Cherry Pie Picache on Baron Geisler’s apology: "That’s humility, ’di ba, for him to finally admit na may kasalanan siya, to say sorry."

"He deserves a second chance. Ang sa akin lang, sana kunin niya talaga yung opportunity now that’s he’s going back to work and I heard he’s working, to really prove himself na, you know, he became better," says Cherry Pie Picache about Baron Geisler (inset).


Nagkaayos na kagabi, October 11, sina Baron Geisler at Yasmien Kurdi matapos mag-public apology ang aktor at tanggapin ito ng aktres. (CLICK HERE to read related story.)

Bunga nito ay iniurong na ni Yasmien ang kasong Acts of Lasciviousness na isinampa niya kontra kay Baron kaugnay pa rin ng ginawang pambabastos diumano ng aktor sa set ng kanilang taping noong 2009. (CLICK HERE to read related story.)

Ayon kay Baron, nakatulong sa kanya ang kanyang rehabilitation para matuto sa kanyang mga karanasan.

"I’m very happy talaga. Para akong nabunutan ng tinik.

"Ibig sabihin makaka-move forward na talaga ako sa bagong buhay ko.

"Masaya ako at maganda yung walang kaaway," sabi ni Baron sa interview sa kanya ng Bandila.

Hindi lang si Yasmien ang nagsampa ng kaso laban kay Baron.

Hanggang ngayon ay dinidinig pa rin sa korte ang demanda ng dalagang anak nina Yayo Aguila at William Martinez na si Patrizha Martinez dahil din sa pambabastos daw ni Baron. (CLICK HERE to read related story.)

SECOND PUBLIC APOLOGY. Ang paghingi ng sorry kay Yasmien ay pangalawang public apology na ni Baron.

Nauna na itong ginawa ng aktor kay Cherry Pie Picache noong Enero 2011 matapos dumulog at mag-complain din ng pambabastos ang aktres sa Professional Artists Managers Inc. (PAMI), isang samahan ng talent managers kung saan miyembro ang manager ni Cherry Pie na si Ed Instrella.

Ayon sa balita, hinawakan umano ni Baron ang dibdib ng aktres sa taping noon ng ABS-CBN teleserye na Noah, kung saan pareho silang kasama sa cast.

Lasing umano si Baron nang sumalang sa taping, at nagalit naman si Cherry Pie dahil sa nangyari sa kanya. (CLICK HERE to read related story.)

Agad na tinanggal ang karakter ni Baron sa Noah matapos ang insidente. At nauwi rin ito sa pagsasampa ni Cherry Pie ng formal complaint sa PAMI at sa ABS-CBN.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa statement na inilabas ng PAMI noon, pinagbawalan nila ang kanilang talents na makipagtrabaho kay Baron hanggang sa panahong "fully rehabilitated" na siya. (CLICK HERE to read related story.)

Ito naman ang nagtulak kay Baron noon para ituloy na niya ang pagpasok sa rehabilitation center para magamot na niya ang pagkalulong niya sa pag-inom ng alak.

Tumagal din ng mahigit anim na buwan sa rehab ang aktor.

CHERRY PIE REACTS. Nagkataon namang bisita kagabi, October 11, sa Bandila si Cherry Pie Picache.

Sa live interview ni Boy Abunda kay Cherry Pie, hiningan ng reaksyon ang aktres tungkol sa ginawang public apology ni Baron.

"That’s very good," umpisa niya.

"Just like what you said kanina, Tito Boy, he deserves a second chance.

"Ang sa akin lang, sana kunin niya talaga yung opportunity now that’s he’s going back to work and I heard he’s working, to really prove himself na, you know, he became better.

"Tapos talagang gusto na niyang i-improve yung sarili niya.

"Yun, tapos huwag na niyang uulitin yung mga ginawa niya.

"And that’s humility, ’di ba, for him to finally admit na may kasalanan siya, to say sorry."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN