Mikael Daez "killed" in Amaya so he can move to another soap

Amaya so he can move to another soap" data-url="https://www.pep.ph/news/31480/mikael-daez-killed-in-amaya-so-he-can-move-to-another-soap" data-desc="Mikael reveals he has a new "girlfriend."" data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/ce3dae314.jpg"> Amaya so he can move to another soap" data-url="https://www.pep.ph/news/31480/mikael-daez-killed-in-amaya-so-he-can-move-to-another-soap" data-desc="Mikael reveals he has a new "girlfriend."" data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/ce3dae314.jpg"> Amaya so he can move to another soap" data-url="https://www.pep.ph/news/31480/mikael-daez-killed-in-amaya-so-he-can-move-to-another-soap" data-desc="Mikael reveals he has a new "girlfriend."" data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/ce3dae314.jpg">

Amaya so he can move to another soap" data-url="https://www.pep.ph/news/31480/mikael-daez-killed-in-amaya-so-he-can-move-to-another-soap" data-desc="Mikael reveals he has a new "girlfriend."" data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/ce3dae314.jpg"> Amaya so he can move to another soap" data-url="https://www.pep.ph/news/31480/mikael-daez-killed-in-amaya-so-he-can-move-to-another-soap" data-desc="Mikael reveals he has a new "girlfriend."" data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/ce3dae314.jpg"> Amaya so he can move to another soap" data-url="https://www.pep.ph/news/31480/mikael-daez-killed-in-amaya-so-he-can-move-to-another-soap" data-desc="Mikael reveals he has a new "girlfriend."" data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/ce3dae314.jpg"> Amaya so he can move to another soap" data-url="https://www.pep.ph/news/31480/mikael-daez-killed-in-amaya-so-he-can-move-to-another-soap" data-desc="Mikael reveals he has a new "girlfriend."" data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/ce3dae314.jpg">

Mikael Daez on why his character in Amaya had to be killed: "Supposedly kasi, dapat may taping na kami for the next show. Nagkataon lang na may delays. As in the week na namatay ako sa taping [ng Amaya], the next week dapat nag-start na kami [for Sundo]. E, hindi naman ako pwedeng magdoble-doble. Grabe naman yun, patay naman... patay talaga ako in real life, ’di ba?"


Isang mas hunky na Mikael Daez ang nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kagabi, October 13, sa thanksgiving mass and presscon para sa epic-serye ng GMA-7, ang Amaya.

Na-extend kasi hanggang January 2012 ang Amaya na nananatiling mataas ang ratings.

Ginanap ang selebrasyon sa 17th floor ng GMA Network Center.

Paghahanda raw ni Mikael para sa bago niyang teleserye ang pagpapalaki pa niya nang husto ng katawan.

Malapit na raw kasing simulan ang Sundo, kung saan makakasama niya sina Dingdong Dantes at Rhian Ramos.

"May inaayos lang sila sa production, then I think soon, maggo-go na kami. Dapat nag-go na kami, may konting delays lang," banggit ni Mikael sa PEP.

DEAD CHARACTER. Dumalo si Mikael sa thanksgiving/presscon ng Amaya kahit patay na sa show ang karakter niya bilang si Lumad.

Alam ba niyang papatayin si Lumad sa Amaya?

"Yes, yes, I was aware. Alam ko naman," sagot niya.

"Nalungkot ako, very, very sad. Tapos nalungkot akong sabihin sa mga kasama ko—sina Sheena [Halili], Pancho [Magno], Dion [Ignacio], etcetera, etcetera...

"Kasi masaya kasi, masaya talaga. But at the same time, of course, nakakalungkot.

"But you have to see that this is a business and like I said, first and foremost, coming into this, being under GMA...

"And this is what they want for me, na pumunta ako sa new show [Sundo] na ’to.

"So, iyon yung gagawin ko and I’m gonna do my best."

Ano ang rason na sinabi sa kanya kung bakit pinatay ang karakter niya?

"Well, end of my character.

"Of course, there’s always a way naman to extend a character’s life, pero may taping na for... supposedly kasi dapat may taping na kami for the next show.

"Nagkataon lang na may delays. As in the week na namatay ako sa taping [ng Amaya], the next week dapat nag-start na kami [for Sundo].

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"E, hindi naman ako pwedeng magdoble-doble.

"Grabe naman yun, patay naman... patay talaga ako in real life, ’di ba?" natatawang pahayag ni Mikael.

Hindi ba sumama ang loob niya na tinanggal siya sa Amaya?

"No! Nalungkot ako kasi sobrang friends ko na silang lahat.

"Kasi lahat kami, pag may napapatay [ang character]—si Tito Roy [Alvarez], si Yoyo Awi, laging malungkot. Kasi alam mo ’yun, sa tagal ng samahan namin, e.

"Especially yung mga road trips, sa Davao, Cebu... alam mo ’yun?

"Nagiging close talaga kaming lahat, lahat kami close na kami.

"So, iyon yung nakakalungkot—yung friendships na maiiwan.

"Pero of course, I have to be excited kasi, in terms of opportunities, bagong opportunity naman ’to.

"So, ganun."

RHIAN RAMOS. Gaya ng nabanggit, makakasma ni Mikael sa bago niyang show sa GMA-7 si Rhian Ramos. Handa na ba siyang ma-link sa young actress?

"Well, like I said, ’yang mga kung anu-anong link-link, intriga, isyu na andiyan, it will always be there.

"Basta ako, focus on my work.

"Second show ko pa lang ito, follow-up to Amaya, I have to show na I’ve improved, na may baon ako galing Amaya, na I deserve getting another project that’s very good.

"Iyon yung focus ko," saad niya.

May ilang nagsasabing si Mikael daw ang magiging rason para hindi magselos si Marian Rivera kay Rhian over Dingdong Dantes. Malamang daw kasi na sina Mikael at Rhian ang ma-link.

Ano ang masasabi ni Mikael dito?

"A, well, I don’t know. Mga intriga at isyu na lang ’yan.

"Ako, just focus on my work," ulit niya.

NEW "GIRLFRIEND." In a previous interview, sinabi ni Mikael na ang "girlfriend" niya ay ang laptop niya. Kaso nga lang ay nanakaw ito recently sa isang hosting event niya. (CLICK HERE to read related story.)

Napalitan na naman daw niya ito, kaya may bago na siyang "girlfriend."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Siyempre, bumili ako ng bagong girlfriend!" tumatawang sabi ni Mikael.

Mas mahal ba ang bago niyang "girlfriend"?

"Dati MacBook PRO yung gamit ko, ngayon gamit ko MacBook Air.

"Halos same price lang naman, mas magaan lang kasi siya.

"Yung MacBook PRO, mas malakas, e, hindi ko naman kailangan ng malakas, hindi naman ako nag-e-edit ng video or kung anu-ano."

Nahirapan ba siyang maka-move on sa pagkawala ng una niyang laptop na mahal na mahal niya?

"Nag-move on na ako, thankfully, pero... nag-move on na talaga ako.

"Yung mga files ko dun, I just thought about it... I mean, past is past, marami pa namang mangyayari in the future, so ganun na lang."

E, kumusta naman ang totoong lovelife ngayon ni Mikael?

"Well, the gym and my laptop, bago na, may bago na—dalawa na yung lovelife ko!" tawa niya ulit.

Gaano siya kadalas mag-gym?

"I try to go... ngayon na wala pa naman kaming taping, siguro four to five times a week, an hour and a half to two hours lang."

Amaya so he can move to another soap" data-url="https://www.pep.ph/news/31480/mikael-daez-killed-in-amaya-so-he-can-move-to-another-soap" data-desc="Mikael reveals he has a new "girlfriend."" data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/ce3dae314.jpg"> Amaya so he can move to another soap" data-url="https://www.pep.ph/news/31480/mikael-daez-killed-in-amaya-so-he-can-move-to-another-soap" data-desc="Mikael reveals he has a new "girlfriend."" data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/ce3dae314.jpg"> Amaya so he can move to another soap" data-url="https://www.pep.ph/news/31480/mikael-daez-killed-in-amaya-so-he-can-move-to-another-soap" data-desc="Mikael reveals he has a new "girlfriend."" data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/ce3dae314.jpg">


Amaya so he can move to another soap" data-url="https://www.pep.ph/news/31480/mikael-daez-killed-in-amaya-so-he-can-move-to-another-soap" data-desc="Mikael reveals he has a new "girlfriend."" data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/ce3dae314.jpg"> Amaya so he can move to another soap" data-url="https://www.pep.ph/news/31480/mikael-daez-killed-in-amaya-so-he-can-move-to-another-soap" data-desc="Mikael reveals he has a new "girlfriend."" data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/ce3dae314.jpg"> Amaya so he can move to another soap" data-url="https://www.pep.ph/news/31480/mikael-daez-killed-in-amaya-so-he-can-move-to-another-soap" data-desc="Mikael reveals he has a new "girlfriend."" data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/ce3dae314.jpg"> Amaya so he can move to another soap" data-url="https://www.pep.ph/news/31480/mikael-daez-killed-in-amaya-so-he-can-move-to-another-soap" data-desc="Mikael reveals he has a new "girlfriend."" data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/ce3dae314.jpg">

WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN