Alice Dixson denies separation rumors anew

Alice Dixson, on the possibility of her husband succumbing to temptation: "You know what, if he does, make sure I don’t find out. Hindi mo naman mako-control ang isang tao, right? But I trust him."


"Physically, hiwalay kami. He’s there [sa Canada], nandito ako."

Ito ang nakangiting sagot ng aktres na si Alice Dixson nang tanungin siya ng media tungkol sa mga usap-usapang hiwalay na sila ng kanyang asawa na si Ronnie Miranda.

Muli na naman kasing lumabas ang isyu na ito dahil nagbalik-Pilipinas ang aktres, matapos ang ilang taon, para gawin ang kauna-unahang teleserye ng TV5 na Babaeng Hampaslupa.

Pagkatapos nito ay muling magbabalik sa telebisyon si Alice bilang Paulina Valdez sa upcoming TV series na Glamorosa, kung saan makakasama niya si Lorna Tolentino.

"Siguro para may mapag-usapan. But it’s not true," muling paglilinaw ni Alice sa panayam sa kanya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal at iba pang media sa isinagawang set visit kahapon, Oktubre 11, sa Brgy. Addition Hills, Mandaluyong City.

Ayon kay Alice, nang matapos ang Babaeng Hampaslupa, umuwi siya sa Vancouver, Canada, kung saan nakabase sila ngayon ng kanyang asawa.

Bumalik na lamang siya kamakailan para gawin ang kanyang ikalawang teleserye sa Kapatid network.

Kwento niya, "Actually, he asked me to stay a little bit longer. September 30 kasi was the launch of BC Place in Vancouver.

"He asked me to stay because his company was putting up the first gigapixel camera, a 360-degree camera that goes underneath the scoreboard.

"He wanted me to stay but I couldn’t."

Hindi raw ito madali para kay Alice, katulad ng ibang mag-asawang nagkakahiwalay dahil sa trabaho.

"I cannot stay because I made a commitment. So, I have to complete [my contract]," sabi ni Alice.

"It’s hard. Like, I love to see his achievements. I’m really proud of him. Parang I wish I can be there."

Imposible rin naman daw na manatali rito si Ronnie dahil abala ito sa kanyang trabaho na may kinalaman sa gigapixel photography.

Gayunman, sabi ni Alice, bumibisita naman daw ang kanyang asawa rito sa Pilipinas.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

NO JEALOUSY. Dahil sa malayo sa isa’t isa, posible na magkaselosan ang mag-asawa lalo pa’t si Alice ay napapareha sa mga lokal na aktor sa kanyang mga proyekto.

Sabi ni Alice, hindi na raw ito problema sa kanilang mag-asawa.

"He wouldn’t let me work here for so long kung wala kaming trust sa isa’t isa," sabi ni Alice.

Dagdag pa niya, "Wala naman siyang magagawa, malayo siya.

"But like I said, respetuhan lang.

"He doesn’t tell me what to do in my line of business. I also don’t tell him what to do.

"Even if I could tell him, I wouldn’t tell him what to do.

"Sometimes he asks for my advice.

"Sometimes he asks me about, let’s say, his business and I give my two cents, only if he asks me."

Sa kanyang parte naman, aminado siya na may pagkakataong nagseselos din siya. Subalit tiwala raw siya kay Ronnie.

"You know what, if he does, make sure I don’t find out," pabiro pa niyang sabi.

"Hindi mo naman mako-control ang isang tao, right? But I trust him.

"What he does with that trust, it’s up to him.

"I mean, siguro mag-iisip din siya kung gagawin ko rin sa kanya ’yon.

"Siguro hindi rin naman niya gusto ’yon. So, respetuhan na lang."

NO PLANS OF HAVING A CHILD. Matagal-tagal na ring kasal sina Alice at Ronnie, kaya naman naitanong ng press sa kanya kung kailan ba nila balak na magkaroon ng anak.

Panandalian umiling si Alice at saka sinabi, "Early on, we wanted to wait.

"We did both want to have kids right away.

"But after we lived abroad for a long time, na kami lang dalawa, nasanay na kami.

"It wasn’t really a prayer to us anymore.

"’Yon, we decided eventually that we didn’t want to have kids and we’re happy just the two of us."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Alam ni Alice na marami ang maaring hindi maintindihan ang kanilang desisyon.

Gayunman, sinabi niya na, "We’re happy. A lot of people don’t really get that’s the way we want.

"It’s not like I can’t have kids. I can have kids.

"Actually, all my charities are for street children, orphanages, and I protect kids.

"But for me to have my own, parang...

"Maybe may mga taong who really want to be a mother."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN