Alice Dixson plays a contravida in Glamorosa

Kung sa huling series ni Alice Dixson sa TV5 na Babaeng Hampaslupa ay mabait at inaapi ang role niya, iba naman ngayon sa bagong series na Glamorosa, kunsaan isa siyang matinding kaaway ng co-star niyang si Lorna Tolentino.


Malaking challenge para kay Alice Dixson ang mabigyan siya ng kontrabida role. Mas nagkakaroon daw siya ng pagkakataon na mag-experiment sa isang role na malayo sa kanyang tunay na pagkatao.

Kung sa huling series ni Alice sa TV5 na Babaeng Hampaslupa ay mabait at inaapi ang role niya, iba naman ngayon sa bagong series na Glamorosa, kunsaan isa siyang matinding kaaway ng co-star niyang si Lorna Tolentino.

"My role here as Paulina Valdez is such a scheming bitch," tawa pa ni Alice.

"Marami akong gagawin dito to make Lorna’s character Natalia Herrera suffer. Malalim ang pinanggalingan ng galit ko kay Natalia. Kaya I want to make her life miserable here.

"Pag-aagawan din namin ang isang lalake na si Karl Marciano, played by Zoren Legaspi. I will manipulate them both and eventually may isang masasaktan.

"Hanggang doon na lang muna because marami pang mangyayari. You know naman what happens to soap dramas, ’di ba? May basic formula talaga. But we are presenting [it] in a different way. Magmumukha siyang bago sa lahat."

NO STRANGER TO BAD GIRL ROLES. Hindi na bago si Alice sa paglabas bilang kontrabida dahil ilan sa mga pelikulang ginawa niya ay lumabas na rin siyang masama.

"If you can recall the movie, Pangako Ng Kahapon, kontrabida ako roon. I was the evil half-sister of Donna Cruz and Agot Isidro.

Pinahirapan ko sila sa movie na yon. But in the end, good always prevails at natatalo ang masama.

"Direk Joel Lamangan gave me that character na noong una, I was very hesitant [to do]. Feeling ko kasi hindi ko kaya at parang hindi naman bagay sa akin. But that was what Direk Joel wanted me to do.

Kailangan bumagay siya sa akin. He challenged me and I accepted it.

"My first kontrabida role talaga was in Nagbabagang Luha with Lorna. I was her sister there na nakipag-affair sa estranged mister niya behind her back. That was played by Gabby Concepcion. In a way, parang semi-kontrabida lang. Nagkaroon naman ng reconciliation sa ending ng movie.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Then I did The Rape Of Virginia P. Sosyal naman akong kontrabida doon na inaapi si Alma Moreno. I had fun playing that role kasi it had witty dialogue.

"I would also consider my role in My Other Woman a kontrabida kasi mistress ako roon ni Christopher de Leon with Lani Mercado as the wife. It’s one of my favorite roles sa mga nagawa kong movies."

FIRST TAPING DAY. First taping day ni Alice ay kinunan sa squatter’s area sa Addition Hills in Mandaluyong. Nakipagsigawan at nakipag-away na agad si Alice sa unang eksena niya.

"Our director, Eric Quizon, wanted me to show a different side. He wanted me to drop the accent at makipagsigawan ako. My mother here is played by Deborah Sun at pareho kaming nakikipag-away parati.

"I’m the ambitious girl from the slums at gusto ko ngang makawala sa buhay namin. Kaya I went on to use other people to get what want. Maraming nagagalit sa akin kaya doon nag-start ang away.

"Napagod ako sa scene na iyon talaga. But it was worth it kasi I gave what I had sa scene and Direk Eric was pleased. Sana magandang lumabas at hindi mahalata masyado ang accent ko!" sabay tawa niya.

Sa mga susunod raw na eksena ay magiging sosyal na si Alice at makakalaban na niya si Lorna bilang isang sikat na cosmetologist. Mas lalala raw ang mga gagawin ni Alice dahil ultimo propesyon ni Lorna ay balak niyang sirain.

"That’s how scheming I am. But Lorna will put up a fight kaya exciting ang mga confrontation scenes namin. I’m very excited because since 1988, hindi ko na nakatrabaho ulit si Lorna. So this is like our reunion 23 years after our movie Nagbabagang Luha."

LIKE NIP/TUCK. May nagsabi na inspired by the US TV series na Nip/Tuck ang Glamorosa. Pero depensa naman ni Alice ay hindi naman daw.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"I guess yung theme lang about cosmetic surgery is what makes other people think na ginagaya namin ang Nip/Tuck. Malayung-malayo ang story na sinulat for this. Makaka-relate ang marami sa story.

"Glamorosa is not just about cosmetic surgery, it’s also about the endless search for perfection. But our characters are not perfect people. Lahat tayo may mga flaws.

"The real message here is all about inner beauty. You might be beautiful outside but are you beautiful inside?" diin pa ni Alice.

Bukod sa bagong TV series sa TV5, may movie rin si Alice para sa Metro Manila Film Festival 2011.

"I just finished shooting my scenes for Panday 2 with Senator Bong Revilla. I play queen of the dragons. Mother ako rito ni Marian Rivera who is also one of the dragon people.

"Okey lang naman na maging mother ako ni Marian. I’m already 42 years old. Puwede na ngang anak ko si Marian talaga.

"I’ve no problem naman playing mother sa mga baguhang artista. Sa Babaeng Hampaslupa, anak ko si Toni Gonzaga. Even when I was a Regal baby pa, may mga roles ako na mother na ako kahit bata pa ako that time.

"Kaya para sa akin, it’s not a big deal kung gawin n’yo akong nanay sa movie or sa TV show. Trabaho pa rin ’yan and just make the most out of the role they give you. Treat everything as a blessing," pagtatapos pa ni Alice Dixson.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN