Vina Morales on her lovelife: "First time kong kiligin ulit."

Vina Morales on the possibility of her falling in love again: "Gano’n lang. Nakyu-cute-an lang ako. At least, I’m feeling that already. Noon kasi, hindi. Closed yung door ko. I don’t wanna date. Wala. Wala. Kinikilig ako. Humahaba na yung hair ko."


Dinalaw ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang rehearsal ni Vina Morales kaninang hapon, October 13, sa Studio V, sa may New Manila, Quezon City.

Ang nasabing rehearsal ay para sa kanyang birthday show na Silver Party with Vina Morales na gaganapin sa Republiq Bar sa Resorts World, Pasay City, sa Lunes, October 17.

Ang beneficiary ng nasabing birthday concert ay ang National Children’s Hospital.

Nadatnan namin si Vina na nakasalampak sa sahig habang tinitingnan sa kanyang laptop ang pegs ng kanyang mga susuutin.

Hinihintay pa ang pagdating ng kanyang musical director kaya nagpaunlak muna ng interview ang singer-actress.

"Nakakatuwa nga kasi, mostly friends ang mga manonood," simula niya.

"It’s a small area [referring to the venue]. Plus a big stage. Wow!" excited niyang patuloy.

Guest performers sa Silver Party sina Billy Crawford, Erik Santos, Shaina Magdayao, Gab Valenciano, at Pops Fernandez. Nadagdag din daw si Derek Ramsay.

"And Ciara [Sotto will do a], pole dancing. And then, si Sam Milby pala.

"Si Sam, he will be spinning. Uy! Dumi-DJ siya. Tuwang-tuwa siya kasi yun pala yung hobby niya.

"Kasi naisip ko, ’Ay, club ito, kailangang lambingin ko ito,’" pagtukoy niya kay Sam para raw mag-participate ito.

Sakaling maging successful ang show, may balak ba si Vina na gawin na itong yearly, tuwing birthday niya?

"Mahirap. Stressful. Stressful, e. It’s possible, but I don’t know... yearly? I don’t know.

"For this kasi, it’s stressful to me, kasi biglang nag-decide na lang kami. Di ba, yung Star Records... Dyusko, di ko alam kung ano’ng uumpisahan ko.

"But once na it started [yung planning] from there, and then ang dami nang tumulong.

"Stressful on my side because I have to learn my dance. I have to learn my songs.

"Everything... I have to check on the stage. I have to... alam mo yun? Naka-hands on [ako] talaga [sa] lahat.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"The videos. I have to call [my guests]. I have to sell tickets. I have to call the sponsors.

"Kasi by the end of the year, nakaplano na lahat ng sponsorships nila, e. Lahat ng mga companies, right?

"So, kailangan mo talagang lambingin ang mga ito, ’Please naman be a part of this.’"

VINA GOES DARING. Kasama si Vina sa cast ng ABS-CBN primetime series na Nasaan Ka Elisa? kung saan ay isang kontrabida ang kanyang ginagampanan. Siya si Cecile Altamira-Caceres sa nasabing teleserye.

"Pati ako napapa-’ahh... ako ba ’yan? Shocks, ako ba ’yan?" dahil ibang-iba raw at challenging ang kanyang karakter na ginagampanan.

Challenging nga kasi napapasabak si Vina sa love scenes. Pinag-usapan din ang shower scene niya with Allen Dizon at love scene nila ni Eric Fructuoso.

"Dyusko at my age!" tawa pa niya.

"Of course I have to do that. It’s needed for the character.

"My God, I’m so lucky and blessed to have that character. Actually, hindi, inaral ko talaga yun, e."

Sino ba ang peg niya sa kanyang karakter bilang Cecile? Hollywood actress ba?

"Ang dami. Actually yung iba, di nga kilala, e. Magaling lang yung pagkaarte, e.

"Alam mo yung mga movies nila [sa Hollywood] na di masyadong napapanood? Kumukuha ako ng mga tips do’n, e.

"Hindi ko akalain na gano’n pala istorya. It was given to me a day before our shoot.

"I just said, ’Okay, I wanna do kontrabida. Sige, I’ll do this,’ sabi ko. ’I’ll try it.’

"Kasi puro na lang ako mabait [na roles ang pinu-portray]. Di na yata bagay sa akin ang mabait na lang palagi. And I want something different."

Marami pa bang aabangan sa kanya sa Nasaan Ka Elisa?

"Oh, yeah. Watch the end. Watch the finale!

"Oh, my God! Sobra!" tuwang-tuwa niyang sambit.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Sabi ko nga, I never expected it na ganito yung istorya. Na, ang ganda. Kasi, ang alam ko lang, okay, kontrabida ako.

"Yung magtataray ka lang. Galit, ganyan.

"Hindi. Si Cecile pala is more of... bitter sa ano... very competitive siya, e.

"Ayaw magpatalo. She thinks like a man."

What made her decide to go daring?

"Ay, na-depress ako niyan for a while!" tawa niya.

"Hindi ko kasi alam na gano’n yung mga eksena.

"Natsugi-tsugi na yun. Na-cut-cut na yun," na ang ibig niyang sabihin ay mas mainit at mas mahaba ang original na kinunang shower scene nila ni Allen.

"Oo. But you know, ABS naman, they always take care of their artists. And TV kasi [ipapalabas]. Bawal.

"Shower scene tsaka mero’n akong love scene with Eric.

"Kasi nakakailang kasi after how many years, di ba? After ko pang manganak [tsaka ako nag-love scene].

"Hello, di ba? Sa TV [pa]?

"We’re doing kasi our last scene. Our last taping day, ang ganda. Di ko puwedeng makuwento, e.

"Baka hindi na ninyo abangan. Super nice story. Nakaka-krungkrung.

"Si Cecille nakakakrung-krung siya talaga. Ang galing. Ang galing ng twist ng istorya.

READY TO DATE AGAIN? Both her sister Shaina Magdayao at ang boyfriend nitong si John Lloyd Cruz ay "boring" kung ilarawan nila ang kanilang relasyon.

"Boring?" balik-tanong ni Vina.

"Boring in the sense na walang intriga ngayon sa kanila," paliwanag namin.

"A, oo. I agree. Napansin ko rin naman yun. Hindi na sila pinuputakti ng mga intriga. It’s nice."

Kung "boring" ang lovelife ng sister niya, siya naman, paano niya ide-describe ang sariling buhay-pag-ibig?

"Ha? Ha? Ha?" sunud-sunod niyang tanong na nakangiti. "Mero’n ba? Steady lang."

"Steady ako... sa sarili ko. Kaya ko nang... My God, with or without [a man].

"There was a time na naka-depress not to have a relationship, di ba? Kaya di ko masyadong naiisip yung lovelife.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"I want to go out. Minsan, to meet also other people. Other guys. I don’t want to date kung hindi ko rin type.

"Ayaw ko namang mag-count sa aking fingers, ’Ay, na-date ko si Ganyan, si Ganyan.’

"Pag may attraction naman, pwede siguro. May chance that I could get to know the person. I’m ready for that."

But is she dating somebody now?

"No, e. Zero. I’m not dating. In a way na... may mga [guys] na nakikilig na ’ko.

"Siguro, it started this month. Sabi ko, ’shocks, good news ito. Kinikilig na ulit ako.’

"Kasi, matagal pa lang mawala ano... yung kilig.

"If you’re not ready, maski may tao... may guy sa harap mo, di ka talaga kikiligin. As in dedma siya.

"For the first time, this month, last month, lumabas ako. Kinilig ako.

"Yun bang parang, ’Wow!’ Rare yun. First time kong kiligin ulit. Kilig lang, ha. Hindi pa love.

"Gano’n lang. Nakyu-cute-an lang ako. At least, I’m feeling that already.

"Noon kasi, hindi. Closed yung door ko. I don’t wanna date. Wala. Wala.

"Kinikilig ako. Humahaba na yung hair ko!

"Kung may magustuhan ako, yeah. I’m ready to date."

Kaya steady lang even with the father of her daughter Ceana?

"Steady in way na...because the father and I are good friends.

"Of course, we have misunderstandings. Kasama naman ’yan in any relationship, di ba?

"Nandiyan na iyan, e. Nandiyan na yung anak namin. We always have arguments.

"Right now, mas more ako nakatutok sa anak ko.

"Sa business ko, yung Ystilo [Salon] kasi may mga plano kami with my partners.

"Mukhang mas magbibigay pa ng problema sa akin, di ba?

"Blooming ako ngayon. Walang love... loveless ako.

"Hindi naman. It’s just that, mas magaan.

"Mas magaan kasi wala ka masyadong iniisip kundi yung anak mo lang. Trabaho mo."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

HER PRETTY DAUGHTER. Speaking of Ceana, kumusta na ang kanyang anak?

"She’s doing good. She goes to school. I bring her to Alphabet House. Pre-school lang.

"Kasi nakonsiyensiya ang mommy. Habang nagte-taping [ako], hindi pwedeng madala palagi.

"Masyadong long ang travel [ng location ng tapings]. Kailangan naman progressive siya, di ba?

"Ayaw ko namang iwan siya sa bahay, so she goes to school.

"Marami siyang mga friends. Classmates. So, enjoy siya.

"So, pagdating ni Mommy, ’O, halika na, anak. Kasi nakakaawa, di ba, pag nasa bahay lang.

"Kung dadalhin ko siya palagi sa taping, puyat," pagtatapos ni Vina.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN