Bea Alonzo finally admits six-month relationship with Zanjoe Marudo

Bea Alonzo narrates how she said ’yes’ to Zanjoe Marudo: "Nagulat siya, akala niya hindi totoo! Actually hindi nga, e... wala ngang ano, e... hindi naman sa pinaplano. Hindi siya talagang ano... yung sinet-up gano’n. Nag-dinner lang kami, hindi siya ’yong tinanong niya ako, lumuhod siya... hindi gano’n, e. Hindi na niya ako tinanong, ako na lang [sumagot]: ’Okey na ’ko, ready na ’ko.’"


Noong una’y ayaw pang sabihin ni Bea Alonzo kung ano na talaga ang estado ng relasyon nila ni Zanjoe Marudo.

Ngunit nang lapitan siya ng mga entertainment press, at nabasa sa cover ng isang glossy magazine ang quote mula kay Zanjoe na: "It’s official—kami na," natawa na lang si Bea at walang nagawa kungdi aminin na: "Six months [na kami]."


Dagdag pa niya: "Magse-seven months na pala kasi it was on March 16 [ang araw kung kailan niya sinagot si Zanjoe].

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ng ilang entertainment press si Bea kaninang tanghali, Oktubre 13, sa kanyang birthday presscon sa Restaurant 9501 sa 14th floor ng ELJ Building sa Quezon City.

"Nagulat siya, akala niya hindi totoo!" natatawang kinuwento ni Bea.

"Actually hindi nga, e, wala ngang ano, e, hindi naman sa pinaplano.

"Hindi siya talagang ano... yung sinet-up, gano’n...

"Nag-dinner lang kami, hindi siya yung tinanong niya ako, lumuhod siya, hindi gano’n, e...

"Hindi na niya ako tinanong, ako na lang [sumagot]: ’Okey na ’ko, ready na ’ko.’"

OUT IN THE OPEN. Matagal din inilihim sa publiko nina Bea at Zanjoe ang kanilang relasyon, bagamat madalas silang makitang magkasama at sweet sa isa’t isa.


(CLICK HERE to view sweet pics of Bea and Zanjoe during Bea’s 24th birthday bash)

Kapansin-pansin na blooming si Bea, at ang rebelasyon niya na ito ang nagpaliwanag kung bakit.

Ngunit, nadagdagan pa daw ang sayang ito ngayong alam na ng publiko ang totoo.

"Mas magaan," mabilis na sagot ni Bea.

"Kasi nga, hindi mo na kailangang mag-explain sa mga tao, ngayon lang ako nag-e-explain."

Samantala, sa halos pitong buwan na nilang relasyon, sinabi ni Bea na hindi naman gaanong issue ang pagseselos.

Paliwanag niya, "Kasi kami, we don’t talk about the past.

"In fairness naman sa kanya, hindi rin naman siya flirty.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Siguro nga din kasi, nag-start nga ng walang pressure, so parang mayro’n line na we shouldn’t cross, yung mga gano’n.

"Siguro kasi, mayro’n na ring maturity sa aming dalawa."

NO PROPOSALS. Sa darating na weekend ay nakatakdang umalis papuntang Seoul, Korea sina Bea at Zanjoe kasama ang dalawa pa nilang kaibigan.

Si Bea man ang nagplano, si Zanjoe na daw ang nag-ayos ng flights, tutuluyan, at iba pang pangangailangan para sa kanilang trip.

"Ang tagal ko ng gustong pumunta do’n!" bulalas niya.

"Every time na napapanood ko yung mga Korean-novela, talagang parang ang ganda-ganda, ’di ba?

"Tapos, si Zanjoe nakapunta na siya do’n for Maalaala Mo Kaya episode.

"So, sabi niya ang ganda-ganda daw do’n."

Sa Nami Park ang unang tourist spot na gustong puntahan ni Bea.

Romantic ang nasabing lugar, kaya naman hindi maiwasang tanungin si Bea tungkol sa posibilidad na pagpo-propose ni Zanjoe sa kanya doon.

Pero, mabilis na sumagot si Bea: "Hindi niya gagawin ’yon.

"Hindi pa, ang bata ko pa.

"Alam niyang ang sagot ko do’n ay hindi pa, masyado pang maaga."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN