Manilyn Reynes doesn’t mind being second choice to Gelli de Belen for Daldalita role

Manilyn Reyenes on getting role for Gelli de Belen because the latter moved to TV5: "Naku, hindi na dapat maging isyu ’yan. Sa edad ko, hindi ko na iniisip ke second choice ako. Ang mahalaga ay may trabaho ako, lalo na ngayong nadagdagan ang pamilya namin."


Balik-trabaho na si Manilyn Reynes pagkatapos ipanganak ang kanilang bunso ni Aljon Jimenez—si Kael Jacob—na two months old na ngayon.

Bukod sa pagbabalik niya sa taping ng Pepito Manaloto noong isang linggo, nagte-taping na rin si Manilyn para sa bago niyang show sa GMA-7—ang Daldalita, na mapapanood na simula sa Lunes, October 17.

"Nakakatuwa lang, it’s really good to be back. Thankful ako sa GMA kasi nung nasa ospital ako, yung help nila, ipinaramdam nila.

"Nasa ospital din ako nung itinawag itong show, na mero’n ngang bago.

"Tapos, yung Pepito [staff] naman has been calling kung kailan ako pwedeng bumalik.

"So, nagpapasalamat po ako. Ngayon, reding-ready na akong magtrabaho.

"Pwede na akong mag-show ulit. Puwede na akong kumanta, mag-commercial, lahat-lahat," masayang pahayag ni Manilyn.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Manilyn sa presscon ng Daldalita na ginanap kagabi, October 12, sa Studio 6 ng GMA-7 Network.

PREGNANCY ORDEALS. Inamin ni Manilyn na nahirapan siya sa pagbubuntis at sa panganganak sa kanyang bunso.

Kuwento niya, "Yung last pregnancy ko, mahirap talaga. Kasi nung six months pa lang, nagka-placenta previa ako."

Ito ay sitwasyon kung saan ang placenta ay nasa pinakamababang parte ng uterus, o womb.

"So, kailangan kong magpahinga for two months. By the time na okay na ako, napaaga naman yung pag-give birth ko.

"Tapos, in-associate ko yung back pains ko, akala ko nagle-labor lang ako.

"’Yun pala may fever ako kasi may dengue ako. Nakuha ko siguro somewhere, hindi ko alam, e, before ako nag-give birth.

"August 25 pa dapat ako manganganak, pero August 7 nanganak na po ako [via caeasarean section].

"Pero, awa ng Diyos, okay na lahat.

"Yung baby ko, nagkaroon ng blood infection, pero okay na siya ngayon."

Pangatlong lalaking anak na ito ni Manilyn. Ang panganay niyang si Kyle ay 15 years old na, ang sumunod na si Kirk ay 9 years old naman.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa ngayon daw ay ayaw na muna nilang sundan ni Aljon ang tatlo nilang anak.

"Mahirap ang buhay ngayon, ’no. As much as possible, huwag muna.

"Pero, kung darating naman at ibibigay ni God, siyempre iwe-welcome namin yung bagong blessing."

SECOND CHOICE. Ginagampanan ni Manilyn sa Daldalita ang role na Katrina, ang tiyahin ni Lolita/Daldalita, played by Kapuso child wonder Jillian Ward.

"Ako ang kapatid dito ni Donna [Cruz], si Carmela, na medyo bitter kay Ogie [Alcasid], si Mateo.

"Ayaw ko siya para kay Carmela kasi medyo poor. Parang feeling ko, hindi maaalagaan yung kapatid ko na may sakit.

"Hindi naman ako kontrabida rito, medyo against lang ako sa relationship [nila].

"Eventually, ako ang mag-aalaga kay Lolita, kay Jillian. Kasi mauulila nga siya sa ina."

Originally, si Gelli de Belen ang napili para sa role na Katrina. Pero lumipat na nga si Gelli sa TV5 kaya napunta na kay Manilyn ang role.

"Wala raw problema kay Manilyn kahit na second choice lang siya.

"Naku, hindi na dapat maging isyu ’yan. Sa edad ko, hindi ko na iniisip ke second choice ako.

"Ang mahalaga ay may trabaho ako, lalo na ngayong nadagdagan ang pamilya namin."

Sa isang interview kay Gelli, sinabi nito na masaya raw siya at kay Manilyn napunta ang role dahil alam niyang magaling din na artista ito.

"Naku, thank you naman kay Gelli. Wala namang problema sa amin yung ganyan," sambit naman ni Manilyn.

DALDALITA IN THE PAST. Feeling ba niya nung kabataan niya ay naging daldalita rin siya dahil sa kanilang Triplets with Sheryl Cruz at Tina Paner ay siya ang pinakamadaldal?

"Ay, oo, promise, oo!" bulalas niya.

"At ten years old ko noon, sabi ko nga yung picture ni Jillian na nakaganun [naka-pose sa tarpaulin], may picture akong ganun.

"Same na same na naka-bangs pa. Ipapakita ko nga ’yun sa kanila."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

So, nakaka-relate siya sa role ni Jillian?

"Oo, at saka nakikita ko yung sarili ko kay Jillian."

Ano naman ang ina-admire niya kay Jillian?

"Si Jillian, alam mo, walang kapaguran ’yang batang ’yan. Madaldal talaga siya in real life, pero mabait at sweet.

"Ang wish ko lang sa kanya, tumangkad siya, na hindi nangyari sa akin!" natatawang sabi ni Manilyn.

WORKING AGAIN WITH OGIE. Biniro naman si Manilyn ng mga press na kasama niya sa Daldalita ang dating ka-loveteam na si Ogie. Hindi ba niya naging boyfriend si Ogie noon?

"Hindi naman talaga naging kami. Wala talaga," sabi niya.

Masaya lang daw siya na nakasama niya ulit sa trabaho si Ogie.

"Masaya kasi, iba pa rin yung nagtatrabaho ka na kakilala mo yung katrabaho mo.

"Yung alam n’yo kung paano yung isa’t isa na magtrabaho. Alam n’yo kung paano umarte."

Ano ang ina-admire niya kay Ogie?

"Si Ogie kasi pag nagtrabaho, trabaho talaga.

"Yung ibig sabihin, alam niya na kailangang umuwi at the end of the day, pero habang nasa trabaho, ang state of mind nasa trabaho.

"Wala yung iiwan ang trabaho dahil kailangan kong umuwi sa bahay. Kailangan yung ganito.

"Kung magtatrabaho, magtatrabaho. Yun ang maganda sa kanya."

BABY KAEL’S CHRISTENING? Wala pa raw schedule ang binyag ng bunso niya. Pero naisip niya bang kuning ninong si Ogie?

"Ninong na siya ni Kirk, e."

Paano kung siya naman ang kuning ninang ni Ogie para sa baby nila ni Regine Velasquez?

"Hindi pa namin napag-uusapan ni Ogie. Pero kung kukunin niya ako, walang problema sa akin."

Sa ngayon ba, may lineup na ba siya ng kukuning ninong at ninang for Kael?

"Sa Pepito Manaloto, definitely may mga kukunin ako."

So, si Michael V. pasok na sa lineup?

"Gusto po namin ni Aljon na i-ask si Bitoy [palayaw ni Michael V.] kung okay sa kanya."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Paano ang pag-aalaga sa bata ngayong balik-trabaho na siya?

"Ang usapan talaga namin ni Aljon, kapag ang isa sa amin may trabaho, dapat ang isa sa amin nasa bata talaga.

"Kunwari kapag nasa business namin siya, ako ang maiiwan sa bahay.

"Pag ako ang may trabaho, siya naman ang maiiwan. Hindi pwedeng sa yaya lang."

Ano ba ang business na pinagkakaabalahan ni Aljon?

"Food business, food carts, ganun. Actually, inaayos ulit namin kasi nag-stop kami e."

Ano ang products nila?

"Ngayon, ang gusto namin medyo Japanese naman. Pero, wala pang konkreto, kaya mahirap pang sabihin talaga kung ano."

MISSING SINGING. Mas napapanood siya ngayon na umaarte. Hindi ba niya nami-miss ang singing career niya?

"Ay, nandiyan pa rin naman po. ’Yun naman talaga ang hindi ko iniiwanan dahil personal love ko ’yun, e."

Kailan ba siya magko-concert ulit?

"Concert, hindi ko lang po alam. Pero, once in a while, nagsu-show pa rin ako.

"Hindi kasi pwedeng iwanan, kasi music po talaga yung hilig ko, e.

"So, nagsu-show pa rin po ako sa probinsiya, mero’n din po sa abroad," sabi ni Manilyn.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN