pagpaparangal ng PMPC (Philippine Movie Press Club), na si Nora Aunor din ang napiling pagkalooban ng Lifetime Achievement Award at isa sa mga Music Icons, sa 3rd Star Awards for Music, sa October 16, sa Henry Lee Irwin Theater ng Ateneo De Manila University (ADMU).

Also, the so-called Dangal ng OPM Award na isa si Nora sa mga recipients.

To all these, simple, pero makabuluhan ang nasambit ni Nora.

"Mabait pa rin talaga sa akin ang Diyos," sabi ng 58-year old Superstar, who’s marking her 44th anniversary in showbusiness sa buwan ng Oktubre.

Ugnay rito ay naitanong din kay Nora ang posibleng advice niya sa iba pang mga taga-showbiz, o artistang nakaranas ng mga pinagdaanan niyang hirap at kabiguan.

Sabi niya, "’Pag bumagsak ka, pilitin mong bumangon uli. Hindi yung magpapabaya ka na lang. Tanggapin mo. Tapos, magsimula ka uli.

"Ganyan naman ako, e. Tinatanggap ko. Tapos, umpisa ako uli.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kaya nga bago ako umuwi, hindi nga ako umasa na may sasalubong. Hindi ako umasa na... pero napansin ko yan nu’ng unang nabalita na darating ako, tapos, hindi ako natuloy.

"Bakit ang daming nag-react?’" tanong daw ni Nora sa sarili. "Kaya nga mangiyak-ngiyak ako sa airport," sa dami raw ng sumalubong sa kanya.

HAPPY WITH TV5. Muli, nag-express si Nora ng kanyang pagiging masaya at kuntento sa pagiging isang contract talent ng Kapatid network, o ang TV5 at Studio 5 [Cinemabuhay].

"Masaya ako. Magaan. Napakaganda [ng samahan].

"As in pamilya talaga," wika ni Nora patungkol sa miniseryeng Sa Ngalan Ng Ina.

"Alam mo, kung ano ’yan," paghahalimbawa pa ni Ate Guy, "[kung] may isang tao lang ako na napansing ano [negative], maaapektuhan ako."

Pag-agree ni Boy Palma: "Ay, grabe sa pagmamahal kay Guy [ang TV5]. Grabe sa pag-aalaga."

"Binigay talaga ang importansiya. Hindi lang sa akin," sabi naman ni Nora, "Suspetsa ko, sa lahat ng mga artista..."

At nabanggit nga ang tungkol sa halos magkasabay nilang paglipat sa TV5 ni Aga Muhlach, sumunod si Lorna Tolentino.

"Marami na, a. ’Di ba, marami na?"

Gusto ba niya uling makasama sa anumang project, o makatrabaho uli si Lorna Tolentino, ngayong Kapatid talent na din ito?

"Bakit hindi?" wika ni Guy.

Napapabalita ring lilipat diumano sa Kapatid network si Sharon Cuneta.

Nabanggit kay Nora ang tungkol sa sinabi ni Sharon sa isa nitong presscons last year na, among other actresses, tanging si Nora Aunor ang gusto niyang maging "friend" na [tila] ayaw siyang "i-friend".

"Siya naman [ang] malayo talaga," pahayag ni Nora. Malayo, as in, detached emotionally. "Wala naman [sa akin]..."

Looking back, while promoting the movie, Sidhi, in 1999, fans would recall Nora’s guesting in Sharon [the variety-talk show], where both Nora and Sharon poured out their feelings towards each other.

Pati kung anumang sama ng loob mayroon, more si Sharon kay Nora. Parang nagka-bonding na ang dalawa, reportedly on-and-off-camera.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"E, ako, okay sila lahat sa akin," sabi rin ni Guy, tungkol sa mga nabanggit na personalidad.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN