Tween star Joyce Ching denies sitting on Kristoffer Martin’s lap

Joyce Ching on rumor that she was seen sitting on Kristoffer Martin’s lap: "’Di naman po kasi maganda, na kababae kong tao kakandong ako kay Kristoffer in front of many people. Dyahe, ’di ba? Biruin mo, sabi sa tsismis, sa set daw ng mga shows namin [ako nagpakandong], e, ’di nakita na kami ng mga staff at ng director namin. Pati mga kapwa naming artista nandun. Ano na lang ang iisipin ng mga nakakakita sa amin, if ever ngan



Hindi raw apektado ang young star na si Joyce Ching, isa sa cast ng Ikaw Lamang Ang Mahahalin ng GMA-7 sa mga tsismis patungkol sa sobra-sobrang sweetness daw nila ng kanyang ka-loveteam na si Kristoffer Martin.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Joyce recently at pinabulaanan niya ang balita.

SWEETNESS-TO-THE-MAX? Alam daw ng mga taong malalapit sa kanila ni Kristoffer kung ano ang katotohanan.

"Hay naku, tinatawanan na lang namin ni Kristoffer yung mga negatibong tsismis sa aming dalawa dahil wala namang katotohanan ’yun," simula niya.

"Hindi naman siguro masamang maging close kami sa isa’t isa dahil kami ang magka-loveteam at kami ang laging magkasama at magkausap.

"Si Kristoffer kasi, normal na sweet ’yan. ’Di lang sa akin, maging sa ibang girls ng Tween Hearts [youth-oriented show nila] sweet ’yan.

"Pero yung sweetness naman ni Kristoffer, hindi yung sinasabi nilang sobra-sobrang PDA [Public Display of Affection]. Dahil hindi naman talaga ganun.

"Natatawa na nga lang ako at nagulat talaga nung tinanong n’yo ako about ’kandong issue.’

"Dahil wala naman talagang insidente na kumandong ako sa kanya.

"’Di naman po kasi maganda, na kababae kong tao kakandong ako kay Kristoffer in front of many people. Dyahe, ’di ba?

"Biruin mo, sabi sa tsismis, sa set daw ng mga shows namin [ako nagpakandong], e, ’di nakita na kami ng mga staff at ng director namin.

"Pati mga kapwa naming artista nandun.

"Ano na lang ang iisipin ng mga nakakakita sa amin, if ever ngang totoo yung sinasabi nila, ’di ba?

"Hindi maganda, lalo na sa part ko.

"Pero, kahit siguro tanungin nila lahat ng nakasama namin sa tapings, wala talagang ganung insidente."

WE’RE OKAY! Naaapektuhan ba ang samahan nila ni Kristoffer dahil sa mga tsismis na ito?

"Hindi naman," sagot ni Joyce.

"Kasi, pag may mga isyung lumalabas sa amin ni Kristoffer, especially pag hindi maganda, pinag-uusapan namin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kahit kasi hindi pa talaga kami gano’ng katagal na magkakilala ni Kristoffer, okey kami.

"Yung tipong kahit kami lang ang magkasama, masaya kami at nagkakaintindihan.

"Tsaka nag-usap kami na ’di kami basta-basta magpapaapekto sa kung ano man ang nasusulat sa amin, o yung sinasabi ng iba.

"Sa amin kasi, okey naman kami at alam namin ang totoo. Kaya bakit kami padadala sa sinasabi nila?

"Kung ano yung pinagsasamahan naming closeness noong una kaming nagsama sa Endless Love, mas naging close kami ngayon. Walang nabago.

"Basta kung ano yung ’di magandang lumalabas sa amin, pinag-uusapan namin at dinadaan na lang sa tawa."

GOING STEADY? May balita rin na sinagot na daw niya si Kristoffer at may ilang buwan na rin silang magkasintahan.

"Hindi ko pa po siya sinasagot," tanggi ni Joyce, sabay tawa niya.

"Friends lang kami... Ay, special friend pala!" sunod niyang pahayag.

"Mas naka-concentrate kasi kami sa career, right now. Siguro tingnan na lang natin. Pero, promise, ’di pa talaga kami.

"Masyadong bata pa po kami para diyan. At marami pa kaming bagay na gustong mangyari sa career namin.

"Okey na maganda yung samahan namin, pero yung pumasok pa sa mas malalim na relasyon, hindi po muna. Tsaka na lang.

"Alam naman ni kristoffer na priority ko ang career ko. At alam ko rin naman na priority niya yung career niya.

"At napag-uusapan namin yun. Kaya click kami, kasi maraming bagay na pareho kaming gusto."

TOUGH ACT TO FOLLOW. Sa usapang career, bida na siya sa Ikaw Lang Ang Mamahalin.

"Until nga ngayon, hindi pa rin ako makapaniwala. At hindi pa rin mag-sink sa isip ko na ako na yung nasa tarpaulin ng ILAM, kasama sila Barbie Forteza, Joshua Dionisio, at Kristoffer Martin—na bida na ako," natutuwa niyang sagot.

"Okey na kasi sa akin yung kasama ako sa show. Basta ang mahalaga, may project ako. Yun lang, masaya na ako.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kaya nga thankful ako sa GMA-7 at sa mga big boss kasi binigyan nila ako ng ganitong kalaking project at isa ako sa bida."

Nakaka-pressure ba na ang role na ginampanan dati ni Sunshine Dizon ang napunta sa kanya? Hindi maikakailang magaling na aktres si Sunshine, patunay rito ang ilang best actress trophies na niya.

"Kung alam n’yo lang, sobrang pressured ako," bulalas niya.

"Kasi nga, ’andaming nagsasabi sa akin, yung role ni Ate Sunshine ang gagampanan ko.

"Ang galing-galing daw talagang umarte ni Ate Sunshine kaya naman doble effort ako para galingan ko yung role na binigay ko sa akin.

"Sana, kahit hindi ko man mahigitan yung galing ni Ate Sunshine nung ginampanan niya yung role ni Clarissa, mapantayan ko lang at sana magustuhan ng mga manonood.

"Basta gagalingan ko na lang para naman maibalik ko sa GMA-7 yung tiwalang ibinigay nila sa akin na maging isa sa bida ng ILAM."

Ibig sabihin, pangarap din niyang manalo ng award gaya ni Sunshine?

"Oo naman. Sino ba naman ang ayaw manalo ng award? Pero alam kong matagal pa yun.

"Sana dumating yung time na ma-nominate man lang ako sa trabahong ginawa ko, masaya na ako. Lalo na siguro [pag ako] ang manalo.

"Alam kong matagal pa po yun. Pero sana mangyari, kasi sabi nga nila, yung tropeyo bilang pinakamahusay na aktres, o aktor, ang kukumpleto sa isang artista.

"Kaya gusto ko manalo para kumpleto na ang pagiging artista ko.

"Tsaka, sabi nila, iba raw ang feelings ng nanalo ng award.

"Parang nasa heaven [daw]. Gusto ko rin ma-experience yun.

"Alam kong matagal-tagal pa yun, pero hihintayin ko.

"Kaya pinagbubuti ko ang trabaho ko para mapansin nila ako," pagtatapos ni Joyce.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN