Arnold Reyes on why Erik Santos was let go by Backroom: "Siguro naipon yung mga tampo ng tao sa kanya, tampo niya dun sa mga tao."

Unlike his friend Erik Santos who was let go, Arnold Reyes (above) says he is staying with Boy Abunda’s Backroom.

"I’m staying definitely... Hindi ko naman po masasabing mas maayos akong katrabaho, siguro yung sa sitwasyon ni Erik, baka feeling ko lang naipon nang naipon nang naipon nang naipon."


Talent ng Backroom, Inc. ni Boy Abunda ang actor/singer na si Arnold Reyes, kaya nang nakausap ng PEP.ph (Philippines Entertainment Portal) si Arnold sa presscon ng Daldalita kagabi, October 12, sa Studio 6 ng GMA TV Complex, ang tungkol sa hiwalayan nina Mr. Abunda at Erik Santos ang aming unang inusisa.

"Naku! Puwede bang ano, sa ibang araw na lang natin pag-usapan yan," ang tumatawang pag-iwas ni Arnold sa aming tanong.

Pero eventually ay nagpahayag rin ng kanyang saloobin si Arnold.

"Siyempre nagulat ako kasi alam naman nating lahat na si Erik Santos, nag-start sa amin from zero, di ba? So ang dami nang pinagsamahan, ang dami nang nangyari, tapos biglang... siguro actually, hindi ko rin maintindihan."

Close sila ni Erik; friends sila.

"Siyempre, oo! Actually bago siya... ako nagpasok sa kanya sa Backroom."

Nagkausap sila ni Erik bago ito umalis sa Backroom.

"Marami kaming pag-uusap bago mangyari yun."

Sa tanong kung ano ang pinag-usapan nila, tawa muna ang isinagot ni Arnold.

"Actually iyon yung time na... actually yung time na di ba, nagkakasakit na nga ang mommy ni Boy, si Nanay Lucing medyo mahina, so gusto niyang i-turn over yung Backroom sa mga empleyado.

"Basically ang alam ko lang tinanong niya yung opisina kung sino yung gustong i-let go. Kasi ang opisina ang nakakaalam, kasi sila yung nakakasama ng artists, lahat lahat.

"Parang iyon yata yung lumabas, na si Erik ang...

"May kanya-kanya siguro silang pinagdaanan siguro, na hindi ko naman masabing problema."

Pinagdaanang issues?

"Siguro, kay Erik."

Ang majority ay si Erik ang piniling bitiwan?

"Hindi ko masabing majority pero parang lumalabas siguro ganun kasi siyempre kasi siya yung tinanggal."

BOY’S MEMO. At nakarating nga kay Erik...

"Alam naman ni Erik yun e, alam naman ni Erik yun. I’m sure... nilabas naman ni Boy yung memo, di ba?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Nilabas naman ni Boy yung memo, pinrint naman e, so nandodoon yung pinakabuod nung [mga dahilan at pangyayari].

"Actually nung presscon nung album niya [Erik], parang hindi naging malinaw yun, e. So ang ginawa after nun si-net na ni Boy yung... actually si Boy ayaw magsalita, gusto ni Boy na tahimik lang, e. Kaso marami ng misconception, marami ng ano, ibang haka-haka so sabi ni Boy, yun na, ni-let go na niya."

Prime talent ng backroom si Erik.

"Yeah," pag-sang-ayon ni Arnold.

Bakit siya ni-let go?

"Siguro ang makakasagot niyan.... mga empleyado."

Pero si Arnold, ano ang pagkakakilala niya kay Erik?

Mahirap bang katrabaho? May attitude ba?

"Si Erik bilang kaibigan, mabait si Erik, mabait. Bilang katrabaho, napaka-professional, alam na naman natin, hindi mapagdududahan yung galing.

"Ako naging producer niya ako sa... so many times, sa mga kanta niya sa album niya. Like ngayon, producer ako ng isang song dun, yung ’Paglisan,’" sa album niya.

"Wala kang masasabi."

So bakit siya ni-let go ng karamihan ng mga empleyado?

"Ang makakasagot niyan talaga yung office e, opisina e, kasi sila ang concerned talaga diyan, e. Kasi ako kaibigan lang talaga ako e.

"Pero bilang producer wala kong reklamo kay Erik, sobrang galing, sobrang professional. Attitude? Bilang katrabaho, wala!

"Ako ha, as a producer ha, as a producer.

"Pero di ba kahit magkakapatid naman sa pamilya, kahit magkakapatid nagkakaroon ng hindi pagkakaunawaan? Feeling ko ganun ang nangyari."

SAD WHEN ERIK LEFT. Ikinalungkot ito ni Arnold.

"Siyempre nalungkot ako kasi unang-una, sanay kami na may Erik Santos lagi, kahit saan, kahit saang event. Kamustahan sa opisina, laging naririnig ko ang pangalan ni Erik.

"Isa nga siya sa top ano namin, ngayon wala na, wala ng Erik Santos na naririnig."

At si Arnold, kahit wala na si Kuya Boy sa Backroom...

"I’m staying definitely. "

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi siya binitiwan ng Backroom, ibig sabihin ba ay mas matino siyang katrabaho kaysa kay Erik?

"Hindi ko naman po masasabing mas maayos akong katrabaho, siguro yung sa sitwasyon ni Erik, baka feeling ko lang naipon nang naipon nang naipon nang naipon."

Ang alin ang naipon?

"Siguro naipon yung mga tampo ng tao sa kanya, tampo niya dun sa mga tao parang ganun, mutual naman siguro. Nagkaroon lang ng tampuhan."

Si Arnold nagkaroon rin ng tampuhan noon with Erik...

"Oo before. Ang pagkakaibigan naman, nagkakaroon naman ng mga tampuhan. Naayos naman, naayos naman."

Tungkol saan ang naging tampuhan nila ni Erik?

"Basically, yung samahan. Personal, personal, hindi sa work.

"Definitely si Erik, hindi mo maaano sa work e, kasi napaka- professional niya, napakagaling, unquestionable iyon."

And speaking of career and profession, for the first time ay mapapanood sa isang soap opera ng GMA si Arnold, at ito nga ay sa Daldalita na mapapanood na sa Lunes ng hapon, October 17.

Bida dito ang child wonder na si Jillian Ward bilang si Daldalita/Lolita at sina Ogie Alcasid bilang Mateo, Manilyn Reynes bilang Katrina, Rufa Mae Quinto bilang Cherry, Isabel Oli bilang Teacher May, Marc Abaya bilang Sam, Julie Ann San Jose as Marga, Elmo Magalona bilang Gino, Spanky Manikan bilang Dr. Manny Manuel, Joey Paras bilang Chi-chi at si Arnold nga bilang si Arthur.

May special guest role naman ang comebacking actress/ singer na si Donna Cruz. Ang serye ay sa direksyon ni Don Michael Perez.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN