Janno Gibbs plans to renew wedding vows with Bing Loyzaga, but says: "Kailangang mag-propose ako ulit, kailangang ligawan muna ulit."

"Nagkaroon talaga ng time na masyado akong naging relaxed, naging kampante. So, na-realize ko rin na nakakahiya na, minsan, nale-late ako sa opening [number], hindi ako umaabot. So, I made it a point na gawan ng paraan para makita ng tao na serious naman ako sa trabaho ko, that I can be professional if I want to," says Janno Gibbs.


Si Janno Gibbs ang sumalang sa "Don’t Lie to Me" segment ni John "Sweet" Lapus sa Showbiz Central noong Linggo, October 9.

Ang unang tanong kay Janno: Noon ay may isyung siya ay pasaway at laging nali-late sa kanyang trabaho at mga shows. Pero ngayon ay everywhere si Janno at bongga ang showbiz career with Party Pilipinas and Protégé. Seryoso na ba siya sa kanyang career?

"Yes" ang sagot ni Janno, at "Truth" ang naging resulta nito sa truth-verifier machine.

Paliwanag pa ng singer-comedian, "Nagkaroon talaga ng time na masyado akong naging relaxed, naging kampante.

"So, na-realize ko rin na nakakahiya na, minsan, nale-late ako sa opening [number], hindi ako umaabot.

"So, I made it a point na gawan ng paraan para makita ng tao na serious naman ako sa trabaho ko, that I can be professional if I want to."

JANNO’S PROTÉGÉ. Ang pangalawang tanong kay Janno: Usap-usapan na siya mismo ay naglalagi sa Protégé quarters (sa tinutuluyan ng mga protégé) upang subaybayan ang progress ng kanyang protégé na si Lira Bermudez.

Dahil dito, totoo ba na nagtatampo na ang kanyang pamilya dahil mas madalas siyang nakatutok kay Lira kaysa sa kanila?

"Puwede ko bang subukan ito?" sinabi muna ni Janno bago sumagot referring to the lie-detector machine.

"Yes, yes... subok lang!" ang sagot ni Janno, at "Lie" ang naging resulta nito sa lie-detector machine.

Pero ayon kay Janno, "Hindi pwedeng nagseselos sila, full support sila sa akin sa pagiging mentor.

"And proud sila for Lira, they’re rooting for Lira."

Totoong nagbibigay siya ng extra time for his protégé?

"Of course!" sagot niya.

"Kailangan, e. Kailangan talaga, e, babantayan. Lalo na yung protégé ko bata, e, thirteen years old. So, kailangang i-guide.

"Ang galing, ang ganda ng boses!"

Ayon pa kay Janno, "Yung sinuot niya dun sa face-off damit ng mga anak ko yun!"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa tingin ba niya ay malaki ang chance ni Lira na manalo sa talent search na ito ng GMA-7?

"Ako, personally, I think malaki ang chance niya kasi bukod sa talented, maganda ang boses, may star quality siya, e."

Sino sa palagay niya ang mahigpit na makakalaban ni Lira?

"Sa naaalala ko, yung alaga ni Jaya naman."

Si Lovely Embuscado ang tinutukoy ni Janno.

RENEWAL OF VOWS. Ang ikatlong tanong ay kung totoo ba na magre-renewal of vows o magpapakasal silang muli ni Bing Loyzaga?

"No," ang sagot ni Janno.

"Gusto ko lang kitang sumayaw ulit!" tumatawang sabi ni Janno kay Sweet.

And true enough, "Lie" ang naging resulta ng kanyang sagot kaya inikot-ikot si Sweet at sumayaw kasama ng ilang male dancers.

Pero plano na ba nila ni Bing na mag-renewal of vows?

"Ako lang yun, idea ko lang yun. Pwede, possible, it would be nice," sabi ni Janno.

Nasabi na ba niya ito kay Bing?

"Hindi, kailangang mag-propose ako ulit, kailangang ligawan muna ulit.

"Ang inaabangan ko lang naman dun honeymoon, e, iyon ang inaabangan ko dun, e," biro pa niya.

Matagal na ang relasyon nilang mag-asawa at dalaga na pareho ang kanilang mga anak na sina Alyssa at Gaby.

"Si Alyssa, tapos na ng college," banggit ni Janno.

Papasok din ba sa showbiz ang mga anak nila?

"Wala pa namang balak, pero dito sa concert ko, guest yung dalawang kids ko, kakanta sila."

MARRIAGE STATUS. Ang pang-apat at huling tanong kay Janno: Since kailan lang ay nasulat na may problema ang kanilang relasyon, okay ba ang pagsasama nila ngayon ng misis niyang si Bing?

"Yes," ang sagot ni Janno, at "Truth" ang naging resulta nito.

Bakit hindi matapus-tapos ang isyu na hiwalay na sila, na magkaibigan na lang sila, at civil na lang ang pagtrato sa isa’t isa?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Hindi, ano naman, e... Hindi ko naman sinasabing hindi kami nagkakaroon ng problema. Lahat naman ng mag-asawa nagkakaroon ng problema.

"Isa sa mga iniisyu nila lagi, e, nakikita nila si Bing lumalabas na hindi ako ang kasama."

Mga gay friends ang madalas daw kasama ni Bing pag lumalabas.

"Yes, oo!" sambit niya.

"Alam mo naman ako, Sweet, na kahit gusto niya akong isama, hindi ako magimik, e, kaya hinahayaan ko na lang."

Paano ba ang bonding time nilang mag-asawa usually?

"Wala, ordinaryo sa amin yun every week, we go out, kaming apat, nanonood ng sine.

"Pag sa bahay lang, nanonood kami ng DVD, ng TV."

Ano ang mensahe niya kay Bing?

"Ma’am... Ma’m ang tawag ko, e. Ma’am, manood ka ng concert ko!" at muling tumawa si Janno.

"Hindi, manonood naman yun."

Ang concert na tinutukoy ni Janno ay ang Janno Gives na gaganapin sa October 15, 8:00 p.m., sa Music Museum.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN