Isabel Oli doesn’t care about Gab Valenciano’s past relationships

Isabel Oli on relationship with Gab Valenciano: "Ito naman, as I’ve said, sinasabi ko talaga sa kanya na, ’Eto, panibagong relationship, bago talaga.’ Nag-start kami, clean slate. As in, sinasabi niya sa akin lahat. Ako, sinasabi ko rin sa kanya lahat. As in, bago talaga. Hindi namin kinu-compare ang past namin."


Kahit nasa pangangalaga na siya ngayon ng Viva Artists Agency (VAA), nananatili pa ring Kapuso si Isabel Oli star dahil may kontrata pa siya sa GMA-7.

Masaya naman daw si Isabel sa Kapuso network, gayundin sa bago niyang management, ang VAA.

"Happy naman ako. I think, plan ng Viva is more on hosting, drama. Doon nila ako ilalagay.

"And hopefully, magka-album. Dream ko lang yun," nakangiting sabi ng actress-TV host sa presscon ng Daldalita noong Miyerkules, October 12.

Pero ayon kay Isabel, isa raw yun sa napag-usapan nang pumirma siya sa Viva.

BIDA/KONTRABIDA. Sa pagkakaalam ni Isabel, sa third week pa lalabas ang character niya sa Daldalita. Si Isabel ay si May, ang mabait na teacher ni Jillian Ward (Daldalita).

Sa last soap niya sa GMA-7 na Captain Barbell ay mabait din ang character na ginampanan ni Isabel.

Mas kumportable ba talaga siya sa mababait na roles?

"Well, yun siguro ang sa tingin nila na bagay.

"Pero nagkontrabida na rin ako before, as in—Maging Akin Ka Lamang at Kaya Kong Abutin Ang Langit.

"Sobrang kontrabida naman ’yun and psycho na nga actually.

"Ngayon, parang nilalagay naman ako sa mabait. Actually, kahit ano naman," saad niya.

Pero ang malabo raw niyang gawin ay ang sexy roles. Hindi raw talaga siya kumportable kahit pa nasa Viva na siya ngayon.

"Yung sexy, malabo talagang mangyari yun. Ayaw. Hindi ako kumportable do’n.

"Alam naman ng Viva ang pwede lang at hindi.

"Alam naman nila before kami nag-sign ng contract, nag-meeting kami talaga. And sobrang okay naman sila.

"Even Ma’am Annette [Gozon-Abrogar, GMA Films president], nag-usap naman kami before nag-network contract.

"Pareho naman, nag-meet naman yung mga gusto namin."

Dahil nasa Viva na siya, nabanggit namin ang ilang mga pelikula na gawa ng film company ni Vic del Rosario. Gaya na lamang ng No Other Woman, kunsaan nagpatalbugan sa kaseksihan at pagiging daring sina Anne Curtis at Cristine Reyes.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Yung mga ganoong eksena kaya ay okay lang kay Isabel?

"Kung may ganoon ba akong katawan, why not?" natatawa niyang sabi.

Pero binawi rin niya ito at sinabing, "Biro lang..."

"Nag-ano naman ako, sexy.

"Yung sa Maging Akin Ka Lamang, nagtu-two-piece ako do’n e. Tapos nagla-love scene din ako do’n.

"Okay lang naman. Depende talaga kung kailangan na kailangan."

GAB VALENCIANO. Pagdating naman sa kanyang lovelife, mas open na ngayon si Isabel na pag-usapan ang relasyon nila ng kanyang boyfriend na si Gab Valenciano.

"Okay kami, happy, happy. Two months pa lang, e, magti-three pa lang," banggit ng aktres nang tanungin siya tungkol dito.

Paano niya ide-describe ang three-month relationship nila?

"Masaya, masaya talaga.

"Ano kasi, si Gab, sobrang makalog. He’s so kalog.

"Sobrang walang dull moment when you’re with Gab."

Aware daw si Isabel sa mga isyu kay Gab tungkol sa mga ex-girlfriends nito, gaya ni Rachelle Ann Go.

Pero hindi naman daw siya nagpapa-apekto sa past issues ng kanyang boyfriend.

Katwiran ni Isabel, "For me lang, ang tao, nagtsi-change talaga.

"Ako, hindi ako perfect, and he’s not perfect.

"So, for me, para sa akin, ito, chance niya.

"At sa pagkakakilala ko, hindi siya ganyan. So, yun...

"At saka, two months pa lang, pero nagdi-date rin kami matagal na.

"Mas matagal yung dating period, nag-friends muna kami. May ilang months din yun, e."

Ano ba ang mga nagustuhan niya kay Gab?

"Una siguro, he’s a Christian.

"Number two, he’s really nice. Mapagmahal sa pamilya. Sobrang halos doon kami pareho, e.

"He’s really sweet."

Totoo bang ang pagiging "romantic" ni Gab ang isang asset nito?

"Sobra, cheesy!" pag-amin ni Isabel.

"E, ganoon din ako. Naku, ang baduy naming dalawa!

"E, I’m sure, ’yun din naman ang gusto ng mga babae.

"Kahit yung iba, nahihiya, ako, sobrang ’yun talaga."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kung ganun din si Gab sa kanyang naging ex-girlfriends, bakit sa palagay niya ay nauwi pa rin ang mga relasyon nito sa breakup?

"Ito naman, as I’ve said, sinasabi ko talaga sa kanya na, ’Eto, panibagong relationship, bago talaga.’

"Nag-start kami, clean slate.

"As in, sinasabi niya sa akin lahat. Ako, sinasabi ko rin sa kanya lahat.

"As in, bago talaga. Hindi namin kinu-compare ang past namin."

Kumusta naman ang relasyon niya sa pamilya ni Gab?

"Okay naman, okay... sobrang supportive sila.

"Yung mommy niya [Angeli Pangilinan], nagti-text, and si Tito Gary [Valenciano] nagti-text.

"And noong na-hospital ang dad ko, inatake, nandoon talaga sila. Nag-pray sila for my dad," sabi ni Isabel.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN