Alma Moreno on parody account on Twitter: "Masyado naman akong binabastos."

May 12, 2016
<p>Alma Moreno reacts to a parody Twitter account which makes fun of her. "Masyado naman akong pinaglalaruan," she says.</p>

Maluwag daw na tinanggap ng senatorial candidate na si Alma Moreno ang kanyang pagkatalo sa katatapos lang na national elections.

“Akala nga ng lahat masyadong na-depressed ako, dahil natalo.

“Sabi ko, hindi. Maluwag kong tinanggap na ako ay hindi sinuwerte.

“At the same time, siyempre natutuwa ako dahil nanalo ang anak ko, si Vandolph, sa Parañaque,” pahayag ng dating aktres sa panayam niya sa Mismo ng dzMM, nitong Miyerkules ng gabi, May 11.

Si Vandolph ay nahalal bilang konsehal sa Parañaque.

Ayon kay Alma, hindi niya natutukan ang pangangampanya sa kanyang senatorial bid dahil kinailangan din niyang tulungan sa pangangampanya ang anak sa yumaong Comedy King na si Dolphy.  

“Kasi ang mahirap, dalawa ang hinawakan ko. Yung kampanya ko, saka yung kampanya ni Vandolph.

“So, nung mga bandang huli na, medyo nag-concentrate ako kay Vandolph na, siyempre sino bang tutulong kay Van, kundi ako na nanay niya.”

Sa latest partial and unofficial results ay nasa 24th place si Alma, at may mahigit 2.3 million votes.

Continue reading below ↓

Ikinatuwa ni Alma na marami pa rin siyang nakuhang boto kahit hindi siya nakapasok sa Magic 12.

Hindi raw kasi niya inasahang aabot sa milyon ang mga boboto sa kanya.

ON FAKE TWITTER ACCOUNT. Samantala, nagsalita rin si Alma tungkol sa parody o fake Twitter account na ipinangalan sa kanya.

Paglilinaw ng actress-turned-politician, wala siyang Twitter account.

Sa katunayan, ini-report na raw ito ng dalawa niyang anak kay Joey Marquez, sina Winwyn at si Yeoj.

“Ni-report na ni Winwyn ‘yan. Ni-report ko na ‘yan, ni-report na ni Yeoj.”

Hindi raw ikinatutuwa ni Alma ang nasabing parody account.

“Ewan ko kung sino ‘yan na ayaw akong tigilan.

“Sabi ko pa nga, ‘Ano ba naman ‘to! Talo na nga ako, ano ba ‘tong nginingitngit nito?’

“Bakit kailangan akong maliin nang maliin, di ba? Kung anu-ano ang pinaglalagay.

“Tama na, sabi ko nga.”

Sabi pa niya tungkol sa kung sinumang gumawa ng pekeng Twitter account, “Wala sigurong magawa, e.

Continue reading below ↓

“Di ba, dapat kung wala ka magawa, manahimik ka na lang?

"Masyado naman akong pinaglalaruan. Masyado naman akong binabastos na.

“Parang... di ba, masakit, pero tama na.

“Para sa akin, ipagdadasal ko na lang siya. Bahala na ang Panginoon sa kanya.

“Anyway, para problemahin ko pa siya, hindi na, 'no!”

Paliwanag ni Alma, mayroon siyang Twitter account noon, pero hininto na niya ito.

Mayroon naman daw siyang Facebook account.  

Kasalukuyan namang suspended ang nasabing fake Twitter account na ipinangalan kay Alma.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
<p>Alma Moreno reacts to a parody Twitter account which makes fun of her. "Masyado naman akong pinaglalaruan," she says.</p>
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results