Andi Eigenmann has yet to forgive the father of her child: "But the only reason was because walang nanghihingi ng tawad sa akin."

"I’m very much excited for the coming days. Yung magiging buhay ko. Excited na excited na ’kong talaga to go through it and this time, I’m going to be stronger," says Andi Eigenmann.


Sa isang buwan ay isisilang na ni Andi Eigenmann ang kanyang dinadala kung kaya’t halatang-halata na ang paglaki ng kanyang tiyan.

Pero sa panayam ni Boy Abunda kay Andi sa The Buzz noong Linggo, October 9, kapansin-pansin ang kasiyahan ng young actress sa kanyang pagdadalang-tao.

Sa kabila ng mga pinagdaanan niya—pagbubuntis sa edad na 21 at pag-iwan sa kanya ng ama ng kanyang dinadala—saan ba hinuhugot ni Andi ang kasiyahan na yun?

Ayon sa Kapamilya actress, "You’re supposed to be emotional because you’re pregnant, [pero] mas naging masayahin pa ako ngayon dahil I was... bago, bago ako mabuntis.

"Siguro kasi, dahil it served as an eye-opener to me. Na parang mas dapat, mas lalo pa akong makuntento kung ano ang meron ako.

"Na nandiyan ang pamilya ko. Marami akong kaibigan. Maraming nagmamahal sa akin at walang nawala."

May nadagdag, ayon naman kay Boy.

"Yes, exactly. May nadagdag pa," nakangiting pagsang-ayon ni Andi, na ang ibig niyang tukuyin ay ang kanyang parating na anak na babae.

COMING OUT. Buong tapang na hinarap ni Andi ang kanyang pagbubuntis at hindi niya itinago sa publiko. Sa pamamagitan ng kanyang ina na si Jaclyn Jose ay inamin nila sa publiko ang kanyang tunay na kalagayan. (CLICK HERE to read related story.)

Pero ano ang katotohanan sa likod ng kanyang pagbubuntis? Nahirapan ba siyang aminin ito?

"Simula noong lumabas sa news, when my mom [Jaclyn Jose] went out to the news to confirm that I am pregnant, siyempre, natakot ako.

"Natakot ako, kasi alam ko na marami na naman akong bagong ihaharap na, ’Naku, kailan ba matatapos lahat ng mga problema?’

"Natakot ako sa possible damage na magawa niya, if ever, like sa career ko.

"Sumunod na rin yung possible na masasama or nakakatakot na judgment na pwedeng maibigay sa akin ng mga tao because of this."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ano ang pinaka-worst?

"None that affected me at all," sagot ni Andi.

Dagdag niya, "I was afraid to face it but once I got there, I realized it wasn’t so bad at all.

"Because also of the fact that a lot of people there are supporting me.

"Ang dami-dami pong nakaintindi ng sitwasyon ko."

THE FIRST TO KNOW. Hindi naman itinanggi ni Andi na noong makumpirma niyang buntis siya, ang ama ng dinadala niya ang una niyang sinabihan at nakaalam.

"Siyempre po yung ano... the dad.

"It was the two of us that tried to go through it together... at the beginning.

"Sadly, it ended up na... ako na lang mag-isa," naiiyak na sabi niya.

Sa pamilya naman daw ni Andi, ang kanyang half-sister na si Max Eigenmann ang una niyang pinagsabihan.

"My sister. My older sister, Max.

"Nagulat siya sobra. Siyempre, naiyak siya, ganyan.

"Then, after that, okay na, ano na, magaan na ang conversation, na excitement na lang."

MOTHER KNOWS BEST. Patuloy niya, "Of course, aside from that, my mom...

"Even if it was my sister Max who I told first, alam ko na yung mommy ko, alam na niya. Nag-suspect na siya.

"Kasi po ano, e, mommy ko siya. Siguro ano, maternal instinct."

Ano ang naging reaksiyon ng kanyang mommy? Nagalit ba ito?

"No, she broke in silence.

"Kasi nakakatakot kasi siyempre, iisipin mo, may sasabihin siya. Pero wala siyang sinabi.

"Alam ko, alam ko na nasaktan ang mommy ko.

"Alam ko umiyak siya. Alam ko she felt really bad about it.

"Pero hindi niya po ipinakita sa akin yun.

"Alam ko na that she knew that I needed, not only a mother who will discipline me or point out what I did wrong, but I know she knew that I need someone who will catch me because I was break... I was falling apart.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Hindi ko na alam ang gagawin ko. I didn’t expect it.

"It wasn’t even about because I’m still young, because I’m not married. No, it wasn’t about that.

"But it was because I knew I was just unready."

At sa lahat ng yun, nandoon daw ang kanyang ina at hindi siya iniwanan.

"Yes, it’s a given na hindi naman niya ako pababayaan.

"Pero alam mo yung alam ko talaga na pwede ko siyang takbuhan.

"Alam ko talaga na wala akong pagkakamali dito.

"Kasi, kahit yung mommy ko, hindi niya ako hinusgahan.

"She knows best."

Ayon pa kay Andi, mas maganda raw ang relationship nila ng kanyang ina ngayon.

"Since I know that I’m going to be a mom soon, subconsciously, nagbago na talaga ako.

"Because I now know that I’ll gonna be facing the struggles, the obstacles, the happiness, the joy that she experienced."

ASKING HERSELF WHY. Kumusta naman ang relasyon nila ng kanyang ama na si Mark Gil, na nagsalita rin noon sa The Buzz tungkol sa pagbubuntis ni Andi?

"We’re very much okay," sagot niya.

"Of course, I live with my mom only, pero you know, my dad makes it a point to always be there, especially now, tatawag siya sa akin ngayon.

"Every day magte-text siya sa akin to ask what I’m doing and if I’m okay, just to tell me randomly how excited he is, ganyan."

Kumusta naman ang mga kaibigan niya?

"I said talaga, ’Huh, funny, I know I would be seeing less of my friends now, you know, now that I’m pregnant, mababawasan yung mga magpaparamdam.’

"Pero hindi. My mom said nga, ’So much of your friends love you.’

"Ang daming tumatawag sa akin for surprise baby showers.

"So, parang natuwa po ako to know that, see, I never intended to be a bad person. Ask my friends.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Dapat kumampi na sila do’n sa mga mapanghusga or hindi na lang nila ako masyadong kinausap kung talagang... if I intended to ruin someone’s life or to be bad. To hurt somebody.

"Para sa sarili ko, kapag napapatanong ako, ’Saan nga ba ako nagkamali? Ano ang ginawa ko?’

"Pero hindi naman, e."

Ano ang nagiging sagot niya kapag tinatanong niya ang sarili niya?

"Dati po, parang sabi ko, ’Was I so much of a bad person to deserve all these?’

"Then, I realized, maybe it is just that God wants me to realize that I don’t deserve those things, and I have to open my eyes to see that things, and I thought na parang punishment kasi tine-take away siya sa akin.

"Siguro, hindi lang meant na maging part sila ng buhay ko.

"Siguro, it’s because I deserve better."

NOTHING TO HIDE. Pagkatapos ng ilang buwan, bakit ngayon ay pinagbigyan ni Andi ang imbitasyon ng The Buzz na magsalita siya?

"Kasi po, wala naman po akong itinatago," sagot niya.

"Gusto ko lang pong malaman ng mga tao na always naman po, ’di ba, every time you ask me something, I always make it a point to be honest.

"Yun nga po ang sinasabi ko, at the beginning of my career, na-interview ako sa The Buzz, at sinabi nila na kapag meron akong naging isyu, paano ko sila haharapin.

"Sinabi ko, basta magiging honest lang ako.

"Kasi kung meron talaga akong nagawa na masama, consequence ko na yun siguro.

"’Di ba, it’s my consequence to face?

"Pero kung wala naman, what’s there to hide about?"

Pero nakapagpatawad na ba si Andi?

Isang buntong-hininga ang pinakawalan ni Andi bago sumagot ng, "Sadly, hindi."

Pero aniya, "But the only reason was because walang nanghihingi ng tawad sa akin, sadly.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"But it’s okay, hindi ko naman sila kailangan."

Nagpasalamat din si Andi sa pagrespeto ng show sa kanyang feelings, at maging sa kanyang pamilya.

Pero willing naman daw siyang sagutin ang lahat ng katanungang ibabato sa kanya, maliban tungkol sa ama ng kanyang anak.

Paliwanag niya, "I don’t want to speak or say any na hindi magustuhan ng iba. You can just ask the person."

HAPPY HEART. Kinamusta rin ni Boy ang lagay ng puso ni Andi ngayon.

"Masaya po ako. Masayang-masaya," nakangiti niyang sagot.

"I’m very much excited for the coming days. Yung magiging buhay ko.

"Excited na excited na ’kong talaga to go through it and this time, I’m going to be stronger."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN